Pumunta sa nilalaman

Dagat Patay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dagat na Patay)
Dagat Patay
Tanawin ng dagat mula sa baybayin ng Jordan na may mga burol ng Kanlurang Pampang sa likuran
LokasyonKanlurang Asya
Mga koordinado31°30′N 35°30′E / 31.500°N 35.500°E / 31.500; 35.500
Uri ng lawaEndoreyko
Hipersalina
Pagpasok ng agosIlog Jordan
Paglabas ng agosWala
Beysin ng paagusan41,650 km2 (16,080 mi kuw)
Mga bansang beysinHordan, Palestina (Kanlurang Pampang na inookupahan ng Israel), Israel
Pinakahaba50 km (31 mi)[1] (hilagang pampang lamang)
Pinakalapad15 km (9.3 mi)
Pang-ibabaw na sukat605 km2 (234 mi kuw) (2016)[2]
Balasak na lalim188.4 m (618 tal)[3]
Pinakamalalim298 m (978 tal) (pinakamalalim na punto, 728 m (2,388 tal) BSL [sa ilalim ng antas ng dagat], di-kasama ang kasalukuyang elebasyon ng rabaw)
Bolyum ng tubig114 km3 (27 cu mi)[3]
Haba ng baybayin1135 km (84 mi)
Kataasan sa rabaw−430.5 m (−1,412 tal) (2016)[4]
Mga sanggunian[3][4]
1 Hindi mainam na pansukat ang haba ng baybayin.

Ang Dagat Patay[5][6] o Dagat Alat[6] (Arabe: اَلْبَحْر الْمَيِّت‎, romanisado: al-Baḥr al-Mayyit, o Arabe: اَلْبَحْر الْمَيْت‎, romanisado: al-Baḥr al-Mayt; Hebreo: יַם הַמֶּלַח‎, romanisado: Yam hamMelaḥ), kilala rin sa mga ibang pangalan, ay isang lawang nakukulong ng lupain na hinahanggahan ng Hordan sa silangan, Kanlurang Pampang na inookupahan ng Israel sa kanluran at Israel sa timog-kanluran.[7][8] Ito ay nasa Libis ng Hordan, at Ilog Hordan ang pangunahing sangang-ilog nito.

Pagsapit ng 2019, 430.5 metro (1,412 tal) sa ilalim ng antas ng dagat ang rabaw ng lawa,[4][9] kaya ang baybayin nito ang pinakamababang elebasyong batay sa lupa sa buong mundo. 304 m (997 tal) ang lalim nito, ang pinakamalalim na hipersalinong lawa sa mundo. 342 g/kg, o 34.2% ang kaasinan nito (noong 2011), kaya isa ito sa mga pinakamaalat na katubigan sa mundo[10] – 9.6 beses na mas maalat kaysa karagatan – at may densidad ng 1.24 kg/litro, kaya halos pareho sa paglulutang ang paglalangoy roon.[11][12] Napakaalat nitong dagat kaya't imposible sa karamihan sa mga may buhay na umiral dito. Ito ang dahilan kung bakit ganito ang pangalan o tawag dito. 50 kilometro (31 mi) ang haba at 15 kilometro (9 mi) ang lapad ng pangunahing, hilagang luwasan ng Dagat Patay, sa pinakamalawak na punto nito.[1]

Libu-libong taon nang nakakaakit ang Dagat Patay sa mga bisita sa palibot ng Luwasang Mediteraneo. Isa ito sa naging unang bakasyunang pangkalusugan sa mundo, at naging tagapagtustos ito ng iba't ibang uri ng mga produkto, mula aspalto para sa mumipikasyong Ehipsyo hanggang potasa para sa mga pataba. Ngayon, bumibisita ang mga turista sa dagat sa mga baybayin ng Israel, Hordan, at Kanlurang Pampang.

Lumiliit nang mabilisan ang Dagat Patay; ang pang-ibabaw na sukat nito ngayon ay 605 km2 (234 mi kuw),[2] kumpara sa 1,050 km2 (410 mi kuw) noong 1930. Maraming mga panukala sa kanal at mga tubo, tulad ng ibinasurang proyekto ng Pagdadalang-tubig sa Dagat Pula–Dagat Patay,[13] ang ginawa para mabawasan ang pagliliit nito.

Ang panglang "Dagat Patay" sa wikang Tagalog ay kalko ng pangalan sa Ingles (Dead Sea), na kalko mismo ng pangalan sa Arabe, na tumutukoy sa kakapusan ng buhay sa tubig na dulot ng matinding kaasinan ng lawa.[14] Kabilang sa mga makasaysayang pangalan ng lawa na hinango mula sa Ingles ang Dagat Alat (Salt Sea),[15] Lawa ng Sodom (Lake of Sodom)[15] mula sa ulat ng Bibliya tungkol sa pagkasira nito[16] at Lawang Aspaltitas (Lake Asphaltites) [15] mula sa Griyego at Latin.

Lumilitaw paminsan-minsan ang pangalang "Dagat Patay" sa panitikang Hebreo bilang Yām HamMāvet (ים המוות), 'Dagat ng Kamatayan'.[14] Ang karaniwang pangalan ng lawa sa bibliya[17] at sa modernong Hebreo ay Dagat ng Asin (ים המלח, tungkol sa tunog na ito Yām HamMelaḥ ). Kabilang sa mga iba pang pangalang Hebreo para sa lawa na ibinanggit din sa Bibliya ang Dagat ng Araba (ים הערבה, Yām Ha‘Ărāvâ) at Silangang Dagat (הים הקדמוני, HaYām HaQadmōnî).

