Dolores Reyes
Si Dolores Reyes as isang manunulat mula sa Argentina. Siya ay kilala dahil sa kanyang debut na nobela na pinamagatang Cometierra na nailathala noong 2019. Ang nobelang ito ay kinikilala at ipinagbubunyi ng marami sa buong mundo at isinalin sa labindalawang wika,[1] tulad ng Ingles (Eartheater). Ang Cometierra ay tinaguriang isa sa pinakamahusay na libro ng 2019 ng The New York Times, El País, El Mundo, El Universal, Página 12 at Perfil.[2]
Si Reyes ay isa ring guro, peminista, aktibista, at ina.[3] Ipinanganak siya noong 1978 sa kanluran ng lalawigan ng Buenos Aires. Siya ay nag-aral ng Primary Teaching sa Colegio Normal 10[4] at Classical Literature (o Greek and Classical Cultures[5]) sa Unibersidad ng Buenos Aires.[6]
Cometierra o Eartheater
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang nobela ni Dolores Reyes ay pinamagatang Cometierra sa orihinal na Espanyol. Ito ay nailathala ng Editorial Siglio noong 2019 sa Argentina at Espanya, at pati sa Colombia sa ilalim ng patnubay ni Rey Naranjo.[7] Ito ay naisalin sa Ingles na may pamagat na Eartheater[8] ni Julia Sanches mula sa HarperCollins, sa Italyano ng Solferino, sa Pranses ng Editions de l’Oservatoire, sa Swedish ng PalabraForlag, at Polish ng Mova. Ang nobela ay kasalukuyang isinasalin sa Dutch, Griyego, Portuges, Norwegian, at Danish.[9]
Ayon sa Hay Festival Forum,[10] ang nobelang ito ay natatangi dahil sa paghahabi ni Reyes ng magical realism at panlipunang komentaryo sa kwento. Ang kanyang akda ay sumasalamin sa mga malulupit na katotohanan ng pamumuhay sa Argentina. Sa Cometierra, tinalakay ni Reyes ang mga tema ng karahasan, kahirapan, at supernatural sa punto lebis ng isang batang babaeng may kakaibang kakayahan.
Ayon naman sa Goodreads,[11] ang nobelang ito ay para sa alaala nila Melina Romero at Araceli Ramos, mga teenagers na biktima ng femicide. Ang kanilang mga labi ay nahihimlay sa isang sementeryo malapit sa paaralan ng Pablo Podestá, sa metropolitan area ng Buenos Aires kung saan nagtatrabaho si Reyes.
Ibang Akda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Miseria (2023) - Sequel na nobela sa Cometierra.[12][13]
- Bibliotecas (2023) - Koleksyon ng mga maiikling kwento, kasama sina Katya Adaui , Selva Almada, Jazmina Barrera, Jorge Carrión, Luis Chitarroni, María Sonia Cristoff, Mercedes Halfon, Martín Kohan, Brenda Lozano, Carla Maliandi, Emiliano Monge,Edgardo Scott, at Reynaldo Sietecase.[14]
- Canción sin volumen: Apuntes, historias e ideas sobre salud mental (2023) - Kasama sina Fernanda Trías, Emiliano Monge, Jazmina Barrera, Brenda Navarro, Lydia Cacho, at Guadalupe Nettel.[15]
- Volver a contar: Escritores de América Latina en los archivos del Museo Británico (2022) - Kasama sina Yásnaya Elena Aguilar Gil, Gabriela Cabezón Cámara, Juan Cárdenas, Carlos Fonseca, Lina Meruane, Djamila Ribeiro, Cristina Rivera Garza, Velia Vidal, at Joseph Zárate.[16]
- Conurbe. Cartografía de una experiencia (2020) - Kasama sina Julián López (editor), Selva Almada, Gabriela Cabezón Cámara, Inés Garland, Carla Maliandi, Sebastián Pandolfelli, Claudia Piñeiro, Hugo Salas, Camila Sosa Villada, Fernando Verissimo, Alejandra Zina, at Katya Adaui.[17]
- Paisajes experimentales (2020) - Kasama sina Yamila Bëgné, Kike Ferrari, Claudia Aboaf, Ever Román, Laura Ponce, Ricardo Romero, Marcelo Carnero, Marina Yuszczuk, Leo Oyola, ay Betina Gonzáles.[18]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Two Authors in Four Scenes: Selva Almada and Dolores Reyes in conversation | Brooklyn Public Library". www.bklynlibrary.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Two Authors in Four Scenes: Selva Almada and Dolores Reyes in conversation | Brooklyn Public Library". www.bklynlibrary.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dolores Reyes". Indent Literary Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Laksman, Mariela (2024-01-06). "Best-selling novel Cometierra [Eartheater] becomes Amazon Prime television series: we caught up with author Dolores Reyes". Orato (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Laksman, Mariela (2024-01-06). "Best-selling novel Cometierra [Eartheater] becomes Amazon Prime television series: we caught up with author Dolores Reyes". Orato (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Two Authors in Four Scenes: Selva Almada and Dolores Reyes in conversation | Brooklyn Public Library". www.bklynlibrary.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Laksman, Mariela (2024-01-06). "Best-selling novel Cometierra [Eartheater] becomes Amazon Prime television series: we caught up with author Dolores Reyes". Orato (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Eartheater". Goodreads (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Laksman, Mariela (2024-01-06). "Best-selling novel Cometierra [Eartheater] becomes Amazon Prime television series: we caught up with author Dolores Reyes". Orato (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Heather Cleary, Dahlia de La Cerda and Dolores Reyes". Hay Festival (sa wikang Ingles). 2024-10-13. Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dolores Reyes". www.goodreads.com. Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Laksman, Mariela (2024-01-06). "Best-selling novel Cometierra [Eartheater] becomes Amazon Prime television series: we caught up with author Dolores Reyes". Orato (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miseria". Indent Literary Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bibliotecas". Goodreads (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Canción sin volumen: Apuntes, historias e ideas sobre s…". Goodreads (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Volver a contar: Escritores de América Latina en los ar…". Goodreads (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Conurbe. Cartografía de una experiencia". Goodreads (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Paisajes experimentales". Goodreads (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-10-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)