Dambana ng Langit
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Temple of Heaven | |
---|---|
Lokasyon | Dongcheng, Beijing, China |
Mga koordinado | 39°52′56″N 116°24′24″E / 39.8822°N 116.4066°E |
(Mga) estilong pang-arkitektura | Arkitekturang Tsino |
Official name: Temple of Heaven: an Imperial Sacrificial Altar in Beijing | |
Type | Cultural |
Criteria | i, ii, iii |
Designated | 1998 (22nd session) |
Reference no. | 881 |
Region | Asia-Pacific |
Dambana ng Langit | |||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tradisyunal na Tsino | 天壇 | ||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 天坛 | ||||||||||||||||||
Kahulugang literal | "Altar ng Langit" | ||||||||||||||||||
|
Ang Dambana ng Langit (Tsino: 天坛; pinyin: Tiāntán) ay isang kumpol ng mga gusaling panrelihiyon na matatagpuan sa timog-silangan na bahagi ng gitnang Beijing. Ang kumpol ng mga gusaling ito ay binisita ng mga Emperador ng dinastiyang Ming at Qing para sa taunang seremonya ng pananalangin sa Langit para sa isang masaganang ani.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kumpol ng mga dambana ay itinayo mula 1406 hanggang 1420 sa panahon ng paghahari ng Emperador na Yongle ng Dinastiyang Ming, na siya ring nagpatayo ng Pinagbabawalang Lungsod sa Beijing. Ito ay kasalukuyang matatagpuan sa Dongcheng, Beijing, China. Ang kumpol ng mga gusali ay pinalawak at pinangalangang Dambana ng Langit sa panahon ng paghahari ng Emperador na Jiajing noong ika-16 na siglo. Nagtayo rin si Jiajing ng tatlong iba pang kilalang dambana sa Beijing, ang Dambana ng Arawn (日 壇) sa silangan, ang Dambana ng Lupa (地 壇) sa hilaga, at ang Dambana ng Buwan (月 壇) sa kanluran. Ang Dambana ng Langit ay inayos noong ika-18 siglo sa ilalim ng Emperador na Qianlong . Noong panahong iyon, ang panustos ng bayan ay hindi sapat, kaya't ito ang huling malakihang pagsasaayos ng kumpol ng mga dambana sa mga panahong imperyal.
Ang dambana ay sinakop ng Alyansang Anglo-Pranses sa panahon ng Ikalawang Digmaang Opyo . Noong 1900, sa panahon ng Rebelyon ng Boxer, sinakop ng Alyansa ng Walong Bansa ang kumpol ng mga dambana at ginawang pansamantalang himpilan ng puwersa sa Beijing, na tumagal ng isang taon. Ang panakakop ay lumapastangan sa dambana at nagbunga ng malubhang pinsala sa mga gusali at hardin. Naiulat din ang pagnanakaw ng mga artifact sa dambana ng Alliance.[kailangan ng sanggunian] Sa pagbagsak ng Qing, ang mga dambana ay napabayaan. Ang kapabayaan ng sa mga dambana ay humantong sa pagbagsak ng maraming bulwagan sa mga sumunod na taon. [2]
Noong 1914, si Yuan Shikai, noon ay Pangulo ng Republika ng Tsina, ay ginanap ang isang seremonya ng pananalangin na Ming sa dambana, bilang bahagi ng pagsisikap na itatag ang kanyang sarili bilang Emperador ng China . Noong 1918 ang templo ay ginawang liwasan at sa kauna-unahang pagkakataon ay binuksan sa publiko.
Ang Dambana ng Langit ay naitala bilang isang UNESCO World Heritage Site noong 1998 at inilarawan bilang "isang obra maestra ng arkitektura at disenyong pantanawin na payak at makulay na nailalarawan ng isang napakahalagang kosmonohiya para sa ebolusyon ng isa sa mga dakilang sibilisasyon sa mundo ..." dahil ang "pagkakalatag at pagkakadibuho sa Dambana ng Langit ay nagkaroon ng malalim na impluwensya sa arkitektura at pagpaplano sa Malayong Silangan sa maraming siglo."
Mga gusali at pagkakalatag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bakuran ng Bulwagan ay sumusukat ng 2.73 square kilometre (1.05 mi kuw) at binubuo ng tatlong pangunahing kumpulan ng mga gusali, lahat ay itinayo ayon sa mahigpit na mga pamantayang pilosopiko:
- Ang Bulwagan ng Panalangin para sa Magagandang Ani (祈年殿) ay isang kahanga-hangang gusaling may tatlong patong na bubong, 36 metro (118 tal) ang lapad at 38 metro (125 tal) ang taas,[1] itinayo sa pundasyong marmol na may tatlong baitaing, kung saan nanalangin ang Emperador para sa magagandang ani. Ang kabuuan ng gusali ay gawa sa kahoy at hindi ginamitan ng mga pako. Ang orihinal na gusali ay nasilab dulot ng kidlat noong 1889. Ang kasalukuyang gusali ay muling itinayo ng makalipas ang ilang taon pagkatapos ng insidente.
