Lot (Bibliya)
Ayon sa Tanakh, Bibliya, at Kuran, si Lot (Hebreo: לוֹט, Lowt, "belo", Loṭ; Arabe: لوط, Lut, Lūṭ); "Nakatago, natatakpan"[1] ay isang pamangkin ng patriyarkang si Abraham o Abram. Siya ang anak ni Haran[2], ang kapatid na lalaki ni Abraham (Gen. 11:27). Naging kapatid ni Lot si Nahor, ang kapatid na lalaki Abraham sa pamamagitan batas kaugnay ng pagkakakasal ni Nahor (kapatid na lalaki ni Abraham) kay Milcah (kapatid na babae ni Lot).
Ipinanganak si Lot sa Ur. Naglakbay siyang kapiling ni Abraham patungong Canaan at Ehipto, ngunit naghiwalay dahil sa alitan hinggil sa lupaing-pastulan. Nanirahan si Lot sa Sodom at sa kapatagan ng Jordan. Lumikas siya mula sa Sodom kasama ang kaniyang mga anak na babae bago tuluyang masalanta ang Sodom. Naging isang haligi ng asin ang kaniyang asawa nang huminto ito para muling pagmasdan ang lungsod ng Sodom. Ninuno si Lot ng mga nagtatag ng mga bansa ni Moab at Ammon.[2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Strong's Hebrew Bible Dictionary - SpeedBible mula sa johnhurt.com
- ↑ 2.0 2.1 "Lot". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ating Mamamayan: Isang Kasaysayan ng mga Hudyo - Abram at Lot (Ingles)
- Isang Haligi ng Asin - Isang leksiyon mula sa asawa ni Lot (Ingles)
- Kasaysayang pang-Bibliya #1 ni Brad Neely Naka-arkibo 2008-12-09 sa Wayback Machine. (Ingles)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.