Dinagyang
Pistang Dinagyang | |
---|---|
Opisyal na pangalan | Pistang Dinagyang |
Ibang tawag | Dinagyang |
Ipinagdiriwang ng | Lungsod ng Iloilo |
Uri | Relihiyoso / Kultural |
Petsa | Ikapat na Linggo ng Enero |
Unang beses | 1968 |
Ang Pistang Dinagyang ay isang pistang relihiyoso at kultural sa lungsod ng Iloilo sa Pilipinas na ginaganap tuwing ika-4 na linggo ng Enero bilang parangal kay Santo Niño, ang Banal na Bata. Isa ito sa mga pinakamalaking pista sa Pilipinas, na pinupuntahan ng daan-daang libo o kahit milyong bisita bawat taon.[1][2]
Kilalang-kilala ang pistang ito dahil sa Paligsahan ng Mga Tribung Ati na nagtatampok na mga iba't ibang tribung tagapagtanghal na nagbihis na parang mga mandirigmang Ati, na nagpapakita ng tradisyonal na koreograpiya, padron, at maindayog na kansiyon sa tiyempo ng malalakas na tambol at improbisadong perkusyon, na nagsasalaysay ng iba't ibang mga iterasyon ng kasaysayan ng Panay. Isa pang haylayt ang Pistang Kasadyahan, kung saan nagtitipun-tipon ang mga pistang kultural mula sa iba't ibang lugar sa Kanlurang Kabisayaan upang makipagkumpetensiya.
Bilang ang pinakaginawad na pista sa bansa at ilan taon nang ipinangalang pinakamahusay na kaganapang panturismo ng Association of Tourism Officers in the Philippines (ATOP), ang pista ay kadalasang tinatawag na "Reyna ng Lahat ng Mga Pistang Pilipino."[3]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nanggaling ang salitang Dinagyang sa salitang Hiligaynon na dágyang, na nangangahulugang “magpasaya.” Idinaraos sa pista ang Santo Niño (Banal na Bata o Batang Hesus) at ang kasunduan ng mga Datu at mga lokal matapos dumating ang mga Malay at ang maalamat na palitan ng Panay mula sa mga katutubo na tinatawag na Ati.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang Dinagyang, dating kilala bilang Ati-Atihan ng Iloilo, pagkatapos ipakilala ni Reb. Pr. Ambrosio Galindez, ang unang Pilipinong Rektor ng Komunidad ng Mga Augustino at Pari sa Parokya ng San Jose, ang debosyon sa Santo Niño noong Nobyembre 1967. Nangyari ito pagkatapos niyang naobserbahan ang Pistang Ati-Atihan sa lalawigan ng Aklan. Noong 1968, dinala sa Iloilo ni Pr. Sulpicio Enderez ang isang replika ng orihinal na imahen ng Santo Niño de Cebu.
Malugod na tinanggap ng mga taga-Iloilo ang imahen, kasama ang mga kapanalig mula sa Cebu, noong dumating sa Paliparang Mandurriao
"bilang regalo sa Parokya ng San Jose. Nagtrabaho ang mga tapat, na inakay ng mga miyembro ng Confradia del Santo Niño de Cebu, Balangay ng Iloilo, upang mabigyan ang imahen ng angkop na resepsiyon mula sa Paliparan ng Iloilo at habang ipinaparada sa mga lansangan ng Iloilo." (Isinalin mula sa Ingles)[4]
Noong una, limitado lamang sa parokya ang pagdiriwang ng pista. Inihalintulad ng Confradia ang selebrasyon sa Ati-atihan ng Ibajay, Aklan, kung saan nagsasayawan ang mga katutubo sa mga lansangan habang natatakpan ang kanilang mga katawan ng uling at abo upang gayahin ang mga Ating sumasayaw upang ipagdiwang ang pagbebenta ng Panay. Itong mga tribu ang naging batayan ng kasalukuyang pista.[4]
Noong 1977, inutusan ng gobyerno ni Marcos ang mga iba't ibang rehiyon ng Pilipinas na gumawa ng mga pista o pagdiriwang na makakapagpalakas ng turismo at pag-unlad. Handang-handa noon ang Lungsod ng Iloilo sa pagtatakda ng Ati-atihan ng Iloilo bilang ang kanilang proyekto. Samantala, hindi na maasikaso ng lokal na parokya ang lumalaking hamon ng pista.[4] Inimbento ng yumaong Ilonggong brodkaster at manunulat, Pacifico Sumagpao Sudario, ang katawagan noong 1977 upang maiba ito mula sa Ati-Atihan ng Kalibo.[5] Noong mismong taong iyon, ang mga organisador ng Dinagyang at Regional Association of National Government Executives ay nag-imbita ng aktuwal na tribung Ati sa unang pagkakataon mula sa kabundukan ng Barotac Viejo na itanghal ang kanilang mga katutubong sayaw ang okasyong iyon.
