DXMS-AM
Pamayanan ng lisensya | Lungsod ng Kotabato |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Maguindanao del Norte at mga karatig na lugar |
Frequency | 882 kHz |
Tatak | DXMS Radyo Bida 882 |
Palatuntunan | |
Wika | Maguindanaon, Filipino |
Format | News, Public Affairs, Talk, Religious |
Network | Radyo Bida |
Affiliation | Catholic Media Network |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Notre Dame Broadcasting Corporation |
92.7 Happy FM | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1957 |
Kahulagan ng call sign | Mamamayang Sumasampalataya (dating bansag) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 5,000 watts |
Ang DXMS (882 AM) Radyo Bida ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-aari at pinamamahalaan ng Notre Dame Broadcasting Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Oblate Media Center, Sinsuat Ave., Lungsod ng Kotabato, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Notre Dame Village, Lungsod ng Kotabato.[1][2][3][4][5][6][7] Ang DXMS ay ang pinakamatandang himpilang Katoliko sa bansa.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang DXMS ni Gerard Mongeau, ang unang obispo ng Romano Katoliko sa Cotabato,[8] noong Pebrero 1957. Ito ang kauna-unahang himpilan ng Oblates of Mary Immaculate,[9] at sa makasaysayang lalawigan ng Cotabato.[10] Ginamit ito dati para sa ebanghelisasyon sa Diyosesis ng Cotabato.[9]
Isinara ang himpilang ito sa deklarasyon ng pambansang batas militar noong 1972. Ang DXND-AM, na nakabase sa kidapawan, ay ginamit sa kalaunan bilang tagapagsalita laban sa administrasyon ni Marcos. Ngungit bumalik ang DXMS sa ere pagkatapos ng dalawang taon.[9]
Noong 1978, lumipat ang talapihitan nito mula 880 kHz[11] sa kasalukuyang 882 kHz.[12]
Nakilala ang DXMS sa pagsasahimpapawid ng taunang paligsahan sa pagsusulit.[10]
Mga pangyayari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pag-atake noong 2000
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Radio Kalimudan, isang blocktime na programa[13] na pinangungunahan ni Datu Zamzamin Ampatuan,[14][15] ay ginamit bilang pagturo sa mga Muslim sa Gitnang Mindanao para pangalagaan ang kanilang mga tradisyon, [14] at para punahin ang Islamic extremism, lalo na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF)[13] para sa kanilang pagkakasangkot sa karahasan habang itinutulak ang separatismo ng Mindanao bilang isang Islamic state.[14] Kalaunan ay nakatanggap si Ampatuan ng ilang banta sa kamatayan,[13] lalo na mula sa MILF[16] na sobrang tumutol sa kanyang programa.[17] Dahil dito, naging paksa ng maraming pag-atake na kinasasangkutan ng istasyon noong 2000 ang programang ito.[16][14]
Noong Pebrero 27, may naganap na pagsabog malapit sa himpilan,[18][19] habang kakasimula lang ng programa.[18][20] Nasugatan ang pitong indibidwal, kabilang dito ang dalawang alalay ng broadcaster at ang sekyu;[18][19] habang ang van lamang ng announcer na kakapasok lang sa compound nang mangyari ang insidente ang nasira.[18] Ito ay iniulat na ang ikatlong pag-atake laban kay Ampatuan, na sinisi ang MILF para sa isang nakamamatay na Ozamiz ferry bombing dalawang araw bago ito.[19] Ang pampasabog, isang homemade mortar bomb,[18] ay iniulat na katulad ng ginamit sa Ozamiz.[19]
Noong Marso 27, nasugatan si Ampatuan sa tangkang pagpatay nang tambangan siya ng humigit-kumulang 14 na armadong kalalakihan habang pauwi pagkatapos ng programa, na ikinamatay ng isa sa kanyang mga escort sa militar, at nasugatan din ang lima pa. Nakilala ang ilan sa mga salarin na miyembro ng MILF.[13]
Noong unang bahagi ng Disyembre, dalawang beses na sinalakay ang himpilang ito. Kabilang ito ang pagputok ng granada sa tahanan nito, na ikinasugat ng apat na bisita.[14]
