Enrico Caruso
Enrico Caruso | |
---|---|
Kapanganakan | 24 Pebrero 1873
|
Kamatayan | 2 Agosto 1921[1] |
Libingan | Italya |
Mamamayan | Kaharian ng Italya |
Trabaho | mang-aawit sa opera |
Si Enrico Caruso (pagbigkas sa wikang Italyano: [enˈriːko kaˈruːzo]) (25 Pebrero 1873 – 2 Agosto 1921) ay isang tenor na Italyano. Ipinagbunyi ang kaniyang pag-awit sa mga tanghalan ng opera sa Europa, Hilagang Amerika, at Timog Amerika. Humaharap siya sa madla na gumaganap ng sari-saring mga gampanin mula sa mga repertoryong Italyano at Pranses na sumasaklaw magmula sa liriko hanggang sa dramatiko. Gumawa rin si Caruso ng humigit-kumulang na 290 mga rekord na pangkomersiyo magmula 1902 hanggang 1920. Lahat ng mga rekording na ito, na sumasakop sa halos kabuoan ng kaniyang karera sa tanghalan, ay makukuha sa ngayon na naka-CD at bilang mga download na dihital.
Ang pagrerekord ni Caruso ng "Vesti la giubba" noong 1904, mula sa operang Pagliacci ni Ruggero Leoncavallo, ay ang unang rekording o pagtatala ng tunog na naibentang umabot sa isang milyong mga kopya.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb124060028; hinango: 11 Oktubre 2015.
- ↑ Chronomedia, napuntahan noong 11 Setyembre 2007.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Musika at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- Articles with BNMM identifiers
- Articles with faulty LCCN identifiers
- All articles with faulty authority control information
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with Musée d'Orsay identifiers
- Articles with RKDartists identifiers
- Articles with ULAN identifiers
- Articles with BMLO identifiers
- Articles with DBI identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Articles with RISM identifiers
- Pages using authority control with parameters
- Ipinanganak noong 1873
- Namatay noong 1921
- Mga tao mula sa Naples
- Mga mang-aawit sa opera mula sa Italya
- Mga tenor mula sa Italya
- Mga tenor ng opera
- Mga namatay dahil sa peritonitis