Mula 1978, lumago ang Pistang Dinagyang tungo sa pagiging importanteng kaganapang relihiyoso at kultural. Sumari-sari ang pista upang maisama ang mga iba pang kultural na pagtatanghal, paligsahan sa isports, pistang-kainan, patimpalak ng kagandahan, tanghalang-kotse, pistang-musika, at iba pang mga ganap. Sa kasalukuyan, ang Iloilo Festivals Foundation, Inc. (IFFI) ang namamahala at nag-oorganisa ng festival. Kinuha nila ang responsibilidad mula sa Iloilo Dinagyang Foundation, Inc. (IDFI) noong 2019 at pinapatakbo rin nila ang mga ibang pangunahing pista sa Iloilo, kagaya ng Paraw Regatta.[6]
Pagdiriwang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Opisyal na nagsisimula ang pista ng Dinagyang sa Pamukaw (paggising), idinaraos taun-taon sa Disyembre, isang buwan bago ang pangunahing kaganapan sa Enero.[7]
Ang Opening Salvo o Pagpapasimula ng Dinagyang, na taunang nagaganap sa ikalawang Biyernes ng Enero, ay nagsisilbing proklamasyon ng opisyal na simula ng linggo ng haylayt o pangunahing kaganapan ng pista.[8][9] Preliminaryo rin ito sa tatlong pangunahing kaganapan, na idinaraos sa bawat ikaapat na linggo ng Enero: ang Paligsahan ng Mga Tribung Ati (sa Linggo), ang Pistang Kasadyahan (sa Sabado bago ang pangunahing kaganapan kinabukasan, ang Paligsahan ng Mga Tribung Ati) at ang ILOmination at Karosang Parada ng Ilaw (sa Sabado ng gabi pagkatapos ng Pistang Kasadyahan).
Kabilang sa mga ibang ganap na pinagdadausan ng marami sa linggo ng haylayt sa pista ang Sadsad (pagkakasayahan), Mga Pista ng Pagkain at Musika, Mga Paradang-ilog at Paradang-motor, at Miss Iloilo.
Pistang Kasadyahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pistang Kasadyahan ay isa sa mga pinakainaabangan na kaganapan sa Dinagyang. Isa itong timpalak ng mga pistang kultural mula sa mga iba't ibang lugar sa Kanlurang Kabisayaan.
Bilang karagdagang pang-akit sa Paligsahan ng Mga Tribung Ati, idinagdag ang Kasadyahan, isang paligsahang kutural, noong d. 1980 hanggang 2019 upang ipakita ang mga talento ng mga mag-aaral, pati na rin ang matingkad na pamanang kultura ng lalawigang Iloilo.[10] Sa mga unang taon nitong kaganapan, nagsilahok sa paligsahan ang mga paaralan mula sa iba't ibang bayan at lungsod sa lalawigan. Ngunit sa mga nakaraang taon, ang kultural na kompetisyon na nakakulong lang dati sa lalawigan ay naging rehiyonal na kaganapan. Tinatanggap na ang mga kalahok mula sa mga iba pang lalawigan ng rehiyon upang itanghal ang pinakamaganda ng pamanang kultural at makasaysayan ng Kanlurang Kabisayaan.
