Detective Conan
Detective Conan Meitantei Conan | |
名探偵 コナン | |
---|---|
Dyanra | Komedya, drama, detective fiction, misteryo |
Manga | |
Kuwento | Gosho Aoyama |
Naglathala | Shogakukan |
Magasin | 'Shōnen Sunday' |
Demograpiko | Shōnen |
Takbo | 1994 – kasalukuyan |
Bolyum | 106 |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Kenji Kodama, Yasuichiro Yamamoto |
Estudyo | TMS Entertainment,Yomiuri TV |
Inere sa | NNS, Animax |
Teledrama | |
Direktor | Toshizaku Tanaka |
Inere sa | NTV, Yomiuri TV, NNS |
Related | |
Movies (20), OVAs (12), TV Specials (1) |
Ang Detective Conan (名探偵コナン, Meitantei Konan), kilala bilang Case Closed sa Estados Unidos, ay isang seryeng detektib manga at anime sa bansang Hapon na ginawa ni Gosho Aoyama, at inilalathala sa magasin na Weekly Shonen Sunday.
Isinagawa ng TMS Entertainment ang bersiyong anime nito. Sa kasalukuyan, nagkaroon na ito ng mahigit sa 400 na mga kabanata sa telebisyon at 9 na pelikula sa bansang Hapon. Hindi pa rin tapos ang anime na ito hanggang sa kasalukuyan. Noong Hulyo 2003, ipinahayag ng FUNimation na nilisensiya nila ang Detective Conan para ipalabas sa Estados Unidos bilang Case Closed dahil sa isyung legal na may kaugnayan sa pangalang Conan (Conan the Barbarian). Sa maraming parte ng mundo na pinalabas ito, nanatili ang pangalang Detective Conan (o ang literal na salin nito). Naipalabas na ito sa Espanya, Alemanya, Italya, Pilipinas, United Arab Emirates at iba pang bansa.
Istorya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa simula ng istorya, isang sikat na detektib si Shinichi Kudo, isa rin siyang mag-aaral sa hayskul. Isang araw, pumunta si Shinichi sa isang theme park na may pangalan na Tropical Land. Kasama niya si Ran Mouri, ang kanyang kaibigan mula pa pagkabata. Habang naroon sila,nagkaroon ng pagpatay hanggang sila ay nagsasaya sa roller coaster, dumating ang pulis para lutasin kung sino ang pumatay at tumulong din si shinichi para lutasin ito. Pinag-aralan nya ito at nakilala nya ang tatlong bata na may hawak na perlas at sawakas alam na niya kung sino ang pumatay. Pinaliwanag nya kung paano siya namatay at pinakita rin nya ito kung paano ginawa ang pagpatay, nahuli ang salarin at nalutas ni Shininchi ang pagpatay sa isang pasahero ng roller coaster. Naguusap sila ran at shinichi Habang pauwi na sila galing sa Tropical Land, nakakita ng mga taong nakaitim na may nakakahinalang gawain. Nakita siya ng isa mga taong iyon natuklasan niya ang madilim na gawain na walang nakakaalam kahit mga pulis, nakita siya sa isang kasama ng taong nakaitim at pinatulog siya. Sapilitang pinainom si Shinichi nag misteryong gamot at iyon ay Apoptoxin-4869 (APTX-4869), isang lason na dapat sana'y pumatay sa kanya, ngunit hindi siya namatay. Nang nagkaroon siya ng malay, nakita siya ng ibang mga pulis at nagtaka siya bakit tinawag siyang bata. Tinawag ng pulis ang ibang kasama at paglingon nya ay nawala siya, tumatakbo siya at nagtataka siya bakit kuti lang ang kanyang natatakbo at mabilis din siya mapagod. Nakita niya sa salamin na makita nya ang kanyang sarila, nagulat siya na naging bata na siya.
