Pumunta sa nilalaman

DZVI

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Radyo Natin Padre Garcia (DZVI)
Pamayanan
ng lisensya
Padre Garcia
Lugar na
pinagsisilbihan
Silangang Batangas, ilang bahagi ng Quezon
Frequency105.5 MHz
Tatak105.5 Radyo Natin
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatCommunity radio
NetworkRadyo Natin
Pagmamay-ari
May-ariMBC Media Group
OperatorLM Broadcast and Advertising
Kaysaysayn
Unang pag-ere
2000
Dating frequency
105.3 MHz (2000–2009, 2017-2018)
Kahulagan ng call sign
Father VIcente Garcia
VI (Roman numeral ng 6)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power500 watts

Ang DZVI (105.5 FM), mas kilala bilang 105.5 Radyo Natin, ay isang istasyon ng radyo na pag-aari ng MBC Media Group at pinamamahalaan ng LM Broadcast and Advertising na pinag-arian ng pamamahalaan ng Padre Garcia. Ang studio at transmitter nito ay matatagpuan sa Maharlika Highway, Brgy. San Felipe, Padre Garcia, Batangas.[1][2]

2000-2014: Unang pagsahimpapawid

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag ang Radyo Natin Padre Garcia noong 2000 sa 105.3 FM. Noong panahong iyon, isa rin itong kaanib ng Faith Broadcasting Network na nagpapalabas ng mayorya ng pagsasahimpapawid ng istasyong ito maliban sa pag-ere ng national programming galing sa Radyo Natin.

Noong 2009, lumipat ang istasyong ito sa 105.5 FM upang bigyang-daan ang Radio City na nakabase sa Tayabas, Quezon.

Dahil sa kakulangan ng pondo, nawala ito sa ere noong 2014.

2016-kasalukuyan: Pangalawang pagsahimpapawid

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Oktubre 2016, sa tulong ng batikang personalidad na taga-Lipa na si Queenie Kinita, bumalik ito sa ere. Panggabi na lang ang pag-ere ng mga programa mula sa Faith Broadcasting Network.

Noong Enero 15, 2017, bumalik ang istasyon sa 105.3 FM. Gayunpaman, noong Enero 29, 2018, napilitan itong bumalik muli sa 105.5 FM pagkatapos nung bumalik sa ere ang DZCT bilang Pakakak ng Bayan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "TABLE 20.7a" (PDF), 2011 Philippine Yearbook, Philippine Statistics Authority, pp. 18–45, nakuha noong Pebrero 13, 2021{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2020 NTC FM Stations" (PDF). foi.gov.ph. Nakuha noong Pebrero 13, 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]