Diyos Ko, Tulungan Mo Akong Lampasan Itong Nakamamatay na Pag-ibig
Diyos Ko, Tulungan Mo Akong Lampasan Itong Nakamamatay na Pag-ibig | |
---|---|
Ruso: Господи! Помоги мне выжить среди этой смертной любви, Aleman: Mein Gott, hilf mir, diese tödliche Liebe zu überleben | |
Alagad ng sining | Dmitri Vrubel |
Taon | 1990 |
Tipo | Graffiti |
Kinaroroonan | East Side Gallery, Berlin |
Ang Diyos Ko, Tulungan Mo Akong Lampasan Itong Nakamamatay na Pag-ibig (Ruso: «Господи! Помоги мне выжить среди этой смертной любви», Aleman: Mein Gott, hilf mir, diese tödliche Liebe zu überleben), na minsan ding kilala bilang Halik ng Kapatiran (Aleman: Bruderkuss), ay isang kilalang dibuhong graffiti na ipininta sa isang seksiyon ng Pader ng Berlin na kilala ngayon bilang East Side Gallery. Inilalarawan ng obra sina Leonid Brezhnev at Erich Honecker habang nakayakap sila noong 1979 sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng pagkatatag ng Republikang Demokratikong Aleman (Silangang Alemanya).
Gawa ni Dmitri Vrubel noong 1990, at pininta muli noong 2008, ito ang isa sa mga pinakakilalang dibuhong graffiti na ipininta sa Pader ng Berlin.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.