Pumunta sa nilalaman

Dolores Ramirez

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dolores Ramirez
Kapanganakan20 Setyembre 1931[1]
  • (Laguna, Calabarzon, Pilipinas)
MamamayanPilipinas
NagtaposUnibersidad ng Pilipinas Los Baños[1]
University of Minnesota[1]
Pamantasang Purdue[1]

Si Dolores A. Ramirez (1931 – ) ay kilala sa kanyang kontribusyon ukol sa pag-aaral ng mga komposisyon (Cells and Genes) ng mga halaman, partikular ang makapuno. Pinarangalang "Pambansang Siyentipiko" para sa Biochemical Genetics at Cytogenerics noong 1997. Ipinanganak siya sa Calamba, Laguna noong Setyembre 30, 1931. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Agriculture mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1956. Napagtagumpayan ang kanyang Master of Science in Cytogenetics mula sa Unibersidad ng Minnesota noong 1958 at Ph. D. Major in Biochemical Genetics mula sa Unibersidad ng Purdue sa Estados Unidos taong 1963. Kinilala ang kanyang mga pananaliksik tungkol sa cytogenetics (study of cells and genes) ng iba't ibang pananim ng Pilipinas. Siya ay kilala sa pag-aaral ng mga halaman sa Pilgeneti.

Pananaliksik sa agham

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karamihan sa pananaliksik ni Ramirez ay tungkol sa mga halaman na mahalaga sa agrikultura sa Pilipinas. Sinaliksik niya ang henetika na batayan ng paktor ng resistensyang kemikal ng Cercospora, na nagiging sanhi ng pagbuo ng mga batik ng dahon sa monggo. Pinag-aralan din niya ang cytogenetics ng mga hybrid ng bigas, na sinusubaybayan ang sanhi ng isterilidad mula sa mga ligaw na strain. Ang kanyang pananaliksik sa halaman ay humantong sa pinahusay na mga uri ng prutas, tubo, palay, niyog, at mga ornamental. Nagsagawa siya ng pananaliksik kasama si Evelyn Mae Tecson-Mendoza kung paano naaapektuhan ng mataas na metabolismo ng galactomannan, ang mga hene ng makapuno, na nagpapakilala sa mga pader ng endosperm cell.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 https://members.nast.ph/index.php/list-of-national-scientist/details/3/30.
  2. Flores, Malem (2014). "National Scientist Dolores A. Ramirez: From Beating the Odds to Empowering Philippine Agriculture" (PDF). Philippine Science Letters. 7 (1): 241–244. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2022-12-31. Nakuha noong 2022-12-31.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

BiyolohiyaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.