Emperador ng Alemanya
Ang Emperador ng Alemanya (Aleman: Deutscher Kaiser, pagbigkas [ˌdɔɪ̯t͡ʃɐ ˈkaɪ̯zɐ] ( pakinggan)) ay ang opisyal na titulo ng pinuno ng estado at namamanang pinuno ng Imperyong Aleman. Isang partikular na piniling termino, ito ay ipinakilala sa Enero 1, 1871 na konstitusyon at tumagal hanggang sa opisyal na pagbibitiw ni Guillermo II noong Nobyembre 9, 1918.[1] Ang Banal na Romanong Emperador ay tinatawag ding "Aleman na Emperador" kapag malinaw ang historikal na konteksto, na hango sa opisyal na pangalan ng Banal na Imperyong Romano na "Banal na Imperyong Romano ng Bansang Aleman" mula 1512.
Kasunod ng rebolusyong 1918, ang pinuno ng estado ay ang pangulo ng Reich (Aleman: Reichspräsident), simula kay Friedrich Ebert.
Imperyong Aleman (1848–49)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagtatapos ng mga rebolusyon noong 1848 at sa panahon ng Imperyong Aleman (1848–49), si Haring Federico Guillermo IV ng Prusya ay inalok ng titulong "Emperador ng mga Aleman" (Aleman: Kaiser der Deutschen) ng Parlamento ng Francfort noong 1849, ngunit tinanggihan ito bilang "hindi ang Parlamento ang magbigay". Naniniwala si Federico Guillermo na ang mga prinsipe ng Aleman lamang ang may karapatang gumawa ng ganoong alok, alinsunod sa mga tradisyon ng Banal na Imperyong Romano.
Pagkalikha
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang titulo ay maingat na pinili ni Otto von Bismarck, Ministro Pangulo ng Prusya at Kansilyer ng Konfederasyong Hilagang Aleman, pagkatapos ng talakayan na nagpatuloy hanggang sa proklamasyon ni Haring Guillermo I ng Prussia bilang emperador sa Palasyo ng Bersalyes sa panahon ng Pagkubkob sa Paris. May pag-aalinlangang tinanggap ni Wilhelm ang titulong ito noong Enero 18, na pinili ang "Emperador ng Alemanya" (Aleman: Kaiser von Deutschland). Gayunpaman, iyon ay magiging hudyat ng soberanya ng teritoryo na hindi katanggap-tanggap sa mga monarko ng Timog Alemanya, gayundin ng pag-angkin sa mga lupain sa labas ng kaniyang kaharian (Austria, Suwisa, Luxemburgo, atbp.).[2][3]
Mga buong pamagat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga Emperador ng Alemanya ay may malawak na talaan ng mga titulo at pag-aangkin na nagpapakita ng heograpikal na kalawakan at pagkakaiba-iba ng mga lupaing pinamumunuan ng Kapulungan ng Hohenzollern.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pagsipi
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Statement of Abdication of Wilhelm II
- ↑ William Dawson (14 Hulyo 2017). History of the German Empire. Merkaba Press. p. 355.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Ernst Rudolf Huber: Deutsche Verfassungsgeschichte seit 1789. Band III: Bismarck und das Reich. 3rd edition, W. Kohlhammer, Stuttgart 1988, p. 750-753.
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Hull, Isabel V. (2004), The Entourage of Kaiser Wilhelm II, 1888–1918
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). - Horne, Charles F. (2009), Source Records of the Great War, Kessinger Publishing, ISBN 978-1104855536
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link).