Pumunta sa nilalaman

DWEG

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
ABN Radio (DWEG)
Pamayanan
ng lisensya
Santo Tomas
Lugar na
pinagsisilbihan
Batangas at mga karatig na lugar
Frequency89.5 MHz
TatakABN Radio 89.5
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatContemporary MOR, News, Talk
Pagmamay-ari
May-ariApollo Broadcast Investors
(Mediascape Inc.)
GV Batangas, Cool FM Lipa
Kaysaysayn
Unang pag-ere
2010
Dating pangalan
  • Smile (2010–2017)
  • GV (2018)
Kahulagan ng call sign
Emmanuel Villegas Galang
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassBCDE
Power5,000 watts

Ang DWEG (89.5 FM), sumasahimpapawid bilang ABN Radio 89.5, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Apollo Broadcast Investors. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Unit D, 2nd Floor, Woodheights Bldg., C.M. Recto Ave., Brgy. 4, Lipa, Batangas.[1][2]

Ang istasyon ay itinatag noong 2010 bilang Smile 89.5 na may pang-masang format. Nawala ito sa ere noong Oktubre 2017. Noong Marso 2018, bumalik ito sa ere bilang riley ng GV 99.9 na nakabase sa Batangas City. Nawala ulit ito sa ere nung Disyembre 2018 dahil sa problemang pangpinansyal at pagkasira ng transmitter nito ng Bagyong Usman. Nung Oktubre 2021, bumalik ulit ito sa ere bilang ABN Radio.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]