Pumunta sa nilalaman

Diyabetolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang diyabetolohiya (Kastila: diabetología ; Ingles: diabetology) ay ang klinikong agham ng diabetes mellitus, ang diyagnosis nito, at paggagamot. Maaaring ituring itong isang sangay ng endokrinolohiya. Ginagamit ang salita o katawagan sa maraming mga pamamaraan. Sa Hilagang Amerika, sa loob ng huling mga 40 taon, kalimitang ginagamit ito para sa mga gawain ng isang diyabetolohista (diyabetologo) o internistang nagkaroon ng pag-unlad sa kaalaman at pagkakaroon ng kaalaan hinggil sa pangangalaga ng mga pasyenteng may diyabetes dahil sa pagsasakatuparan ng kaniyang mga gawain at interes sa paksa, bagaman wala siyang pormal na pagsasanay o sertipikong panglarangan sa endokrinolohiya. Hindi pa isang ganap na kinikilalang natatanging sangay ng panggagamot ang diyabetolohiya at walang pang pormal na programang pangpagsasanay na magiging sanhi ng pagkakamit ng isang katibayan o sertipiko. Sa ibang mga konteksto o diwa, tumutukoy ang diyabetolohista sa anumang manggagamot o duktor sa medisinang kinabibilangan ng mga endokrinolohista, na pangunahing tumutuon ang mga gawain at pananaliksik sa diyabetes at pangangalaga ng mga taong may diyabetes. Bukod sa mga pagbibigay ng mga gamot (ng insulina), kasama ang dami at tamang panahon ng pagbibigay ng insulina, binibigyang pansin din ng isang diyabetolohista ang mga maaaring pang maging dagdag na mga suliranin ng isang tao kapag may diyabetes, katulad ng retinopatiya, nepropatiya, at neyuropatiyang periperal. Ang World Diabetes Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Nobyembre 14.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Panggagamot Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.