Dinagyang
Pistang Dinagyang | |
---|---|
![]() "Mandirigmang Ati sa Pistang Dinagyang" | |
Opisyal na pangalan | Pistang Dinagyang |
Ibang tawag | Dinagyang |
Ipinagdiriwang ng | Lungsod ng Iloilo |
Uri | Panrelihiyon / Pangkultura |
Petsa | Ikapat na Linggo ng Enero |
Ang Pistang Dinagyang ay isang pistang panrelihiyon at kultural sa lungsod ng Iloilo sa Pilipinas na ginaganap tuwing ika-4 na linggo ng Enero. Inihahambbing ito sa Ati-Atihan ng Aklan at sa Sinulog ng Cebu. Isa ito sa higit na kilalang kapistahan sa bansa.[1][2]
Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nagsimula ang Dinagyang pagkatapos ipakilala ni Ambrosio Galindez, unang Pilipinong Rektor ng Komunidad ng mga Augustino at pari sa parokya ng San Jose, ang debosyon sa Santo Nino noong Nobyembre 1967. Nangyari ito matapos maobserabahan ang pista ng ati-atihan sa lalawigan ng Aklan. Noong 1968, isang replika ng orihinal na imahen ng Santo Nino de Cebu ang dinala sa Ilolo ni Padre Sulpicio Enderez ng Cebu bilang isang regalo sa Parokya ng San Jose. Ang mga tapat, na pinamumunuan ng mga miyembro ng Confradia del Santo Nino de Cebu, Ilolo Chapter, ang nagtrabaho para mabigyan ang imahen ng angkop na pagtanggap, na nagsisimula sa paliparan ng Iloilo at ipinaparada sa mga kalye ng Iloilo.[3]
Sa simula, ang pagdiriwang ng pista ay limitado lamang sa parokya. Inihalintulad ng Confradia ang pista sa Ati-atihan ng Ibajay, Aklan. Dito, ang mga katutubo ay sumasayaw sa daan habang nababalot ang katawan nila ng uling at abo. Ginagaya nila ang mga Ating sumasayaw para sa pagdiriwang ng pagbebenta sa Panay. Ang mga grupo ng tribung ito ang batayan ng kasalukuyang pista.[3]
Noong 1977, inutusan ng gobyerno ni Marcos ang mga iba't ibang rehiyon ng Pilipinas na gumawa ng mga pista o pagdiriwang na makakapagpalakas ng turismo at pag-unlad. Handang-handa noon ang Lungsod ng Iloilo sa pagkilala ng Ati-atihan ng Iloilo bilang ang proyekto nito. Samantala, hindi na mahawakan ng lokal na parokya ang dumadaming suliranin ng pista.[4]
Naboto ang Dinagyang bilang Best Tourism Event noong 2006, 2007, at 2008 ng Association of Tourism Officers in the Philippines. Ito ay isa sa mga pista sa mundo na nakakuha ng suporta ng Mga Nagkakaisang Bansa para sa pagtataguyod ng Mithiing Pangkaunlaran ng Milenyo, at nasipi ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya bilang Best Practice sa gobyerno, pribadong sektor, at kooperatibang NGO.[5]
Pagdiriwang[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakahati ang Pistang Dinagyang sa tatlong pangunahing kaganapan sa bawat ika-4 na linggo ng Enero: Paligsahan ng Tribu ng Ati (ginaganap sa Linggo), Paligsahang Kutural ng Kasadyahan (ginaganap sa Sabado bago ang pangunahing kaganapan sa susunod na araw, ang Paligsahan ng Tribu ng Ati) at ang Binibining Iloilo Dinagyang (ginaganap sa linggo ng mga pangunahing highlight ng Pistang Dinagyang).
Bilang karagdagang pang-akit sa Paligsahan ng Tribu ng Ati, idinagdag ang Paligsahang Kutural ng Kasadyahan noong dekada 1980 para ipakita ang mga talento ng mga estudyante pati na rin ang matingkad na pamanang kultura ng lalawigan ng Iloilo.[6] Sa mga unang ilang taon ng kaganapan, lumahok ang mga paaralan mula sa iba't ibang bayan at lungsod sa lalawigan sa paligsahan, ngunit kamakailan, lumaki ang saklaw ng paligsahang kultural na dating limitado sa probinsya mismo na magkaroon ng panrehiyon na saklaw na tumatanggap ng mga kalahok mula sa ibang lalawigan ng rehiyon para itanghal ang pinakamaganda ng pamanang kultural at makasaysayan ng Kanlurang Kabisayaan.
