Pumunta sa nilalaman

Sistemang pang-ekonomiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Economic system)

Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang pamamaraan na kinakasangkutan ng produksiyon, pamamahagi, at paggamit ng mga produkto o serbisyo sa pagitan ng mga entidad sa loob ng isang partikular na lipunan. Ito ang kaparaanan na ginagamit ng lipunan upang gumawa at mamahagi ng mga produkto at serbisyo.[1]

Mga sistemang pang-ekonomiya

Merkantilismo

Ito ang namayaning kaisipan pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak dahil sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak.

Ang Merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na naniniwalang ang bansa ay mapayayaman sa pamamagitan ng pagpigil sa pang-angkat at pagsuporta sa pagluwas. Sumikat ito noong 16th century sa Western Europe. Ang layunin ng Merkantilismo ay magkaroon ng balance sa pangangalakal na magdadala ng ginto.

Pasismo

Isang tradisyunal o makalumang pamamaraan ng pamumuno na pinamumunuan ng isang diktador, na may absolutong kapangyarihan. Ang kanyang pamumuno sa kanyang nasasakupan ay may disiplina, sa madaling salita istrikto ang kanyang pamumuno, tulad ni Adolf Hitler.

Sosyalismo

Sa sistemang sosyalismo, ang mga pangunahing gawain o industriya at ang gamit sa produksiyon ay pag-aari ng pamahalaan. Pinahihintulutan din naman ng sistemang ito ang pribadong sektor na mag-ari ng negosyo at magkaroon ng pag-aaring pribado.

Komunismo

Ang komunismo ay magiging isang makataong lipunan na walang kaurian o estado at naninindigan sa panlahatang pagmamay-ari at sa prinsipyong "Mula sa bawat isa ayon sa kaniyang kakayahan, para sa bawat isa ayon sa kaniyang pangangailangan".

Kolonyalismo

Sistema ng ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa mundo kung saan direktang sinasakop ng malakas na bansa ang mga mahihinang bansa upang gamitin at mapakinabangan ang mga ito.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Sullivan, arthur; Steven M. Sheffrin (2003). Economics: Principles in action. Upper Saddle River, New Jersey 07458: Prentice Hall. p. 23. ISBN 0-13-063085-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-20. Nakuha noong 2021-02-24.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link)