Pumunta sa nilalaman

Daluyong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Daluyong!)

Ang dalúyong o dalúyong-bagyo (Ingles: storm surge) ay ang bahang mala-tsunami sa mga baybayin na dulot ng pagtaas ng tubig dahil sa mga bagyo o iba pang mga kaugnay na sistema. Lumalagpas ang taas ng daluyong sa normal na antas ng tubig tuwing nagtataog (high tide).

Mga makasaysayang daluyong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa sa pinakamapaminsalang kalamidad na tumama sa Estados Unidos ay ang bagyo sa Galveston, Texas noong 1900 na isang Kategorya 4 na bagyo. Nagdala ito ng mapaminsalang daluyong sa mga dalampasigan—sa pagitan ng 6,000 hanggang 12,000 buhay ang nasawi, ang pinakamarami sa kasaysayan ng Estados Unidos. Pinakamaraming nasawi sa ika-21 siglo ay dulot ni Bagyong Nargis na kumitil ng mahigit sa 138,000 sa Myanmar noong Mayo 2008, sumunod dito ang Bagyong Haiyan o Yolanda na kumitil ng 3,600 na buhay sa Gitnang Pilipinas.[1][2][3] na nagdulot ng pinsala na katumbas sa humigit-kumulang na US$14 bilyon.[4]

Ang pinakamataas na naitalang daluyong-bagyo sa kasaysayan ay dala ng Bagyong Mahina noong 1899, na tinatayang may 43 talampakan (13 metro) sa Look ng Bathurst, Australia. Ngunit sa nailathalang pananaliksik noong 2000, tinukoy nito na malamang ang karamihan sa mga ito ay mga wave run-up lamang dahil sa matarik na topograpiya ng baybayin.[5] Sa Estados Unidos, ang pinakamalaking naitalang daluyong-bagyo ay dulot ni Bagyong Katrina noong 2005 na nagdala ng mga daluyong-bagyo na higit sa 25 talampakan (8 metro). Sa mga pamayanan sa Mississippi, gaya ng sa Waveland umabot ito ng 41.5 talampakan, Bay St. Louis 38 talampakan, Diamondhead 30 talampakan, Pass Christian 35 talampakan.[6] Isa pang malaking naitalang daluyong-bagyo ay nangyari sa Lungsod ng New York na hatid ni Bagyong Sandy noong Oktubre 2012 na may 14 talampakan (4.2 metro), habang sa Pass Christian sa kabilang panig ng Look ng St. Louis umabot ito hanggang 35 talampkan.[7] Ang pinakamtinding daluyong-bagyo na kumitil ng napakaraming buhay ay nangyari noong 1970, dala ni Bagyong Bhola. Kalimitang tinatamaan ng mga daluyong-bagyo ang mga baybayin ng Look ng Bengal.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gelineau, Kristen; Pitman, Todd (2013-11-16). "Typhoon-stricken Guiuan in Eastern Samar starts rebuilding" (sa wikang Ingles). GMA News Online (Associated Press). Nakuha noong 2013-11-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. CBS/AP (2013-11-14). "Philippines typhoon dead buried in mass grave in hard-hit Tacloban as aid begins to pour in" CBSNEWS.com. Retrieved 2013-11-14.
  3. Brummitt, Chris (2013-11-13). "After Disasters Like Typhoon Haiyan, Calculating Death Toll Often Difficult". Associated Press, Huffington Post. Retrieved 2013-11-14.
  4. Yap, Karl Lester M.; Heath, Michael (2013-11-12). "Yolanda's Economic Cost P600 billion" Naka-arkibo 2014-08-12 sa Wayback Machine.. Bloomberg News, BusinessMirror.com.ph. Retrieved 2013-11-14.
  5. Jonathan Nott and Matthew Hayne (2000). "How high was the storm surge from Tropical Cyclone Mahina? North Queensland, 1899" (PDF). Emergency Management Australia. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-06-25. Nakuha noong 2008-08-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Knabb, Richard D; Rhome, Jamie R.; Brown, Daniel P (2005-12-20). "Tropical Cyclone Report: Hurricane Katrina: 23–30 August 2005" (PDF). National Hurricane Center. Nakuha noong 2008-10-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Simpson, 1969
  8. "Solar System Exploration: Science & Technology: Science Features: Remembering Katrina - Learning and Predicting the Future". Solarsystem.nasa.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-28. Nakuha noong 2012-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)