Noong unang bahagi ng umaga ng Disyembre 11, nagpaputok ng 81 mm mortar ang pinaghihinalaang mga rebeldeng MILF sa transmiter ng himpilan nito, nasugatan ang isang tekniko at isang kumakatawan, at napinsala ang bodega ng transmiter at van ng kumpanya.[17][14] Isang araw bago ang pag-atake, binalaan ng hindi kilalang tao ang mga empleyado na hindi titigil ang pag-atake sa himpilan[14] hangga't ipagpatuloy ng DXMS ang programang yan.[17]
Itinanggi ng MILF ang responsibilidad sa ilan sa mga pag-atake.[20][17][14]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Archdiocese of Cotabato
- ↑ 14 injured in Cotabato City blast, 5 in Libungan
- ↑ 19 wounded in Mindanao explosions
- ↑ "SOA on Rice Production in Region XII, Making Waves". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-04. Nakuha noong 2024-11-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ KuMuNet launch Radio Programs
- ↑ Mga pagpamomba sa Cotabato gikondena ni Mayor Guiani-Sayadi
- ↑ "Broadcaster in Cotabato City receives death threat". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-04. Nakuha noong 2020-03-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mercado, Jun (Setyembre 28, 2009). "Opinion: 'The Magnificent Seven' of the OMI". GMA News. Nakuha noong Mayo 4, 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 9.2 Sarmiento, Bong (Oktubre 26, 2018). "Church's radio franchise in Mindanao renewed for 25 years". UCA News. Nakuha noong Mayo 4, 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 Buhay Rodil, Rudy (Oktubre 11, 2022). "Angay-angay Lang: Eighty years old na ako (part 3)". MindaNews. Nakuha noong Mayo 4, 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Philippines, a Country Profile. Washington, D.C.: United States Department of State. Agosto 1979. p. 126. Nakuha noong Mayo 4, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Philippine Yearbook 1979. Manila: National Economic and Development Authority; National Census and Statistics Office. 1979. p. 816. Nakuha noong Mayo 4, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 13.2 13.3 "Philippines: Radio host survives assassination attempt". Committee to Protect Journalists. Abril 5, 2000. Nakuha noong Mayo 12, 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 14.2 14.3 14.4 14.5 14.6 14.7 Unson, John (Disyembre 12, 2000). "2nd attack in 6 days: Rebs fire mortar at Cotabato radio station". The Philippine Star. Nakuha noong Mayo 12, 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Radyo Kalimudan". oocities.org. n.d. Nakuha noong Mayo 12, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 16.0 16.1 Committee to Protect Journalists (Pebrero 2001). "Attacks on the Press in 2000 - Philippines". Refworld. United Nations High Commissioner for Refugees. Nakuha noong Mayo 12, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 17.2 17.3 Edwin Fernandez; atbp. (Disyembre 12, 2000). "Another bomb hits Cotabato; radio station manager injured". Philippine Daily Inquirer. p. A5. Nakuha noong Mayo 6, 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 18.0 18.1 18.2 18.3 18.4 Mindanao Bureau; Martin Marfil; Agence France-Presse (Pebrero 29, 2000). "Radio station blast blamed at MILF". Philippine Daily Inquirer. pp. 1, 6. Nakuha noong Hulyo 9, 2019 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 19.0 19.1 19.2 19.3 Unson, John (Pebrero 29, 2000). "Seven hurt in bomb blast at Cotabato radio station". The Philippine Star. Nakuha noong Mayo 4, 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 20.0 20.1 "Philippines: Catholic radio station bombed in Mindanao". Committee to Protect Journalists. Marso 3, 2000. Nakuha noong Mayo 12, 2024.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)