- Ang Simboryo ng Langit (皇 穹 宇) ay isang pabilog na gusaling may isang patong na bubong, na itinayo sa pundasyong marmol na iisang baitang. Matatagpuan ito sa timog ng Bulwagan ng Panalangin para sa Magagandang Ani na kahawig nito, ngunit higit na maliit.[1] Napapaligiran ito ng isang makinis na pabilog na dingding, ang Pader ng Alingawngawl, na maaaring magpadala ng mga tunog sa malalayong distansya. Ang Tulay ng Mapulang Hakbang ang nagdurugtong sa Simboryo ng Langit at Bulwagan ng Panalangin , isang 360 metro (1,180 tal)* itinaas na daanan na bahagyang pataas mula sa Simboryo patungo sa Bulwangan ng Panalangin. Ang simboryo para sa gusaling ito ay wala ring mga crossbeams upang suportahan ang simboryo.[2]
- Ang Altar na Bilugang Punso (圜丘 坛) ay ang tumpak na panalanginan, na matatagpuan sa timog ng Simboryo ng Langit. Ito ay isang lamang pabilog na patyo sa tatlong baitang ng mga marmol, ang bawat isa ay pinalamutian ng mga magagarang larawan ng inukit na mga dragon. Ang mga bilang ng iba't ibang mga elemento ng Altar, kasama ang mga balustre at baitang nito, ay alinman sa sagradong bilang na siyam o ang pag-uulit sa bilang na ito. Ang gitna ng dambana ay isang bilog na bato na tinatawag na Puso ng Langit (天 心 石) o ang Kataas-taasang Yang (太阳 石), kung saan nanalangin ang Emperador para sa magandang panahon. Salamat sa pagkakalatag ng dambana, ang tunog ng panalangin ay umaalingawngaw sa mga alabat, na lumilikha ng taginting, pinaniniwalaang makakatulong sa pagpaparating ng panalangin sa Langit. Ang Altar ay itinayo noong 1530 ng Emperador na Jiajing at itinayong muli noong 1740.
Sa sinaunang Tsina, ang Emperador ay itinuturing na Anak ng Langit, na namamahala sa mga pangyayari sa lupa sa ngalan ng langit at kumakatawan sa kapangyarihan ng langit. Mahalaga na maipakita na nagbibigay siya ng paggalang sa pinagmulan ng kanyang kapangyarihan, sa anyo ng mga sakripisyo sa langit. Ang dambana ay itinayo para sa mga seremonyang ito, karamihan ay binubuo ng mga panalangin para sa magandang ani.
Dalawang beses sa isang taon ang Emperador at ang lahat ng kanyang mga alagad ay tumutungo sa looban upang maghimpil doon, nakasuot sila ng mga natatanging bata at umiiwas sa pagkain ng karne . Walang ordinaryong Tsino ang pinapayagan na tingnan ang prusisyon na ito o ang sumusunod na seremonya. Sa looban ng mga dambana ang Emperador ay personal na manalangin sa Langit para sa magandang ani. Ang pinakasukdulan ng seremonya sa winter solstice ay ginagawa ng Emperador sa Punso ng Lupa. Ang seremonya ay dapat na lubos na matapos; isang malawak na paniniwala noon na ang pinakamaliit ng mga pagkakamali ng masamang pangitain para sa buong bansa sa darating na taon.
Mga sagisag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Daigdig ay kinatawan ng isang parisukat at Langit ng isang bilog; maraming mga bahagi ng kumplikadong dambana ay sumasagisag sa pagdurugtong ng Langit at Lupa, ng bilog at parisukat. Ang kabuuang bakuran ng dambana ay napapaligiran ng dalawang pader; ang panlabas na pader ay mas mataas bilugan sa hilagang bahagi, na kumakatawan sa Langit, at isang mas maikli, hugis-parihaba sa timog na bahagi, na kumakatawan sa Lupa. Parehong bilog ang Bulwagan ng Pananalangin para sa Magandang Ani at ang Altar na Bilugang Punso, bawat isa ay nakatayo sa isang parisukat na bakuran, na muling kumakatawan sa Langit at Lupa. Ang bilang na siyam ay kumakatawan sa Emperador. Kita ang pagsagisag na ito sa pagkakalatag ng Altar na Bilugang Punso: ang isang bilog na tisang marmol ay napapalibutan ng siyam na tisang marmol, na napapalibutan naman ng 18 na tisang marmol, hanggang sa kabuuang siyam na nakapaligid na mga tisa, ang pinakauling hanay ng nakapalibot na tisang marmol na ay binubuo ng 9 × 9 na mga piraso.