Pumunta siya sa bahay ni Dr. Hiroshi Agasa na kanyang kapit bahay, malapit na kaibigan at isang sikat na imbentor, pinaliwanag nya ang lahat ng nanyari at sa simula ay hindi siya naniwala at gumawa ng paraan kaagad para masabing siya si shinichi kudo at sawakas naintindihan rin niya ito. Nalaman ito ni Dr. Hiroshi Agasa at pinayuhan si Shinichi na itago ang kanyang pagkatao para hindi malaman ng mga taong nakaitim na buhay pa siya. Biglang dumating si ran at mabilis natago si shinichi, tinanong ni ran kung nasaan si shinichi at nang nagtatanong siya, nakita niya ang bata na si shinichi. mabuti at hindi pa siya nakikilala dahil sa suot na niya ang salamin ng kanyang tatay. Tinanong siya ni Ran kung sino siya, nakakita siya ng mga librong isinulat nina Arthur Conan Doyle at Edogawa Rampo at sinabing siya si Conan Edogawa. Simula noon, naging "Conan Edogawa" ang pangalan niya. Iminungkahi ni Dr. Agasa na tumira si Conan kasama si Ran, at pumayag si Ran.
Isang detektib din ang tatay ni Ran na si Kogoro Mouri pero hindi masyadong magaling. Laging si Conan ang lumulutas ng mga kaso kasama si Kogoro. Dahil bata lang si Conan, hindi siya pinapansin ng mga pulis. Kaya ginagamit niya si Kogoro sa paglulutas ng kaso sa pamamagitan ng pagpapatulog sa kanya gamit ng isang watch-type anaesthesia gun at nagkukunwari na si Kogoro gamit ng isang voice-changing bowtie para gayahin ang boses niya.
Ilan pang mahalagang tauhan na lumabas sa series ay ang mga magulang ni Shinichi na sina Yusaku at Yukiko Kudo, at ang karibal na detektib at kaibigan na si Heiji Hattori, ang kaibigan ni Ran na sina Sonoko at Kazuha at ang detective boys na sina Ayumi, Mitsiko at Genta. Dumating rin ang isa sa mga "black organization" na si Shino Miyano o tawag sa kanya ay Sherry, pinatay ng "black organization" ang pinakamamahal nyang kapatid at siya rin mismo ang gumawa nang lason na parehas na pinainom kay shinichi at iyon ay ang 'APOPTOXIN 4869' o 'APTX-4869', ininom nya ito para lasunin ang kanyang sarili at mamatay pero hindi ito nangyari, naging bata siya at nakatakas at ngayon ay handang tulungan si shinichi para makabalik sa kanyang tunay na katawan at alam siya sa pangalan na Haibara Ai.
Meron naring nakakaalam ng kanyang tunay na pagkatao at iyon ay sina Dr. Agasa, Heiji Hattori, ang kanyang pamilya na sina Yusaku Kudo at Yukiko Kudo, Haibara Ai at sa tunay na pangalan na Shino Miyano, at ang hari ng magnanakaw na si Kaito KId. Minsan ay nalalaman ni ran na si Conan ay talagang si Shinichi pero gumagawa siya ng paraan para magbago ang kanyang isip na hindi talaga siya si Shinichi.
Maraming misteryo ang nalalaman ni Conan na tunay na pangalan ay Shinichi. Wala pa siyang alam tungkol sa mga ibang miyembro ng Black Organization na sina Tequila, Calvados, Pisco, Vermouth, Kir, Chianti, Köln, Gin at isang misteryosong boss. Pero alam niya na mahuhuli rin nya ito at tapusin ang kanilang madilim na gawain at higit sa lahat ay bumalik sa totoong niyang lake at masabi kay Ran na "mahal kita" o ang tunay niyang nararamdaman kay Ran.
Mga tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Shinichi Kudo — isang hayskul detektib na tumutulong sa pulis na lumutas ng mga mahihirap na kaso. Matapos mamasyal sa Tropical Land kasama si Ran, siya ay nakasaksi ng isang ilegal na trasaksiyon sa pagitan ng mga taong nakaitim. Sa pangyayaring ito, pina-inom siya ng isang uri ng lasong APTX 4869 na siya namang nagpaliit sa kanya sa pagiging bata. Matalino, magaling sa imbestigasyon, magaling sa larong soccer at pinagkakatiwalaan ng kapulisan. Nagpapanggap bilang Conan Edogawa.
- Ran Mouri — kaibigan ni Shinichi mula sa pagkabata. Anak ni Kogoro Mouri at Eri Kisaki. Isang kampeon sa larangan ng karate. Sa kabila ng kakayahan niya rito, siya ay mapag-aruga, sensitibo at emosyonal. Ngunit sibusubukan niyang maging matatag at responsable sa kabila ng mga magbibigat na sitwasyon kanyang pinagdaraanan. Si Ran at si Shinichi ay may lihim na pagtitinginan sa isa't isa.
