Pumunta sa nilalaman

E.R. Ejercito

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Emilio Ramón "E.R." Ejército III
Gobernador ng Laguna
Nasa puwesto
30 Hunyo 2010 – 27 Mayo 2014
Bise GobernadorCaesar Pérez (2010–2013)
Ramil Hernández (2013–2014)
Nakaraang sinundanTeresita S. Lázaro
Sinundan niRamil Hernández
Alkalde ng Pagsanjan, Laguna
Nasa puwesto
30 Hunyo 2001 – 30 Hunyo 2010
Nakaraang sinundanAbner Afuang
Sinundan niGirlie Ejército
Personal na detalye
Isinilang
Emilio Ramon Pelayo Ejercito

(1963-10-05) 5 Oktubre 1963 (edad 60)
Pagsanjan, Laguna, Pilipinas
KabansaanPilipino
Partidong pampolitikaPwersa ng Masang Pilipino (2001–2012)
United Nationalist Alliance (2012–2016)
PDP-Laban (2016–kasalukuyan)
AsawaGirlie Ejército
AnakEric Ejército
Jet Ejército
Jerico Ejército
Julia Ejército
TahananPagsanján
Alma materLa Salle Greenhills
Pamantasan ng Pilipinas - Diliman
TrabahoPulitiko, Aktor
PropesyonAktor/Pulitiko

Si Emilio Ramon Pelayo Ejercito (kapanganakan 5 Oktubre 1963), o mas kilala bilang ER Ejercito at kilala din sa kaniyang opisyal na pangalan sa pelikula bilang Jorge Estregan, George Estregan Jr. at Jeorge "ER" Ejercito Estregan, ay isang Pilipinong aktor na nanilbihan noon bilang Gobernador ng Laguna. Bago pa man siya nahalal bilang gobernador, nanilbihan muna siya bilang alkalde ng Pagsanjan, Laguna.[1] Anak siya ng aktor na si George Estregan at pamangkin ng dating Pangulo at ngayo'y alkalde ng Maynila na si Joseph Estrada. Noong 27 Mayo, 2014, inalis ng Komisyon ng Halalan si Ejercito matapos ang di-umanong sobrang paggasta sa kaniyang kampanya para sa halalan noong 2013; makalipas ang tatlong araw, hinikayat siya ng kaniyang tiyuhing si Alkalde Joseph Estrada para bumaba sa puwesto.

Ipinanganak si E.R. Ejercito bilang Emilo Ramon Pelayo Ejército noong 5 Oktubre 1963 sa Pagsanjan, Laguna ni Jorge Marcelo Ejercito, isang action star na ginamit ang pangalang pampelikula bilang George Estregan, ng Pagsanjan, Laguna, at ni Ramona Pelayo Ejercito ng Ibajay, Aklan. Nakatira siya sa Kalye B. Cosme, Sitio Mayapa, Brgy. II, Pagsanjan, Laguna.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ikinasal siya sa isa pang artista at kasalukuyang alkalde ng Pagsanjan na si Alkalde Maita Sanchez (Girlie Ejercito sa totoong buhay). May apat silang mga anak: si Eric Ejercito (kapanganakan 1987), Jet Ejercito (kapanganakan 1989), Jerico Ejercito (kapanganakan 1992) at Jhulia Ejercito (kapanganakan 2002).

  • Elementarya: La Salle Greenhills (1971-1978)
  • Mataas na Paaralan: La Salle Greenhills (1978-1981)
  • Kolehiyo: UP Diliman; Batsilyer ng Bellas Artes, Medyor sa Pag-aanunsyo at Komunikasyong Biswal (1891-1985)
  • Pangalawang Pangulo - Knights of the Altar (1983-1987) Naging altar boy sa loob ng 5 taon sa Simbahan ng St. John the Baptist Parish, San Juan City
  • Pangalawang Pangulo - KAPTT-Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (1999-2002)
  • Kasapi - Rotary Club ng Pagsanjan, Laguna
  • Kasapi - Carpa Club ng Pagsanjan, Laguna
  • Alkalde ng Pagsanjan, Laguna (30 Hunyo 2001 - 30 Hunyo 2010)
  • Gobernador ng Laguna (30 Hunyo 2010 - 27 Mayo, 2014)

