Dinastiyang Sapabida
| Dinastiyang Sapabida دودمان صفوی, | |
|---|---|
Watawat ng Sapabida pagkatapos ng 1576 | |
| Bansa | Sapabidang Iran |
| Itinatag | 22 Disyembre 1501 |
| Tagapagtatag | Ismail I (1501–1524) |
| Huling namuno | Abbas III (1732–1736) |
| Mga titulo | Shahanshah ng Iran Anino ng Diyos |
| Mga tradisyon | Shi'ismong Panlabindalawa |
| Pagkabuwag | 1736 |
Ang dinastiyang Sapabida ( /ˈsæfəvɪd,_ˈsɑːʔ/ ; Persia: دودمان صفوی, romanisado: Dudmân-e Safavi,[1]) ay ang naghaharing dinastiya ng Sapabidang Iran, at isa sa pinakamahalagang naghaharing dinastiya ng Iran na namuno mula 1501 hanggang 1736.[2] Ang kanilang pamumuno ay madalas itinuturing na simula ng makabagong kasaysayan ng Iran,[3] gayundin bilang isa sa mga imperyong gumagamit ng pulbura. Itinatag ni Shah Ismail I ng Sapabida ang denominasyong Panlabindalawa ng Islam na Shi'a bilang opisyal na relihiyon ng Imperyong Persa, na nagmarka ng isa sa pinakamahalagang pagbabago sa kasaysayan ng Islam.[4] Nagmula ang dinastiyang Sapabida sa orden ng Safavid Sufi, na itinatag sa lungsod ng Ardabil sa rehiyon ng Aserbayang Iran.[5] IIsa itong dinastiya sa Iran na nagmula sa mga Kurdo, subalit sa panahon ng kanilang pamumuno, nakipag-asawa rin sila sa mga Turko, Heorhiyano,[6] Sirkasiyano,[7][8] at Griyegong Pontiko na mga dignitaryo; gayunpaman, para sa mga praktikal na layunin, hindi lamang sila nagsasalita ng Persa, kundi pati na rin ng nagsasalita ng Turko at naisa-Turko.[9][10] Mula sa kanilang base sa Ardabil, nakontrol ng mga Sapabida ang ilang bahagi ng Kalakhang Iran at muling pinagtibay ang pagkakakilanlang Iran ng rehiyon, kaya sila ang naging unang katutubong dinastiya mula noong Imperyong Sasanida na nagtatag ng pambansang estado na opisyal na tinatawag na Iran.
Namuno ang mga Sapabida mula 1501 hanggang 1722 (na nagkaroon ng maikling muling pagpapanumbalik mula 1729 hanggang 1736 at 1750 hanggang 1773) at, sa kanilang rurok, kontrolado nila ang lahat ng kasalukuyang Iran, Aserbayan, Bahrain, Armenya, silangang Heorhiya, ilang bahagi ng Hilagang Kaukaso kabilang ang Rusya, Iraq, Kuwait at Apganistan, pati na rin ilang bahagi ng Turkiya, Siria, Pakistan, Turkmenistan, at Usbekistan.
Sa kabila ng kanilang pagbagsak noong 1736, ang kanilang pamana ay ang muling pagbuhay ng Iran bilang isang ekonomikong sentro sa pagitan ng Silangan at Kanluran, ang pagtatatag ng isang mahusay na estado at burukrasya batay sa "pantay-pantay na kapangyarihan", ang kanilang mga inobasyon sa arkitektura, at ang pagtaguyod sa sining.[3] Naipamana din ng mga Sapabida ang Shi'ismo na Panlabindalawa bilang relihiyon ng estado ng Iran at nakatulong sa pagpapalaganap ng Shi’a Islam sa malaking bahagi ng Gitnang Silangan, Gitnang Asya, Kaukaso, Anatolya, Golpong Persa, at Mesopotamya.[3][4]
Salinlahi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inaangkin mismo ng mga Hari ng Sapabida na sila ay mga sayyid, mga inapo ng propetang Islam na si Muhammad, bagaman maraming iskolar ang nagduda sa pag-aangkin na ito. Sa kasalukuyan, tila may pagkakasundo ang mga iskolar na ang pamilya ng Sapabida ay nagmula sa Kurdistang Iran,[4] at kalaunan ay lumipat sa Aserbayang Iran, hanggang sa tuluyang manirahan sa Ardabil noong ika-11 dantaon CE. Ang mga tradisyonal na manuskrito ng Sapabida bago ang 1501 ay nagtuturo na nagmula ang linya ng mga Sapabida ay sa dignataryong Kurdo na si Firuz-Shah Zarrin-Kolah.