- Kogoro Mouri — ama ni Ran at asawa ni Eri Kisaki na isang magaling na abogada. Isang pribadong detektib na may kakulangan sa kakayahang lumutas ng kaso. Dating kasapi ng kapulisan. Sa kasalukuyan, hiwalay silang naninirahan ng kanyang asawa.
- Hiroshi Agasa — propesor na kapit bahay ni Shinichi. Siya ang imbentor ng mga bagay na tumutulong kay Conan sa paglutas niya ng kaso tulad ng voice-changing bow tie at tranquilizer gun. Siya ang unang taong nakaalam sa lihim ni Shinichi.
- Juuzo Megure — pangunahing inspektor mula sa Metropolitan Police Department. Siya ang kadalasang inspektor na humahawak sa mga kasong kasangkot sila Conan at Kogoro. Dating katrabaho si Kogoro. Lagi niyang suot ang kanyang sumbrero dahil sa isang pangyayari sa nakaraan.
- Wataru Takagi — pangunahing officer mula sa Metropolitan Police Department. Siya ay madalas na katrabaho ni Inspector Megure sa lahat na mga imbestigasyon sa pagpatay at sa iba pang mga krimen. At siya rin ay mayroong pagmamahal kay Detective/Officer Miwako Sato.
- Miwako Sato — Isa ring Detective at Police Officer mula sa Metropolitan Police Department. Magaling siya sa Martial Arts at Self Defense, mayroon din siyang damdaming pagmamahal kina Officer Wataru Takagi at Officer Ninzaburo Shiratori.
- Ninzaburo Shiratori — isa ring Police Officer mula sa Metropolitan Police Department. Minsan, nakakatulong din siya sa pag-imbestiga sa mga krimen at pagpatay. At karibal niya si Wataru Takagi sa pag-ibig kay Miwako Sato.
- Ayumi Yoshida — miyembro ng Junior Detective Squad. Kaibigan ni Conan at humahanga sa kanya.
- Genta Kojima — umaaking lider ng Junior Detective Squad. Kaibigan ni Conan at Ayumi. Matakaw at mahilig sa eel rice.
- Mitsuhiko Tsuburaya — miyembro ng Junior Detective Squad. Kabigan nina Conan. Siya ay maalam sa agham at ang kanyang kaalaman ay madalas nakakatulong sa paglutas ng mga kaso.
- Sonoko Suzuki — matalik na kaibigan ni Ran. Siya ay madalas humanga sa mga gwapong lalaki. Miyembro ng pamilyang nagmamay-ari ng Suzuki Corporation.
- Heiji Hattori — ang karibal na detektib ni Shinichi na galing sa Osaka. Di nagtagal ay naging magkaibigan sila ni Shinichi. Kaibigan mula sa pagkabata ni Kazuha Toyama.
- Shiho Miyano — alyas Sherry/ Ai Haibara — dating miyembro ng Black Organization na gumawa ng APTX-4869, ang drogang nagpaliit sa katawan ni Shinichi. Tinalikuran ang organisasyon dahil sa pagpatay ni Gin sa kanyang kapatid na si Akemi Miyano. Sa kagustuhang tapusin ang buhay, ininom niya ang droga ngunit sa halip na mamatay ay naging bata. Naninirahan na siya ngayon kasama si Dr. Agasa sa pangalan na Ai Haibara. Naging miyembro siya ng Junior Detective Squad.
- Yusaku Kudo — ang tatay ni Shinichi. Isa siyang sikat na manunulat ng mga kuwentong detektib, lalo na sa mga kuwento tungkol kay Night Baron. Magaling din sa pag-iimbestiga ng mga kaso.
- Yukiko Kudo — ang nanay ni Shinichi na isang dating aktres. Magaling sa impersonasyon.
- Kaitou Kid — isang magaling na magnanakaw na hirap maaresto ng kapulisan. Hawig niya si Shinichi. May ilang pagkakataon na nakakadwelo niya si Shinichi.
- Vermouth — isa sa mga importanteng miyembro ng Black Organization. Ang kanyang totoong pagkatao ay Sharon Vineyard, isang Amerikanong ng aktres na natutunan ang pagbabalatkayo kasama si Yukiko Kudo.