Ang Paligsahan ng Tribu ng Ati, ang pinakamahalagang bahagi ng pista, ay binubuo ng mga iilang "mandirigmang" mananayaw (na humawak ng kalasag sa isang kamay at isang sibat sa kabilang kamay) sa isang tribu na nagsasayawan sa nakoreograpyang pormasyon at nagsisiawit din sa dalugdog ng mga tambol at improbisadong instrumentong pinapalo na nalikha ng mga kani-kanilang tribo. Sa unang taon, nabuo ang mga iilang tribu na itinatag at inorganisa ng mga barangay o komunidad sa lungsod, pero sa paglipas ng mga taon at habang nagbabago ang Dinagyang at nagiging mas mapagkumpitensya ang paligsahan na nakapag-akit ng pandaigdigang katanyagan at pansin, nagsisimulang magbuo at mag-organisa ang mga paaralan ng mga tribu na nagpapakilala ng mga pabago-bagong sayaw, pormasyon, at koreograpiya, at nanghihingi ng mga tagatangkilik mula sa mga pribadong kumpanya para sa mga gastusin ng pakikipaglahok sa paligsahan.[7] Walang kalahok na Ati mismo, at hindi rin sila nakikinabang nang kahit ano mula sa kaganapan. Mayroong mga kinakailangan, kabilang na kailangan ipinta ng mga kalahok ang kanilang mukha ng itim.
Dagoy[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Dagoy ang opisyal na mascot ng kapistahang Dinagyang. Inilikha siya sa mga guhit ng Dinagyang noong 2002. Ginawa tuloy na opisyal ang guhit para sa pista. Ipinakilala siya sa The Fort, Taguig noong ika-14 ng Disyembre, 2004 at sa Lungsod ng Iloilo noong ika-18 ng Disyembre, 2004. Inilarawan siya bilang batang mandirigmang Aeta, at sumasagisag sa pagsasaya at pakikipagkaibigan sa mga Ilonggo at sa mga dumadalaw sa pagdiriwang.
6 na talampakan at 9 na pulgada si Dagoy. Maitim na kayumanggi ang kaniyang balat at may suot siyang pang-ulong may larawan ng Sto. Niño. Kakaiba ang kaniyang pananamit at sumusuot siya na manilaw na tela, na ginagamit ng mga Aeta mismo. May hawak si Dagoy na tambol na gawa sa fiberglass na may tatak ng Pamahalaan ng Lungsod ng Iloilo sa gitna. Makulay na nakapalamuti ang kaniyang kamay at paa na ginagamit ng mandirigmang Dinagyang. Sikat ang ngiti ni Dagoy sa mga bata, lalo na sa mga maliliit na manyikang ginagawa.
Talasanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ "http://dinagyangsailoilo.com/". Tinago mula sa orihinal noong 2017-11-24. Nakuha noong 2018-04-11.
{{cite web}}
: Kawing panlabas sa
(tulong)|title=
- ↑ http://newsinfo.inquirer.net/347643/for-ati-tribe-dinagyang-is-about-us
- ↑ 3.0 3.1 History of Dinagyang Festival Naka-arkibo 2016-12-06 sa Wayback Machine.. Iloilo Dinagyang Festival Inc. Retrieved on 2014-04-18.
- ↑ History of Dinagyang Festival Naka-arkibo 2016-12-06 sa Wayback Machine.. Iloilo Dinagyang Festival Inc. Retrieved on 2014-04-18.
- ↑ History of Dinagyang Festival Naka-arkibo 2016-12-06 sa Wayback Machine.. Iloilo Dinagyang Festival Inc. Retrieved on 2014-04-18.
- ↑ "Archive copy". Tinago mula sa orihinal noong 2017-11-24. Nakuha noong 2018-04-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) - ↑ "Archive copy". Tinago mula sa orihinal noong 2016-10-31. Nakuha noong 2019-11-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)