Pumunta sa nilalaman

Mga Hebreo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ebreo)

Ang mga Ebreo (Ebreo: עברים, ivrim, "mga tumawid"), ayon sa Tanakh at sa Bibliya, ang isa sa mga pangkat etnitkong naninirahan sa Kanaan mula noong tagumpay ni Josue sa pananakop at hanggang sila'y sakupin ng mga taga-Babilonya at ipinatapon. Nahati sila sa labindalawang lipi, ang bawat isa inapo ng mga anak na lalaki ni Jacob.

Dahil nasakop din nila ang timog-silangan ng Asya Menor ng Anatolia, minsan din itong tinuring bahagi ng Asya Menor.

Nang maitatag ang Kaharian ng Israel, sinimulan silang tawaging mga Israelita (Ebreo: ישראל, yisra'eli).

Ang mga natira sa mga Israelita pagkatapos ng pananakop ng Asirya ang naging ninuno ng mga kasalukuyang Hudyo.

Maaaring nangangahulugang "tumawid" ang salitang Ebreo, at tumutukoy sa mga taong Semitiko na tumawid sa Ilog Euphrates. Maaari din na "ang mga puno ng alikabok" ang kahulugan nito, ang tribu na nanggaling sa ilang, o ang "alikabok ng lupa", dahil sa propesiya, magiging kasing dami sila ng alikabok.

Hinango ng mga Hebreo ang kanilang pangalan kay Eber na kinilalang ninuno ni Noah. Sa Lumang Tipan mababasa ang kasaysayan ng mga hebreo.unang nabuo ang Hebreo sa lupain ng Canaan, ang sinasabing "Lupang Pangako". Sa paglipas ng panahon, ito ang tinatawag na Palestina at sa kasalukuyan, kilala ito bilang Israel at Jordan.

Isang makitid na piraso ng lupain ang Palestina na hindi aabot sa 242 metro ng haba. Matatagpuan ito sa timog ng Penisyo at nasa kanlurang hangganan ng Mayabong na Gasuklay. Binubuo ito ng dalawang rehiyon. Tinutubigan ng Ilog Jordan ang hilagang bahagi nito. Kung kaya nakapagtatanim ang mga Hebreo ng oliba, ubas, igos at mga butil.