Inanunsiyo ng Iloilo Festivals Foundation Inc. (IFFI) na hindi na magiging bahagi ng Dinagyang ang Kasadyahan simula 2020. Pinalitan ito ng sadsad (pagkakasayahan) na naging sentro ng Pistang Ati-Atihan ng Kalibo, Aklan. Samantala, sinabi na ipagdiwang ang Kasadyahan sa ibang buwan o isasama sa selebrasyon ng Araw ng Lungsod ng Iloilo. Pero, nakansela itong plano dahil sa pandemya.[11] Ibinalik sa Dinagyang 2023 ang Panrehiyong Kumpetisyon sa Kultura na Kasadyahan noong Sabado, bago ang mga pangunahing tampok ng pagdiriwang ng mardi gras sa susunod na araw. Sa huling ikaapat ng 2023, inihayag ng pamahalaang panlalawigan ng Iloilo na sila ang mag-oorganisa ng Kasadyahan. Ipinangalanan itong Kasadyahan sa Kabanwahan na inilunsad noong Disyembre 13, 2023. Nagpakita ito ng mga samu't saring pistang bayan sa Iloilo na nakipagkompetensiya para sa titulo, at ito ang pumalit sa rehiyonal na kompetisyon noong nakaraang taon.[12]
ILOmination at Parada ng Ilaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ILOmination (o ILOminasyon kung isasatagalog pa) ay isang paligsahang tribu sa Dinagyang kung saan nakasuot ang mga mandirigma ng mga makukulay na kostiyum. Idinagdag lang noong 2023, pinagtatanghalan ito ng pitong nakikipagkompetensiyang tribu na kumakatawan sa pitong distrito ng Lungosd ng Iloilo, kabilang dito ang City Proper, Arevalo, Jaro, La Paz, Lapuz, Mandurriao, at Molo.[13] Isa itong malaparadang kompetisyon ng sayawang-kalye, at mapapanood ng mga madla ang pagtatanghal ng bawat tribu.[14] Itinatampok din ang Karosang Parada ng Ilaw sa kaganapan, kung saan dumaraan sa parada ang mga karosang dambuhala at makukulay ng mga isponsor ng Dinagyang Festival. Sinimulan ito ng edisyong 2018 noong ika-50 anibersaryo ng Pistang Dinagyang.[15]
Paligsahan ng Mga Tribung Ati
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ang pangunahing tampok ng pista, ang Paligsahan ng Tribu ng Ati na idinaraos sa Iloilo Freedom Grandstand, ng ilang mga mananayaw na "mandirigma" (na may hawak na kalasag sa isang kamay at sibat sa kabilang kamay) sa isang tribuo na nagsasayawan sa nakoreograpiyang pormasyon at nagbibigkasan sa tunog ng mga malalakas na tambol at mga improbisadong perkusyon na inilikha mismo ng kani-kanilang mga tribo. Sa mga unang taon, nabuo ang mga iilang tribu na itinatag at inorganisa ng mga barangay o komunidad sa lungsod, pero sa paglipas ng mga taon at sa pagpapatindi ng kompetisyon, na nakapag-akit ng pandaigdigang katanyagan at pansin, nagsisimulang magbuo at mag-organisa ang mga paaralan ng mga tribu na nagpapakilala ng mga bagong sayaw, pormasyon, at koreograpiya, at nagpapaisponsor sa mga pribadong kompanya para sa mga gastusin ng pakikipaglahok sa paligsahan.[16]
Walang kalahok na Ati mismo, at hindi rin sila nakikinabang nang kahit ano mula sa kaganapan. May ilang kinakailangan: dapat ipinta ng mga magtatanghal ang kanilang balat ng itim at dapat katutubo sila; maaaring gumagamit ng iba't ibang materyales para sa mga kostiyum. Nagsasayawan ang lahat sa tunog ng tambol. Inoorganisa ang maraming tribu ng mga lokal na hayskul, at sa kalilipas lang na panahon, nanggaling ang ilang tribu mula sa malalayong lugar kagaya ng Batanes sa Luzon at Cotabato sa Mindanao. Binibigyan ang mga tribu ng subsidyo mula sa IFFI at pamahalaang lungsod ng Iloilo[17] at kumukuha ng mga pribadong isponsor. Pinakamarami ang natatanggap ng mga pinakamahuhusay na tribu. Walang kinalaman ang kasalukuyang populasyon ng Ati sa Iloilo sa alinman sa mga tribu at wala rin silang kinalaman sa pista sa iba pang paraan. Ngunit kamakailan lamang, nakilahok ang mga orihinal na Ati mula sa liblib na lugar sa Panay, lalo na mula sa kabundukan ng Barotac Nuevo at Anilao, sa di-mapagtimpalak na paraan upang makilala at mabigyang-importansiya bilang mga karakter na simbolikong ipinapakita sa pista.[18]
Legasiya ng Dinagyang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Dinagyang, bilang isa sa pinakasikat na pista sa Pilipinas, ay pinarangalan at kinikilala sa maraming iba't ibang aspeto, mula sa mga inobasyon at gawad nito hanggang sa sikat na parirala nito, Hala Bira, Iloilo! Viva Señor Santo Niño!