Mga malalaking papel sa bold

  • Mga Paru-Parrong Bukid (1985) - kapatid ni Senen
  • Haunted House (1985)
  • Bagets Gang (1986)
  • Dongalo Massacre (1986)
  • Humanda Ka, Ikaw Ang Sumuko (1987)
  • Boy Tornado (1987) - kaibigan ni Boy
  • Alex Boncayao Brigade (1988)
  • Alega Gang: Public Enemy No. 1 of Cebu (1988)
  • Ambush (1988)t Espino
  • Hatulan: Bilibid Boys (1989)
  • Isang Bala Isang Buhay (1989) - Ex-commando
  • Bala... Dapat Kay Cris Cuenca: Public Enemy no. 1 (1989)
  • Moises Platon (1989)
  • Captain Jaylo: Batas Sa Batas (1989) - Dodong Sanggano
  • Gapos Gang (1989)
  • Kakampi Ko Ang Diyos (1990)
  • Asiong Salonga Ikalawang Aklat (1990)
  • Urbanito Dizon: The Most Notorious Gangster in Luzon (1990) - Kasapi ng Apache Gang
  • Ibabaon Kita sa Lupa (1990)
  • Hanggang Saan ang Tapang Mo? (1990) Greg
  • Hukom. 45 (1990)
  • Hulihin si... Boy Amores (1990)
  • Alyas Pogi: Birador ng Nueva Ecija (1990)
  • Inosente (1990)
  • Leon ng Maynila, Lt. Col. Romeo Maganto (1991)
  • OXO vs Sigue-Sigue (1991)
  • Eddie Tagalog: Pulis Makati (1992)
  • Manila Boy (1993)
  • Sala Sa Init, Sala Sa Lamig (1993) - Drug Pusher
  • Manchichirichit (1993)
  • Epimaco Velasco: NBI (1994) Big-4 Man
  • The Four Stooges (1995) - Stanley
  • Ang Titser Kong Pogi (1995) - Emilio
  • Mano Mano (1995)
  • Balawis (1996)
  • Bossing (1996)
  • Extranghero (1997) - Dr. Ivan
  • Pag-Ibig Ko Sa Iyo'y Totoo (1997) anak ni G. Diaz
  • Babasaging Kristal (1997)
  • Yes Darling: Walang Matigas na Pulis 2 (1997) Kidnapper
  • Tuloy! Bukas ang Pinto! (1998)
  • Ang Maton at ang Showgirl (1998) - Valdez
  • Pakawalang Puso (1998)
  • Birador (1998)
  • Jesus Salonga, alyas Boy Indian (1998)
  • Cariño Brutal (1998)
  • Notoryus (1998)
  • Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib (1998)
  • Hiwaga ng Panday (1998)
  • Type Kita... Walang Kokontra! (1999) - Tong
  • Mamang Shotgun (1999) - Wilfredo
  • Abel Villarama: Armado (1999)
  • Emilio Aguinaldo (2000) - Emilio Aguinaldo
  • Makamandag na Bala (2000)
  • Huwag Mong Takasan ang Batas (2002)
  • Ang Panday (2009) - Apoykatawan
  • Si Agimat at Si Enteng Kabisote (2010) - Ragat
  • Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (2011) - Nicasio "Asiong" Salonga
  • El Presidente (2012) - Emilio Aguinaldo
  • Boy Golden (2013) - Arturo "Boy Golden" Porcuna
Taon Tagapagbigay ng Parangal Kategorya Obra Resulta
2011 Metro Manila Film Festival [2] Male Sexiest Appeal Celebrity of the Night - Nanalo
2012 GMMSF Box-Office Entertainment Awards [3] Outstanding Government Service Award - Nanalo

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Martinez-Belen, Crispina (2011-03-01). "ER Ejercito is 'El Presidente'". The Manila Bulletin. Nakuha noong 2011-03-01.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Metro Manila Film Festival:2011". IMDB. Retrieved 2014-04-09.
  3. "Vice Ganda named Phenomenal Box-Office Star; Derek Ramsay is Box-Office King while Anne Curtis and Cristine Reyes share Box-Office Queen title" Naka-arkibo 2015-07-01 sa Wayback Machine.. Pep.ph. Retrieved 2014-05-20.