Pagkilala sa sarili at pananaw sa mundo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagkakakilanlan na nilikha ng mga monarko ng Sapabida at ng mga urbanong Persanong elitistang sumuporta sa kanila ay nakabatay sa relihiyon. Ipinakita ng mga Sapabida ang kanilang sarili bilang karapat-dapat na tagapagmana ng Labindalawang Imam sa Shia Islam at pinatibay ang pag-aangkin na ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang salinlahing patungo sa ikatlong Shi’a Imam na si Husayn ibn Ali, sa pamamagitan ng ipinapalagay na kasal niya kay Shahrbanu, ang anak na babae ng huling Sasanida na si Yazdegerd III.[11] Sa pamamagitan ng pagbuo ng linyang ito, binigyang-diin ng mga Sapabida ang kanilang Persanong pinagmulan ng pamilya.[12]
Kultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos ng pagbagsak ng Imperyong Sasanida noong ika-7 dantaon, ang ideya ng Iran bilang isang pampulitikang estado ay tumigil sa pag-iral, subalit patuloy itong humubog sa damdaming pambansang Iraniyano. Sa ilalim ng Ilkanatong Monggol (1256–1335), muling nabuhay ang kaisipang ito.[13] Matapos manirahan nang matatag sa Iran, aktibong sinuportahan ng mga Monggol ang kanyang pamana sa kultura, na nakasentro ang kanilang patronahe sa Shahnameh. Ang pag-unlad na ito ay pinabilis ng pagsibol ng Bagong Wikang Persa bilang pangunahing wika ng kultura sa malaking rehiyong ito. Sa panahon ng Sapabida, nagsama-sama ang mga salik na ito, at pinangalagaan at pinangunahan ng mga Sapabida ang mga siglong tagumpay sa kultura. Napatunayan ang tibay ng pamana na ito, na nagpatuloy sa kabila ng kaguluhan matapos bumagsak ang pamahalaang Sapabida at ng agresibong pagpapataw ng kulturang Ruso pagkatapos ng mga Digmaang Ruso-Iraniyano sa unang bahagi ng ika-19 na dantaon.[11]
Lalo na sa mga urbanong lugar, ang panitikan ng Sapabida at tula sa Persa ay nag-ugnay sa nakaraan, kabilang ang nakaraang bago maging Islamiko, sa kasalukuyan at nagsilbing kolektibong pamana ng kultura para sa parehong karaniwang tao at mga elitista. Ang maalamat na nakaraan bago maging Islamiko ang Iran, kung saan ang mga hari ay nakikipaglaban sa mga walang hanggang puwersa ng kasamaan sa pambansang epiko ng Iran na Shahnameh, ay iniuugnay sa Islamikong kasalukuyan ng Sapabida, na may sariling malalakas na simbolo ng katuwiran at pagtubos.[14]
Pamana at pagtatasa
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang makabagong panahon ng Iran ay madalas na iniuugnay sa dinastiyang Sapabida, na naglatag din ng pundasyon para sa pambansang estado ng Iran. Sa ilalim nila, naging isang nagkakaisang pampulitikang yunit ang Iran, habang ang karamihang populasyong tribo at nomadiko ay naging nakapirmi na sa paninirahan, umaasa sa agrikultura at kalakalan para sa kita. Ang pamahalaang monarkiyang patrimoniyal, na pinagsama ang awtoridad sa teritoryo at lehitimong relihiyon, ay ipinakilala ng mga Sapabida at, na may ilang pagbabago, nagpatuloy hanggang ika-20 dantaon.[15]
Mga Sapabidang Shah ng Iran
[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Ismail I 1501–1524
- Tahmasp I 1524–1576
- Ismail II 1576–1578
- Mohammad Khodabanda 1578–1587
- Abbas I 1587–1629
- Safi 1629–1642
- Abbas II 1642–1666
- Suleiman I 1666–1694
- Soltan Hoseyn 1694–1722
- Tahmasp II 1722–1732
- Abbas III 1732–1736
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Afšār, ta·līf-i Iskandar Baig Turkmān. Zīr-i naẓar bā tanẓīm-i fihristhā wa muqaddama-i Īraǧ (2003). Tārīkh-i ʻʻālamārā-yi ʻʻAbbāsī (sa wikang Persyano) (ika-3 Čāp-i (na) labas). Tihrān: Mu·assasa-i Intišārāt-i Amīr Kabīr. pp. 17, 18, 19, 79. ISBN 978-964-00-0818-8.