Isang pariralang Hiligaynon ang Hala bira na may kahulugang "ibigay mo ang lahat," na sikat sa mga Ilonggo upang ipakita ang masigasig na pakikilahok sa Dinagyang. Sa panahon ng pagdiriwang, palaging naririnig ang parirala dahil sa temang awit na, "Hala Bira, Iloilo!" na pinapatugtog sa bawat kalye sa lungsod. Kinatha ang kanta noong pasimula ng 2000s ni Rommel Salvador N. Chiu, isang iginawad na musikero at Dante M. Beriong, isang liriko. Isa ito sa mga una at pinakakilalang temang awit ng mga pista sa Pilipinas.[19]
Inobasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Marami ang inobasyon na idinala ng pistang Dinagyang sa paglipas ng panahon. Nakaimpluwensiya itong mga inobasyon sa paraan ng pagpapatakbo ng mga ibang pista sa bansa. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Tsubibong Tanghal - sinimulan ng Dinagyang ang sabay-sabay na pagtatanghal ng mga kalahok na tribu sa mga iba't ibang entablado.[20]
- Bitbiting Angatan (o Mobile Riser) - isang prominenteng tampok sa koreograpiya sa Dinagyang ngayon. Ipinakilala ito ng Tribu Bola-bola noong 1994. Pinalalim at pinaganda nitong mga angatan ang koreograpiya ng sayawan.[21]
- Tubong Dinagyang - Unang ginamit ng Tribu Ilonganon noong 2005, ang mga tubong Dinagyang ay gawa sa tubong PVC at at pinartilyo ng mga sagwang goma. Iba-iba ang mga tunog ng bawat tubo ayon sa haba at diyametro.[22]
- Dagoy - ang opisyal na maskot ng Dinagyang at unang maskot sa mga kapistahan sa Pilipinas. Inilikha siya sa mga guhit ng Dinagyang noong 2002. Kalaunan, ginawang opisyal na logo ng pista ang karikatura. Ipinakilala siya sa The Fort, Taguig noong ika-14 ng Disyembre, 2004 at sa Lungsod ng Iloilo noong ika-18 ng Disyembre, 2004. Inilarawan bilang batang mandirigmang Ati, sumisimbolo si Dagoy sa katuwaan at pagkakaibigan ng mga Ilonggo at libu-libo hanggang milyun-milyong turistang dumaragsa upang saksihan ang pista. 6 na talampakan at 9 na pulgada ang taas ni Dagoy. Matingkad na kayumanggi ang kanyang balat at may suot siya sa ulo na may imahen ni Sto. Niño. Nakasuot siya ng kulay kamelyo na bahag na siyang karaniwang kasuotan ng Ati. Hawak ni Dagoy ang isang tambol na yaring-payberglas na may nakalimbag na tatak ng Pamahalaang Lungsod ng Iloilo sa gitna. Pinalamutian ang kanyang kamay at paa ng makukulay na pulseras, katulad ng suot ng mga mandirigmang Dinagyang. Sikat ang kaakit-akit na ngiti ni Dagoy sa mga bata dahil iminamarket bilang Dagoy Dolls ang mga munting bersiyon ng maskot.[23]
Pagkilala at parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Dinagyang ay ang pinakaginawad na pista sa Pilipinas. Nakilala ito bilang pinakamagandang kaganapan sa turismo ng Association of Tourism Officers in the Philippines (ATOP) sa tatlong magkakasunod na taon: 2006, 2007, at 2008. Noong 2020, nakatanggap ito ng isa pang Gawad sa Pinakamagandang Kaganapan sa Turismo[a] mula sa ATOP (sa kategoryang Kontemporaneo/Di-Tradisyonal na Pagpapahayag).[24] Nagwagi rin ang Dinagyang Digital na edisyon noong 2021 sa Gawad Perlas[b] ng ATOP bilang Dakilang Nanalo[c] at Pinakamahusay na Gawaing Turismo noong Pandemya,[d] na siyang tanging gawad na ibinigay ng ATOP sa taong iyon. Noong 2022, ipinahayag ito bilang nagwagi sa Gawad sa Pinakamahusay na Pistang Kultural[e] sa kategoryang Lungsod.[25]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sornito, Ime (2019-01-30). "Dinagyang 2019 'attracted most number of foreign tourists'" [2019 Dinagyang, 'nakaakit ng pinakamaraming mga dayuhang turista']. Panay News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jr, Nestor P. Burgos (2012-01-22). "1.2M tourists join Dinagyang Festival in Iloilo, say local execs" [1.2M turista, sumali sa Pistang Dinagyang sa Iloilo, sabi ng mga lokal na exec]. INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dinagyang Festival in Iloilo City - TAYO.ph - Life Portal of the Philippines PH" [Pistang Dinagyang sa Lungsod ng Iloilo - TAYO.ph - Portada ng Buhay sa Pilipinas PH]. tayo.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-04-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 History of Dinagyang Festival [Kasaysayan ng Pistang Dinagyang] (sa wikang Ingles). 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-06. Nakuha noong 2019-11-10.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DINAGYANG IN A NUTSHELL: Merry-making the Ilonggo way" [DINAGYANG SA MAIKLING SABI: Pagsasaya sa Ilonggong paraan]. Panay News (sa wikang Ingles). 