Kaiser
Ang Kaiser ay ang pamagat o titulo sa wikang Aleman na may kahulugang "Emperador". Katulad ng Rusong Tsar (Czar), tuwiran itong hinango magmula sa pamagat ni Caesar ng mga Emperador ng Roma, na hinango naman magmula sa pangalang personal ng isang sangay ng gens (angkan) na Julia, kung saan nakaanib si Gaius Julius Caesar, ang ninuno ng unang mag-anak na pang-imperyo. Bagaman ang mga monarka ng Britanya na inestiluhan bilang "Emperador ng India" ay tinatawag ding "Kaisar-i-Hind" sa Hindi at sa Urdu, ang salitang ito, na bagaman lubos na may pinagsasaluhang magkatulad na simulaing Latin, ay hinango magmula sa Griyegong Kaisar, hindi mula sa Alemang Kaiser.[1]
Ang katagang ang Kaiser ay karaniwang nakalaan para sa mga emperador ng Imperyong Aleman, para sa mga emperador ng Imperyo ng Austria, at sa mga emperador ng Imperyong Austro-Unggaryo. Noong panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, ang katagang ang Kaiser - natatangi na ang paglalapat sa kay Wilhelm II ng Alemanya — ay nagkamit ng kaukulang mga pahiwatig na paninira ng dangal, partikular na sa mga bansang nagsasalita ng wikang Ingles: kung saan ang pariralang ang Kaiser ay katumbas ng Ingles na pariralang the Kaiser.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Witzel, M. "Autochthonous Aryans? The Evidence from Old Indian and Iranian Texts" Naka-arkibo 2013-05-23 sa Wayback Machine., p. 29, 12.1 (bilang Urdung kaisar).
Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- . Encyclopedia Americana. 1920.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.