- ↑ "SAFAVID DYNASTY". Encyclopædia Iranica (sa wikang Ingles).
- 1 2 3 "SAFAVID DYNASTY". Encyclopædia Iranica (sa wikang Ingles). New York: Columbia University. 13 Hunyo 2017 [28 Hulyo 2008]. doi:10.1163/2330-4804_EIRO_COM_509. ISSN 2330-4804. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Mayo 2022. Nakuha noong 23 Hunyo 2022.
- 1 2 3 Bosworth, C. E., pat. (2012) [1995]. "Ṣafawids". Encyclopaedia of Islam, Second Edition (sa wikang Ingles). Bol. 8. Leiden and Boston: Brill Publishers. doi:10.1163/1573-3912_islam_COM_0964. ISBN 978-90-04-16121-4.
- ↑ Baltacıoğlu-Brammer, Ayşe (2021). "The emergence of the Safavids as a mystical order and their subsequent rise to power in the fourteenth and fifteenth centuries". Mula sa Matthee, Rudi (pat.). The Safavid World. Routledge Worlds (sa wikang Ingles) (ika-1 (na) labas). New York and London: Routledge. pp. 15–36. doi:10.4324/9781003170822. ISBN 978-1-003-17082-2.
- ↑ Aptin Khanbaghi (2006) The Fire, the Star and the Cross: Minority Religions in Medieval and Early. London & New York. IB Tauris. ISBN 1-84511-056-0, pp. 130–1 (sa Ingles)
- ↑ Yarshater 2001.
- ↑ Khanbaghi 2006.
- ↑ Yarshater 2012.
- ↑ Dale 2020 "Ismāʿīl – who evidently knew both Persian and what has been described as a Southern Turkic dialect" (sa Ingles)
- 1 2 Matthee 2021.
- ↑ Ashraf 2006.
- ↑ Melville 2019.
- ↑ Matthee 2009.
- ↑ Matthee 2008.
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Yarshater, Ehsan (2001). Encyclopædia Iranica (sa wikang Ingles). Routledge & Kegan Paul. ISBN 978-0933273566.
- Khanbaghi, Aptin (2006). The Fire, the Star and the Cross: Minority Religions in Medieval and Early Modern Iran (sa wikang Ingles). I.B. Tauris. ISBN 978-1845110567.
- Yarshater, Ehsan (2012). "IRAN ii. IRANIAN HISTORY (2) Islamic period (page 4): The Safavids". Encyclopaedia Iranica (sa wikang Ingles).
The origins of the Safavids are clouded in obscurity. They may have been of Kurdish origin (see R. Savory, Iran Under the Safavids, 1980, p. 2; R. Matthee, "Safavid Dynasty" at iranica.com), but for all practical purposes they were Turkish-speaking and Turkified.
- Matthee, Rudi (2008). "Safavid dynasty". Mula sa Yarshater, Ehsan (pat.). Encyclopædia Iranica (sa wikang Ingles) (ika-Online (na) labas). Encyclopædia Iranica Foundation. ISBN 978-0933273948.
- Matthee, Rudi (2009). "Was Safavid Iran an Empire?". Journal of the Economic and Social History of the Orient. 53 (1–2). Brill: 233–265. doi:10.1163/002249910X12573963244449.
- Matthee, Rudi (2021). "The idea of Iran in the Safavid period: Dynastic pre-eminence and Urban Pride". Mula sa Melville, Charles (pat.). Safavid Persia in the Age of Empires: The Idea of Iran. Bol. 10. I.B. Tauris. pp. 81–105.
- Ashraf, Ahmad (2006). "Iranian Identity iii. Medieval Islamic Period". Mula sa Yarshater, Ehsan (pat.). Encyclopædia Iranica (sa wikang Ingles) (ika-Online (na) labas). Encyclopædia Iranica Foundation. ISBN 978-0933273955.
- Melville, Charles (2019). "Concepts of government and state formation in Mongol Iran". Mula sa Babaie, Sussan (pat.). Iran After the Mongols. Bloomsbury Publishing. pp. 33–54. ISBN 978-1788315289.