- Gin — isa ring importanteng miyembro ng Black Organization. Siya ang nagbigay ng APTX-4869 kay Shinichi.
- Vodka — miyembro ng Black Organization na laging kasama si Gin.
Ang pag-ere sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]GMA 7
10 Setyembre 2001 unang ipinalabas ang Detective Conan sa Pilipinas. Naipalabas ito sa GMA 7 tuwing alas-4 ng hapon. Makalipas ng dalawang buwan ay natanggal ito sa ere. Binalik uli ito ng GMA noong Oktubre, 2002 at tinanggal noong Pebrero, 2003.
Noong 12 Pebrero 2007 ay ibinalik muli ang Detective Conan sa GMA 7. Ngunit sa GMA 7, hindi pinapakita ang ending scene (pinapakita pagkatapos ng credits o yung mga pangngalan ng gumawa). Pansamantalang natanggal ito sa ere at binalik muli sa parehong taon at nagpatuloy hanggang sa Pebrero ng taong 2008.
Nakatakdang ibalik muli ang programa sa 11 Agosto 2008 sa dati nitong oras na alas-10 sa umaga.
Nitong 2012, pinalabas muli ito sa GMA 7 tuwing umaga. Napalawig nito ang bilang ng mga episode kompara sa mga nakaraang pag-eere. Subalit nawala muli ito sa ere matapos ng ilang buwan.
ANIMAX (Philippines)
Noong 16 Enero 2006, eksklusibong ipinalabas ang Detective Conan sa cable network na Animax bilang channel 46 sa Sky Cable. Sa kasalukuyan ay ipinapalabas pa rin ito sa nasabing estasyon. Pinapakita sa Animax ang ending scene (pinapakita pagkatapos ng credits o yung mga pangngalan ng gumawa). Pero nawala rin ito sa himpapawid pagkatapos ng dalawang taon at pinalitan ng mga makabagong anime.
Mga pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Inorasang Bomba sa isang Gusali Timed-Bomb Skyscraper (Tokei Jikake no Matenro), 1997
- Ang Ika-labing Apat na Asintahan The 14th Target (14 banme no Target), 1998
- Ang Huling Pantas ng Kasalukuyang Siglo The Last Wizard of the Century (Seikimatsu no Majutsushi), 1999
- Nahuli ng Kanyang mga Mata Captured in Her Eyes (Hitomi no Naka no Ansatsusha), 2000
- Oras Mula sa Lupa Hanggang sa Langit Countdown to Heaven (Tengoku He No kauntodaun), 2001
- Ang Hiwaga sa Baker Street The Phantom of Baker Street (Baker Street no Bourei), 2002
- Ang Panulukan sa Sinaunang Kabisera Crossroad in the Ancient Capital (Meikyū no Crossroad), 2003
- Ang Mahikero ng Langit na Pilak Magician of the Silver Sky (Ginyoku no Magician), 2004
- Estratehiya sa Ibabaw ng Kailaliman Strategy Above the Depths (Suiheisenjō no Sutorateeji), 2005
- Ang Rekyem ng mga Pribadong Detektib The Private Eye's Requiem, 2006
- Bandila ng mga Tulisang-Dagat sa Dagat na Malalim Jolly Roger in the Deep Azure, 2007
- Pangunahing Puntos ng Takot Full Score of Fear, 2008
- Ang Mga Humahabol sa Uwak The Raven Chaser, 2009
- Ang Nawawalang Sasakyan sa Himpapawid The Lost Ship in the Sky, 2010
- Isang Kapat ng Katahimikan A Quarter of Silence, 2011
Mga Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ingles
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website ng FUNimation's
- Website ng Case Closed TCG Naka-arkibo 2005-06-03 sa Wayback Machine.
- Adult Swim - Case Closed Naka-arkibo 2005-08-23 sa Wayback Machine.
- Case Closed sa IMDB
Hapon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website ng pelikula ng Detective Conan
- YTV INTERACTIVE -よみうりテレビ - Opisyal na website ng teleserye sa Hapon
- Opisyal na website ng mangang Hapones
Pilipino
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Isang Katotohanan (Fan site) Naka-arkibo 2010-08-02 sa Wayback Machine.