2022-01-22. Nakuha noong 2024-01-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "New Dinagyang organizer, city gov't fix hitch - Iloilo Metropolitan Times" [Bagong organisador ng Dinagyang, gob ng lungsod, inayos ang sagabal - Iloilo Metropolitan Times]. www.imtnews.ph (sa wikang Ingles). 2019-09-18. Nakuha noong 2024-01-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lena, Perla (2022-12-16). "'Pamukaw' marks official start of Dinagyang Festival" ['Pamukaw', ang opisyal na pasimula ng Pistang Dinagyang]. Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-17.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dinagyang Festival ⋆ Expert World Travel" [Pistang Dinagyang] (sa wikang Ingles). 2020-01-06. Nakuha noong 2024-01-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Guardian, Daily (2024-01-10). "Iloilo City gears up for Dinagyang Festival's Opening Salvo on Jan. 12" [Lungsod ng Iloilo, naghahanda para sa Opening Salvo ng Pistang Dinagyang sa Ene. 12]. Daily Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kasadyahan Festival | Dinagyang Festival 2013" [Pistang Kasadyahan | 2013 Pistang Dinagyang]. dinagyangsailoilo.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ rex (2019-08-22). "EXPERIENTIAL TWIST: No more Kasadyahan in Dinagyang 2020" [TWIST SA MARARANASAN: Wala nang Kasadyahan sa Dinagyang 2020]. Daily Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lena, Perla (Disyembre 14, 2023). "'Kasadyahan sa Kabanwahanan' to showcase Iloilo's rich culture" [‘Kasadyahan sa Kabanwahanan’, ipapakita ang mayaman ng kultura ng Iloilo]. Philippine News Agencye (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 12, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lena, Perla (2023-01-04). "Dinagyang 'ILOmination' to showcase Iloilo's major growth areas" ['ILOminasyon' ng Dinagyang, pagtatanghalan ng mga pangunahing lumalagong lugar sa Iloilo]. Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lena, Perla (2023-10-23). "2024 Dinagyang fest marks comeback of schools, innovations" [2024 pistang Dinagyang, nagmamarka ng pagbabalik ng mga paaralan, inobasyon]. Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ferrer, Cindy (2018-01-28). "'Parade of lights' brightens golden Dinagyang Fest" ['Parada ng ilaw', nagpaaliwalas sa gintong Pistang Dingyang]. Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Updates | Dinagyang Festival 2013" [Mga Update | Pistang Dinagyang 2013]. dinagyangsailoilo.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Iloilo Dinagyang Foundation, Inc. Rules and Regulations" [Mga Panuntunan at Regulasyon ng Iloilo Dinagyang Foundation, Inc.] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-12-07. Nakuha noong 2016-01-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "For Ati tribe, Dinagyang 'is about us'" [Para sa tribung Ati, 'Tungkol sa amin' ang Dinagyang] (sa wikang Ingles). 26 Enero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Singer-composer sa likod sang Dinagyang theme song nga 'Hala Bira Iloilo,'". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lagon, Herman (2023-07-18). "Dinagyang: Festival of festivals!" [Dinagyang: Pista ng mga pista!]. Daily Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-08.
Sa 55-anyos na kasiyahang Ilonggo na may sigawan ng Hala Bira, ipinakilala ang konsepto ng tsubibong produksiyon at sabay-sabay na pagtatanghal ng mga kalahok na tribu sa mga iba't ibang entablado. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lagon, Herman (2023-07-18). "Dinagyang: Festival of festivals!". Daily Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-08.
Ang mga bitbiting angatan, pinasimunuan ng maalamat na Tribu Bola-Bola ng Pambansang Hayskul ng Iloilo noong 1994, ay nagpalalim at nagpaganda sa koreograpiya ng sayawan.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lobrin, Raphael (2018-05-20). "Dinagyang". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-08.
Pinasikat ang mga tubong Dinagyang ni Tribu Ilonganon noong 2005. Gawa sa PVC, tinamaan ang mga ito ng sagwang goma.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dagoy". www.thenewstoday.info. Nakuha noong 2024-01-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lena, Perla (2022-10-28). "Pearl Award to spark more interest in Iloilo Dinagyang Festival" [Gawad Perlas, magpapasigla ng interes sa Pistang Dinagyang ng Iloilo]. Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-06.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dinagyang Festival named Best Cultural Festival anew" [Pistang Dinagyang, ipinangalang Pinakamahusay na Pistang Kultural muli]. Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)