Ang pangalang Arabe ay tungkol sa tunog na ito al-Bahr al-Mayyit (‏البحر الميت‎), o kadalasang walang artikulong al-, kaya Bahr lang atbp. Kilala rin ito sa wikang Arabe bilang Dagat ng Lot (‏بحر لوط‎, Buhayrat,[18] Bahret, or Birket Lut)[19] mula sa pamangkin ni Abraham na ang asawa ay sinabing naging haligi ng asin noong pagkalipol ng Sodoma at Gomorra.[16] Mas bihira sa Arabe, nakilala rin ito bilang Dagat ng Segor mula sa lungsod sa tabi ng baybayin nito na mahalagang dati.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Virtual Israel Experience: The Dead Sea" [Karanasang Birtuwal ng Israel: Ang Dagat Patay]. Jewish Virtual Library (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2013. Nakuha noong 21 Enero 2013.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "The Dead Sea Is Dying Fast: Is It Too Late to Save It, or Was It Always a Lost Cause?" [Namamatay Nang Mabilis Ang Dagat Patay: Huli na ba Para Iligtas Ito, o Dati pa bang Walang Pag-asa?]. Haaretz. 7 Oktubre 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Dead Sea Data Summary 2015 Naka-arkibo 2015-02-21 at Archive.is.Water Authority of Israel.
    "Red Sea - Dead Sea Water Conveyance Study Program". The World Bank Group. 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 "Long-Term changes in the Dead Sea". Israel Oceanographic and Limnological Research - Israel Marine Data Center (ISRAMAR). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-11-06. Nakuha noong 2014-05-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Almario, Virgilio, pat. (2010). "Dagat Patay, Dead Sea". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Abriol, Jose C. (2000). "Dagat Patay, Dagat Alat". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 26.
  7. "A Rare Middle East Agreement, on Water" [Isang Pambihirang Pagkakasundo ng Gitnang Silangan, Tungkol sa Tubig]. The New York Times (sa wikang Ingles). 9 Disyembre 2013. Nakuha noong 4 Disyembre 2023. Halos 25 milya ng baybayin ng Dagat Patay ay nasa Kanlurang Pampang na inookupahan ng Israel at inaangkin ng mga Palestino bilang bahagi ng isang kinabukasang estado. (Isinalin mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The Dead Sea is dying. These beautiful, ominous photos show the impact" [Namamatay ang Dagat Patay. Ipinapakita nitong mga magaganda, nagbabalang larawan ang epekto]. NPR (sa wikang Ingles). 11 Disyembre 2022. Nakuha noong 4 Disyembre 2023. Ang Dagat Patay ay lawang kinukulong ng lupa na bahagyang nasa Hordan, Israel, at ang inookupahan ng Israel na Kanlurang Pampang. (Isinalin mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Israel and Jordan Sign 'Historic' $900 Million Deal to Save the Dead Sea". Newsweek. 2015-02-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-24. Nakuha noong 2015-03-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Goetz, P. W., pat. (1986). "Dead Sea" [Dagat Patay]. The New Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 3 (ika-15th (na) edisyon). Chicago. p. 937.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)
  11. R W McColl, pat. (2005). Encyclopedia of world geography [Ensiklopedya ng heograpiya ng daigdig] (sa wikang Ingles). Facts on File. p. 237. ISBN 978-0-8160-7229-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-10-30. Nakuha noong 2020-11-10.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Dead Sea - Composition of Dead Sea Water" [Dagat Patay - Komposisyon ng Tubig ng Dagat Patay] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "5 alliances shortlisted to execute Red-Dead's phase I". The Jordan Times. 27 Nobyembre 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Nobyembre 2016. Nakuha noong 3 Disyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 David Bridger; Samuel Wolk (Setyembre 1976). The New Jewish Encyclopedia [Ang Bagong Ensiklopedyang Hudyo] (sa wikang Ingles). Behrman House, Inc. p. 109. ISBN 978-0-87441-120-1. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 30, 2023. Nakuha noong Hulyo 25, 2011. Pinangalanan itong "Dagat Patay" dahil sa katotohanang walang buhay na bagay ang maaaring umiral doon, dahil napakaalat at napakapait ang tubig. (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 15.2 Morse, Jedidiah (1819), The American Universal Geography... [Ang Amerikanong Heograpiyang Unibersal...] (sa wikang Ingles), bol. 2 (ika-7th (na) edisyon), Boston: Lincoln & Edmands, p. 458{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 Gen 19
  17. KJV
  18. Moshe Sharon (1999). Bani Na'im: Maqam an-Nabi Lut. Corpus Inscriptionum Arabicarum Palaestinae (CIAP) (sa wikang Ingles). Bol. Two: B–C. Leiden, Boston, Cologne: Brill. p. 15 (of pp.12–21). ISBN 978-90-04-11083-0. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2023. Nakuha noong 30 Disyembre 2019.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Dead Sea: Israel and Jordan [Dagat Patay: Israel at Hordan]. 1991. p. 1163. ISSN 1048-9711. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2023. Nakuha noong 30 Disyembre 2019. {{cite book}}: |work= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)