Ang unang rekord ng pangalang Israel (bilang ysrỉꜣr) ay umiiral sa Merneptah stele na itinayo para sa Paraon na Ehiptong si Merneptah c. 1209 BCE. Nakita ng mga arkeologo ang "Israel" na ito sa mga sentral na matataas na lupain bilang isang kultura at malamang ay pampolitika na entidad ngunit isa lamang pangkat etniko sa halip na isang organisadong estado. Ang mga ninuno ng mga Israelita ay maaaring kinabibilangan ng mga Semita na tumira sa Canaan at ang mga Taong Dagat. Ayon kay McNutt, "Malamang na ligtas na ipagpalagay na sa isang panahon noong Panahong Bakal I(ca. 1200 BCE), ang isang populasyon ay nagsimulang kumilala sa kanilang mga sarili bilang Israelita na nagtatangi ng sarili nito mula sa mga Cananeo gaya ng mga marka na pagbabawal ng pagpapakasal sa ibang lahi, isang pagbibigay diin sa kasaysayan at heneolohiya at relihiyon. Noong mga 1920, ang ideya ng pananakop ng mga Israelita sa Canaan ayon sa Aklat ni Josue ay hindi sinusuportahan ng rekord na arkeolohikal. Wala ring ebidensiya na ang mga Israelita ay nagmula sa Ehipto ayon sa Aklat ng Exodo. Ang mga Israelita ayon sa mga arkeologo ay mga katutubong Cananeo. Ayon sa mga skolar at arkeologo, ang mga ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakita na ang mga Israelita ay hindi mga monoteista(gaya ng isinasaad sa Bibliya) mula pa sa simula ng pagkakatatag nito kundi mga politeista.[1] Ang politeismo ng mga Sinaunang Israelita ay nag-uugat mula mga politeistikong relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan at narereplekta sa mga ilang aklat ng Tanakh gaya ng paggamit ng salitang Hebreo na 'elohîm na anyong plural ng Eloah na anyo ng El na isang pangkalahatang salita para sa diyos sa mga relihiyong Semitiko.[2] Ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakita sa panahong ito ng isang lipunan ng mga tulad ng baranggay na sentro ngunit may mas limitadong mga mapagkukunan at isang maliit na populasyon. Ang pagpepetsa ng mga labi sa mga kasaysayan ng Israel ayon sa Bibliya ay ginawang mahirap sa kawalan ng bibliya ng mga mapepetsang pangyayari at sa hindi maasahan at magkaayon na panloob na kronolohiya. Walang mga labing materyal na natuklasan na maasahang naghihiwalay ng mga lugar ng Israelita mula sa mga hindi Israelita(Cananeo) sa mga pinakaamaagang panahon.[3] Ang unang Kaharian ng Israel ay itinatag noong ca. 1000 BCE. Ayon sa Bibliya, ang imperyo ni Solomon ay sumaklaw mula sa Euphrates sa hilaga hanggang sa Dagat Pula sa timog. Gayunpaman, ito ay hindi sinsuportahan ng mga ebidensiyang arkeolohikal.[4] Ayon sa Bibliya, kasunod ng kamatayan ni Solomon noong ca. 900 BCE, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng hilagang bahagi ng Israel na na binubuo ng 10 mga lipi ng Israel at ang katimugang na pinamumunuan ng Herusalem. Ito ay humantong sa pagkakahati ng Israel sa dalawang mga kaharian: ang hilagang Kaharian ng Israel at ang timog na Kaharian ng Judah. Ayon sa mga arkeologo, ang aktuwal na Kaharian ng Judah ay hindi katulad ng inilalarawan sa Bibliya bilang isang makapangyarihang kaharian dahil ang kaharian ng Judah ayon sa mga ebidensiyang arkeolohikal ay hindi higit sa isang maliit na tribo. Sa panahong ito, ang mga ebidensiyang arkeolohiyal ay nagpapakita ng mga tensiyon sa pagitan ng pangkat na komportable sa pagsamba kay Yahweh kasama ng mga lokal na diyos gaya nina Asherah at Baal at sa mga sumasamba "lamang" kay Yahweh.[5][6] Ang pinakamatandang mga aklat ng Tanakh(bibliya) na isinulat noong ika-8 siglo BCE ay nagrereplekta ng alitang ito gaya ng Aklat ni Hosea at Aklat ni Nahum. Ang paksiyong monoteista ay tila nagkamit ng malaking impluwensiya noong ika-8 siglo BCE at noong ika-7 siglo BCE, batay sa pinagkunang Deuteronomistiko, ang pagsambang monoteistiko kay Yahweh ay tila naging opisyal na narereplekta sa pagtatanggal ng larawan ni Asherah mula sa templo sa ilalim ni Hezekias. Ayon sa mga skolar at historyan, sa panahong ito nang ang pagsambang monoteistiko ay nagmula.[7] Binaligtad ng kahalili ni Hezekias na si Manaseh ang mga pagbabagong ito at ibinalik ang pagsambang politeistiko at ayon sa 2 Kings 21:16 ay inusig ang paksiyong monoteistiko. Si haring Josias ay muling bumalik sa monolatriya(pagsamba lamang sa isang diyos ngunit pagkilala sa pag-iral ng ibang mga diyos). Ang Aklat ng Deuteronomio gayundin ang ibang mga aklat ng Tanakh ay isinulat sa panahon ng pamumuno ni Josias. Kaya, ang mga huling dalawang dekada ng panahon ng kaharian ng Israel hanggang sa pagsalakay sa Herusalem ng noong 597 BCE ay nagmamarka sa opisyal na monolatriya ng diyos ng Israel. Ito ay may mahalagang mga konsekwensiya sa pagsamba kay Yahweh gaya ng sinasanay sa pagkakatapon sa Babilonia at sa teolohiya ng Hudaismonng Ikalawang Templo. Ayon sa Bibliya, ang Kaharian ng Israel(hilaga) ay umiral bilang isang independiyenteng estado hanggang 722 BCE nang ito ay sakupin ng imperyong Assyrian samantalang ang Kaharian ng Judah(timog) ay umiral bilang independiyenteng estado hanggang 586 BCE nang ito ay sakupin ng imperyong Babilonia. Nang talunin ng imperyong Persian ang Babilonia, ang Israel ay sumailalim sa pamumuno ng imperyong Persian at pinayagan na makabalik ng Persia ang mga Israelita sa Judea. Ang modernong analysis na literaryo ay nagmumungkahi na sa panahong ito nang binago ang pinagkunang pambibig at isinulat upang ipaliwanag ang pagkakatapon ng mga Israelita bilang parusa ng diyos dahil sa pagsamba sa ibang mga diyos.[8] Iminungkahi na ang striktong monoteismo ay umunlad sa pagkakatapong ito ng mga Israelita sa Babilonia at marahil ay bilang reaksiyon sa dualismo o quasi-monoteismo ng Zoroastrianismo ng mga Persian.[9][10] Ang mga skolar ay naniniwala na ang Hudaismo ay naimpluwensiyahan ng relihiyong Zoroastrianismo[10] ng Persia sa mga pananaw ng anghel, demonyo, malamang ay sa doktrina ng muling pagkabuhay gayundin sa mga ideyang eskatolohikal at sa ideya ng mesiyas o tagapagligtas ng mesiyanismong Zoroastrian. Inilarawan ni Zarathushtra sa kanyang Gathas ang isang saoshyant(tagapagligtas) na benepaktor ng mga tao.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Rendsberg, pp.3-5
  2. http://www.class.uidaho.edu/ngier/henotheism.htm
  3. Bloch-Smith, pp.27,29,30
  4. http://www.nytimes.com/2000/07/29/arts/bible-history-flunks-new-archaeological-tests-hotly-debated-studies-cast-doubt.html
  5. 1 Kings 18, Jeremiah 2; Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
  6. Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
  7. Steven L. McKenzie, Deuteronomistic History, The Anchor Bible Dictionary Vol. 2, Doubleday (1992), pp. 160-168; Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001) pp. 151-154
  8. http://books.google.co.uk/books?id=stl97FdyRswC&pg=PA340&lpg=PA340&dq=Jewish+exile+babylon+monotheism&source=bl&ots=uZToFxhsA4&sig=LGU6a1UF7FPDv9zO_N4woINnT7M&hl=en&sa=X&ei=bFw-UIzoL4eHswaF34DIAQ&ved=0CEoQ6AEwBA#v=onepage&q=Jewish%20exile%20babylon%20monotheism&f=false
  9. Ephraim Urbach The Sages
  10. 10.0 10.1 http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=147&letter=Z

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.