Ang Bulwagan ng Pananalaging para sa Magandang Ani ay may apat na panloob na haligi, labindalawang panggitnang hanay na haligi at labindalawang panglabas na hanay ng mga haligi, na kumakatawan sa apat na panahon, labindalawang buwan ng taon at labindalawang oras sa tradisyunal na pamamaraang ng mga Tsino sa paghahati ng isang buong araw. Kung pagsasamahin ang lahat ng simbolismong ito, ito ay kakatawan sa tradisyunal na solar term. Ang lahat ng gusali ay may bubong na gawa sa mga tisang kulay madilim na bughaw, na kumakatawan sa Langit.
Ang Pangkat ng mga Bato ng Pitong-Bituin sa silangan ng Bulwagan ng Pananalangin para sa Magandang Ani, ay kumakatawan sa pitong tuktok ng Bundok Taishan , isang pook ng pagsamba sa Langit sa klasikal na Tsina.
Mayroong apat na pangunahing mga haligi ng dragon, bawat isa ay kumakatawan sa isang panahon. Ang gusali, na kumbagáy pasan ng mga dragon, ay ginagaya ang istilo ng sinaunang palasyong Tsino. Ang labindalawang panloob na mga haligi ay sumasagisag sa mga buwan, at sinasabing ang labindalawang panlabas na haligi ay tumutukoy sa 12 dalawang oras sa isang araw.
Liwasan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang nakapalibot na liwasan ay bahagyang malawak, kasama ang buong looban ng mga gusali, kabuuang 267 ektarya (660 akre) . Ang ilan sa mga ito ay binubuo ng mga palaruan, at pook para sa ehersisyo at mga laro. Ang mga pasilidad na ito ay madalas na ginagamit ng mga magulang at matatanda na kasa-kasama ng mga anak upang maglaro. Ang ilan sa mga bukas na espasyo at mga gusali sa gilid ay madalas na ginagamit, lalo na sa umaga, para sa mga choral show, mga sayaw na etniko, at iba pang mga pagtatanghal.
Pagpasok at Pagbisita
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Dambana ng Langit ay nasa Timog na bahagi ng Dongcheng District, na hanggang 2010 ay bahagi ng Chongwen District . Ang liwasan ay bukas araw-araw mula 6:00 ng umaga –10:00 ng gabi. Ang mga relic site sa loob ng liwasan ay nagbubukas ng 8:00 at nagsasara ng 17:30 mula Abril 1 hanggang Oktubre 31, at nagsasara ng 17:00 mula Nobyembre 1 hanggang Marso 31. Nagkakaroon ng paninigil sa pagpasok na nag-iiba ayon panahon o dami ng mga turista.[1] Inihihinto ang pagbebenta ang mga tiket ng isang oras at kalahati bago magsara ang gate.
Ang lahat ng apat na mga tarangakhan ng liwasan ay mararating sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon.
- East Gate sa Tiantan East Road at Tiyuguan Road: Beijing Subway Line 5 Tiantandongmen Station ;[1] ruta ng Beijing Bus 25, 36, 39, 208, 525, 610, 685, 686, 723, 827, 829, 957, 958
- West Gate sa Tianqiao South Street at Nanwei Road: Beijing Subway Line 8 Tian Qiao station ; Ang ruta ng Beijing Bus 2, 15, 17, 20, 35, 36, 69, 71, 120, 203, 504, 707, 729, 特 11 at BRT1
- North Gate sa Tiantan Road at Qinian Street: Mga ruta ng Beijing Bus 6, 34, 35, 36, 106, 110, 687, 707
- South Gate sa Yongdingmen East Street at Jintai Road: Mga ruta ng Beijing Bus 36, 53, 120, 122, 208, 525, 610, 958, 特 3, 特 11, 特 12, 运 通 102
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Pagsipi
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-03-28. Nakuha noong 2020-12-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Encyclopedia Britannica: https://www.britannica.com/topic/Temple-of-Heaven
Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Temple of Heaven, dokumentaryo ng CCTV
- Encyclopædia Britannica: https://www.britannica.com/topic/Temple-of-Heaven
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga artikulo na kakaunting wikilinks - Abril 2021
- Mga artikulo ng Wikipedia na nangangailangan ng pagwawasto - Abril 2021
- Mga pahinang nangangailangan ng pagsasaayos - Abril 2021
- Mga artikulong nangangailangan ng muling pagsulat - Abril 2021
- Mga artikulong may pangungusap na walang sanggunian (June 2015)
- Convert invalid options
- Beijing
- Mga gusali at estruktura sa Tsina