Ekonomiya ng Berlin
Ang ekonomiya ng Berlin ay pinangungunahan ng sektor ng serbisyo, na may humigit-kumulang 84% ng lahat ng kompanya na nagnenegosyo sa mga serbisyo. Kabilang sa mahahalagang sektor ng ekonomiya sa Berlin ang mga agham pambuhay, transportasyon, impormasyon at mga teknolohiya sa komunikasyon, media at musika, pagtatalastas at disenyo, biyoteknolohiya, mga serbisyong pangkapaligiran, konstruksiyon, e-komersiyo, retail, negosyo sa hotel, at inhinyeriyang medikal.[1]
Matapos ang muling pag-iisang Aleman noong 1990, muling itinatag sa lungsod ang malaking serbisyo, teknolohiya, at malilikhaing sektor. Ilang kompanya ang muling nagbukas ng pangalawang himpilang pangnegosyo o satellite na tanggapan sa Berlin. Ilang pangunahing kompanya ng Aleman ay itinatag sa Berlin, tulad ng Siemens, Deutsche Bank, Lufthansa, Allianz, AEG, Telefunken, Osram, Knorr-Bremse, at Edeka.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Berlin ay itinatag sa isang punto kung saan ang mga ruta ng kalakalan ay tumawid sa ilog Spree at ito ay mabilis na naging sentro ng komersiyo. Sa unang bahagi ng modernong panahon, umunlad ang lungsod mula sa papel nito bilang kabeserang Pruso sa pamamagitan ng paggawa ng mga mararangyang likha para sa korteng Pruso at mga supply para sa militar ng Prusya.
Lakas-paggawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bilang ng kabuuang empleyado (III/2021): 2,098,400 mamamayan[2]
- Mga bagong trabaho noong 2016: +46,200 (+2.5%)[3]
- Tantos ng kawalan ng trabaho (Disyembre 2021): 8.8%[4]
- Bilang ng mga taong walang trabaho (Disyembre 2021): 179,291[5]
- Bilang ng mga alok na trabaho sa Berlin at Brandeburgo noong 2017: 46,000[6]
Turismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Berlin ay mayroong 788 hotel na may 134,399 na kama noong Disyembre 2014.[7] Noong 2016, ang mga bilang ng bisita para sa Berlin ay bumasag sa rekord na may 31.1 milyong gabihang nanatili (+2.7%) at 12.9 milyong bisita sa hotel (+2.9%). Ang Berlin ay may taunang kabuuang tinatayang 135 milyong bisitang araw, na naglalagay dito sa ikatlong puwesto sa mga pinakabinibisitang destinasyon ng lungsod sa Europa. Binubuo ng mga pandaigdigang bisita ang 46 porsiyento ng mga nanatili sa gabi noong 2016. Ang pinakamalaking grupo ng bisita ay mula sa Alemanya, Nagkakaisang Kaharian, Estados Unidos, España, Italya, Olanda, Pransiya, Suwisa, Dinamarka, Suwesya, at Polonya.[8]
Media
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Berlin ay tahanan ng maraming pandaigdigan at rehiyonal na istasyon ng telebisyon at radyo.[9] Ang pampublikong broadcaster na RBB ay may punong-tanggapan sa Berlin gayundin ang mga komersiyal na broadcaster na MTV Alemanya, Comedy Central, at Welt. Ang Aleman na pampublikong pandaigdigang broadcaster na Deutsche Welle ay mayroong yunit ng produksiyong pantelebisyon nito sa Berlin, at karamihan sa mga pambansang Aleman na broadcaster ay may estudio sa lungsod kasama ang RTL, Das Erste, at ZDF.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Poor but sexy". The Economist. 21 Setyembre 2006. Nakuha noong 19 Agosto 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Erwerbstätige am Arbeitsort in Berlin und Brandenburg – Vierteljahresergebnisse".
- ↑ "Jobwunder in Berlin: Rekord bei Erwerbstätigen". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-02. Nakuha noong 2022-08-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Zahl der Arbeitslosen sinkt in Berlin und steigt in Brandenburg". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-08-15. Nakuha noong 2022-08-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Zahl der Arbeitslosen sinkt in Berlin und steigt in Brandenburg". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-08-15. Nakuha noong 2022-08-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 46.000 Stellen sind in Berlin und Brandenburg nicht besetzt
- ↑ "Strong tourism and convention destination Berlin". visitBerlin. Nakuha noong 13 Agosto 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Briten, Spanier und Amerikaner führen Tourismus-Statistik an, Tagesspiegel, retrieved 22 February 2017
- ↑ "Media Companies in Berlin and Potsdam". medienboard. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hunyo 2013. Nakuha noong 19 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)