Pumunta sa nilalaman

Destilasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Distilasyon)

Ang pagdalisay,[1] na may katawagang teknikal na destilasyon (Kastila: Destilación; Ingles: Distillation), ay isang proseso ng paghihiwalay sa mga component substance mula sa isang likidong halo sa pamamagitan ng selective na ebaporasyon at kondensasyon. Maaaring magresulta ang destilasyon sa ganap na paghihiwalay (halos mga purong sangkap), o maaari din itong maging bahagyang paghihiwalay na nagpapataas ng konsentrasyon ng piling mga sangkap ng halo. Sa alinmang paraan, ang naturang proseso ay ipinakikinabangan ang pagkakaiba ng volatility ng mga sangkap sa halo. Sa pang-industriyang kapnayan, ang distillation ay isang yunit na operasyon na may pangkalahatang kahalagahan, bagama’t ito ay itinuturing na isang proseso ng pisikal na separasyon at hindi isang kemikal na reaksiyon.

Sa komersyo, maraming aplikasyon ang destilasyon. Halimbawa:

  • Sa industriya ng fossil fuel, ang destilasyon ay isang pangunahing klase ng operasyon sa pagkuha ng mga materyal mula sa krudong langis na para sa panggatong at para sa chemical feedstocks.
  • Pinahihintulutan ng destilasyon ang paghihiwalay ng hangin sa iba’t ibang sangkap nito — kadalasan oxygen, nitrogen, at argon — para sa pang-industriyang gamit.
  • Sa larangan ng pang-industriyang kapnayan, maraming klase ng mga krudong likidong produkto ng kemikal na synthesis ay idinidistil upang sila’y paghiwalayin, maaaring mula sa ibang produkto, sa mga impurity, o sa mga panimulang materyal na hindi pa nakapag-react.
  • Ang destilasyon ng mga produktong ibinuro ay nakalilikha ng mga inuming distilled na may mataas na nilalamang alak, o kaya ihinihiwalay ang ibang mga pamburo na may mas mataas na halaga sa pangangalakal.

Ang installation para sa destilasyon, lalo na ng alak, ay tinatawag na distillery. Still naman ang tawag sa kagamitan sa destilasyon.

Isinulat ni Aristoteles ang tungkol sa proseso sa kanyang kathang Meteorologica at kahit na “nagtataglay ng isang uri ng pagbubuga ang ordinaryong alak kaya ito nakapagbubuga ng apoy”. Ang sumunod na ebidensiya ng destilasyon ay nagmula sa mga alkemistang Griyego na nagtatrabaho sa Alexandria noong unang dantaon AD. Nakilala na ang distilled water noon pang ika-200 na siglo kung saan inilarawan ni Alexander ng Aphrodisias ang naturang proseso. Maaari namang nagsimula ang destilasyon sa Tsina sa panahon ng Silangang Dinastiyang Han (una hanggang ikalawang dantaon), ngunit isang ebidensiyang arkeyolohikal ang nagpapahiwatig na pinasimunuan ang aktuwal na pagdaan sa destilasyon ng mga inumin sa panahon ng dinastiyang Jin at Timog Song. May natagpuang still sa isang arkeyolohikal na pook sa Qinglong, Hebei noong ika-12 na dantaon. Mas kilala naman sa dinastiyang Yuan ang mga inuming distilled. Natutunan ng mga Arabo ang naturang proseso mula sa mga taga-Alexandria at malawakan itong ginamit sa kanilang mga eksperimentong kemikal.

Mayroong malinaw na ebidensya ng destilasyon ng alak mula sa School of Salerno noong ika-12 dantaon. Ibinuo ni Tadeo Alderotti ang fractional distillation noong ika-13 dantaon

Noong 1500, inilathala ng Aleman na alkemistang si Hieronymus Braunschweig ang Liber de arte destillandi (Ang Libro ng Sining ng destilasyon), ang unang librong tanging dedikado sa paksa ng destilasyon, na sinundan noong 1512 ng pinalawak na bersyon. Noong 1651, inilathala ni John French ang The Art of Distillation (Ang Sining ng destilasyon), ang pangunahing Ingles na konpendyum, ngunit may mga pahayag na karamihan ng nilalaman nito ay nagmula sa gawa ni Braunschweig. Kasama rito ang mga dayagram na naglalaman ng mga taong nagpapakita ng industriyal na sukatan ng operasyon imbis na ang bench na sukatan.

  1. "pagdalisay". UP Diksiyonaryong Filipino. 2001.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)