Pumunta sa nilalaman

Epidemiyolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang epidemiyolohiya[1] ay ang pag-aaral na may kinalaman sa epidemya o mabilis na pagkalat ng mga nakakahawang sakit. Tinatawag na epidemiyolohista o epidemiyologo ang mga dalubhasa sa larangang ito. Ito ang pag-aaral hinggil sa mga bagay-bagay na nakakaapekto sa kalusugan at karamdaman ng populasyon, at nagsisilbing pundasyon at lohika ng mga interbensiyong isinasagawa para sa kapakanan ng kalusugang pampubliko at medisinang prebentibo. Itinuturing ito bilang isa sa mga pinagsimulang metodolohiya ng pananaliksik na nauukol sa kalusugan ng publiko, at may-kataasang itinuturing sa panggagamot na batay sa mga ebidensiya para sa pagkilala ng mga bagay na nakapagbibigay ng panganib na pangkaramdaman at sa pagsusuri at pagkilala ng mga higit na mainam na mga gawi sa pagbibigay ng lunas sa mga gawaing klinikal.

Sa mga gawaing may kaugnayan sa mga nakakahawa at hindi-nakakahawang mga sakit, nasasaklawan ng mga gawain ng mga epidemiyolohista ang panahon ng pagsisimula ng mga karamdaman magpahanggang sa disensyo, pagtitipon ng mga datos, at pagsusuri kabilang ang pagunlad ng mga modelong estadistiko upang masubukan ang hipotesis, at ang dokumentasyon o pagtatala ng mga resulta para sa pagpapasa at dagdag na mga pagsusuri ng iba pang mga kasamahan sa larangan. Maaaring humango ng mga kaalaman ang mga epidemiyologo mula sa isang bilang ng iba pang mga disiplinang pang-agham katulad ng biyolohiya para sa pag-unawa ng mga proseso ng mga karamdaman, at maging mula sa mga agham na panlipunang katulad ng sosyolohiya at pilosopiya upang higit na maintindihan ang mga kalapit at hindi-kaugnay na mga bagay.

  1. Epidemiology, epidemiyolohiya, epidemiologist Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., Gabby's Dictionary, GabbyDictionary.com

General Journals

[baguhin | baguhin ang wikitext]

| style="width: 50%;text-align: left; vertical-align: top; " | Specialty journals:

|}

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.