Ekstremopilo
Ang ekstremopilo (Ingles: extremophile, mula sa Latin na extremus na nangangahulugang "sukdulan" (extreme sa Ingles) at Griyegong philiā (φιλία) na nangangahulugang "pag-ibig") ay isang organismo na yumayabong (thrives) sa isang pisikal o geokemikal na sukdulan (extreme) na mga kondisyon na mapanganib sa karamihan sa buhay sa mundo. Salungat dito, ang mga organismong nabubuhay sa mga katamtamang kapaligiran ay tinatawag na mesophile o neutrophile.
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong maraming mga iba't ibang klase ng mga extremophile na sumasaklaw sa lahat ng lugar sa mundo na ang bawat isa ay tumutugon sa paraang ang kapaligirang niche ng mga ito ay iba sa mga mesophilikong mga kondisyon. Halimbawa, ang mga organismong nabubuhay sa loob ng mga mainit na lalim ng bato sa ilalim ng surpasiyo ng mundo ay parehong thermophiliko (thermophilic) at barophiliko (barophilic).
- Acidophilo (Ingles: acidophile): Ang organismong may optimal na paglo sa mga lebel ng pH ng 3 o mas mababa.
- Alkaliphilo (Ingles: alkaliphile): Ang organismong may optimal na paglago sa mga lebel ng pH na 9 pataas.
- Anaerobe: Ang organismong hindi nangangailangan ng oksiheno para sa paglago gaya ng Spinoloricus cinzia. Ang dalawang pang-ilalim (subtypes) na uri nito ay umiiral: facultative anaerobe at obligate anaerobe. Ang Facultative anaerobe ay maaaring magpahintulot (tolerate) ng anaerobic at aerobic na kondisyon samantalang ang obligate anaerobe ay mamatay sa presensiya ng kahit mga bakas na lebel ng oksiheno.
- Cryptoendolith: Ang organismong nabubuhay sa mga mikroskopikong mga espasyo sa loob ng mga bato gaya ng pres sa pagitan ng mga agregatong mga butil. Ang mga ito ay maaari ring tawaging Endolith na isang terminong kinabibilangan rin ng mga organismong nananahan(populating) sa mga fissure, aquifer at fault na napupuno ng tubiglupa (groundwater) sa malalim na mga subsurpasiyo.
- Halophilo (Ingles: halophile): Ang organismong nangangailangan ng hindi bababa sa 0.2M na konsentrasyon ng asin (NaCl) para sa paglago[1]
- Hyperthermophilo (Ingles: hyperthermophile): Ang organismong yumayabong sa mga temperatura sa pagitan ng 80–122 °C gaya ng matatagpuan sa mga sistemang hydrothermal.
- Hypolith: Ang organismong naububuhay sa ilalim ng mga bato sa malamig na mga disyerto.
- Lithoautotroph: Ang organismong ang karaniwan ay bacteria na ang tanging pinagkukunan ng carbon ay carbon dioxide at exergoniko inorganikong oksidasyon (chemolithotrophs) gaya ng Nitrosomonas europaea. Ang mga organismong ito ay may kakayahang maghango ng enerhiya mula sa nabawasang mineral na mga compound gaya ng pyrite at aktibo sa geokemikal na pagsisiklo at weathering ng magulang na bedrock upang bumuo ng lupa.
- Metallotolerant: Ang organismong may kakayahang magpahintulot ng mataas na mga lebel ng natunaw na mga mabigat na metal sa solusyon gaya ng copper, cadmium, arsenic, at zinc. Ang mga halimbawa nito ay kinabibilangan ng Ferroplasma sp. at Cupriavidus metallidurans
- Oligotroph: Ang organismong may kakayahang lumago sa limitado sa nutrisyong mga kapaligiran.
- Osmophilo (Ingles: osmophile) : Ang organismong may kakayahang lumago sa mga kapaligirang may mataas na konsentrasyon ng asukal.
- Piezophilo (Ingles: piezophile) : Ang organismong nabubuhay ng optimal sa mataas na hydrostatikong presyon. Ito ay karaniwan sa malalim na terrestrial na subsurpasiyon gayundin sa mga pangkaragatang trench.
- Polyextremophilo (Ingles: polyextremophile) : Ang organismo kwalipikado bilang extremophile sa ilalim ng higit sa isang kategorya.
- Psychrophilo/Cryophile (Ingles: Psychrophile) : Ang organismong may kakayahan ng pagpapatuloy (survive), paglago at pagpaparami sa mga temperaturang -15 °C o mas mababa sa mahabang mga panahon. Ito ay karaniwan sa mga malamig na lupa, permafrost, yelong polar, malamig na tubig ng karagatan at sa o ilalim ng alpine snowpack.
- Radioresistant: Ang organismong hindi tinatalaban ng mataas na mga lebel ng nag-iionisang radiasyon na ang pinakakaraniwan ang Ultrabiyoleta. Kabilang rin dito ang mga organismong may kakayahang mamuhay sa mga lugar na may nukleyar na radyasyon.
- Thermophile (Ingles: thermophile): Ang organismong yumayabong sa mga temperatura sa pagitan ng 60–80 °C
- Thermoacidophile (Ingles: thermoacidophile) : Kombinasyon ng thermophile at acidophile na nagnanais ng mga temperatura na 70–80 °C at pH sa pagitan ng 2 at 3.
- Xerophilo (Ingles: xerophile): Ang organismong maaaring lumago sa sukdulang tuyo (dry) na desikadong mga kondisyon. Ang uring ito ay hinahalimbawaan ng mga mikrobyo ng Disyerto ng Atacama.
- GFAJ-1: Ang organismo sa pamilyang Halomonadaceae na maaaring magpahintulot ng sukdulang mga antas (level) ng arseniko ngunit ang GFAJ-1 ay maaari pang karagdagang lumagpas sa kondisyong ito. Kapag ito ay ginutom ng phosphorus, ito ay maaaring magsama ng arsenic sa DNA nito at patuloy na lumago.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Cavicchioli, R. & Thomas, T. 2000. Extremophiles. In: J. Lederberg. (ed.) Encyclopedia of Microbiology, Second Edition, Vol. 2, pp. 317–337. Academic Press, San Diego.