Domingo Savio

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Santo Domingo Savio
Estampitang naglalarawan kay Sto. Domingo Savio.
Kumpesor
Kapanganakan2 Abril 1842(1842-04-02)
San Giovanni, frazione ng Riva presso Chieri, Piedmont, Italya[1]
Kamatayan9 Marso 1857 (edad 14)
Mondonio, frazione ng Castelnuovo d’Asti (ngayo'y Castelnuovo Don Bosco), Piedmont, Italya[1]
Pinipintuho saSimbahang Katolika Romana & Simbahang Episcopal
BeatipikasyonMarso 5, 1950, Roma ni Papa Pio XII
KanonisasyonHunyo 12, 1954, Roma ni Papa Pio XII
Pangunahing dambanaBasilika ng Inang Mapag-Ampon ng mga Kristiyano sa Turin (kaniyang libingan)[2]
KapistahanMayo 6 (dating Marso 9)[3]
Patronatomga batang koro, mga naparatangan ng mali, kabataang naliligaw ng landas[4]

Si Domingo Savio (Italyano: Domenico Savio; Abril 2, 1842 – Marso 9, 1857[5][6]) ay isang binatang Italyanong mag-aarál si San Juan Bosco. Nag-aaral siya upang maging pari nang siya'y nagkasakit at namatay sa gulang na 14, marahil sa pleurisy.[7]

Mataas ang pagtingin kay Savio ng kaniyang guro na si Juan Bosco, na sumulat ng talambuhay ng kaniyang batang mag-aarál – Ang Buhay ni Domingo Savio. Ang tomong ito, kasama ng ilan pang pagpapatunay patungkol sa kaniya ay naging mahalaga sa kawsa ng kaniyang pagkasanto. Sa kabila ng pag-aalinlangan ng marami na siya'y bata pa masyado — labing-apat na taong gulang — nang mamatay upang ituring na maging santo, kinilala ang kaniyang "dakilang kabanalan" sa pang-araw-araw na buhay kaya't siya'y itinuring na karapat-dapat sa karangalang ito.[8] Siya ang tanging santo sa kaniyang mga ka-edad, kung saan napapabilang sina Maria Goretti (edad 11) at Ponticus ng Lyons (edad 15),[9] na idineklarang santo, hindi dahil sa siya'y namatay na martir, kundi sa pagkilala sa kaniyang banal na pamumuhay. Kinanonisa si Savio na santo noong Hunyo 12, 1954 ni Papa Pio XII,[10] upang maging pinakabatang kinanonisa sa Simbahang Katolika na hindi martir.[11]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Santiebeati.it: Domenico Savio. Hinango noong Nobyembre 24, 2006.
  2. Boychoirs.org: Saint Dominic Savio: Patron Saint of Choirboys: 1842 – 1857; Retrieved on 24 November 2006.
  3. Dailycatholic.org: Friday-Saturday-Sunday- March 8–10, 2002; volume 13, no. 45. Hinango noong Nobyembre 24, 2006.
  4. Saintpatrickdc.org: Saint of the Day, March 9 at website of Saint Patrick Catholic Church, Washington, D.C. Retrieved 2 March 2012.
  5. Salesianvocation.com: Biography of St. Dominic Savio. Hinango noong Nobyembre 24, 2006.
  6. Santiebeati.it: San Domenico Savio Adolescente. Hinango noong Nobyembre 24, 2006.
  7. Bosconet.aust.com: Memoirs of the Oratory of Saint Francis de Sales by St. John Bosco (footnote 19, Chapter 6). Hinango noong Nobyembre 24, 2006.
  8. Stthomasirondequoit.com: Saints Alive: St. Dominic Savio. Hinango noong Nobyembre 24, 2006
  9. Earlychristianwritings.com: Letter from Vienna and Lyons. Hinango noong Nobyembre 24, 2006
  10. Catholic-forum.com: Dominic Savio. Hinango noong Nobyembre 24, 2006.
  11. Donbosco-torino.it: Main Altars in the Church; Hinango noong Nobyembre 24, 2006.