Sulat ni Santiago
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang Sulat ni Santiago (pangkaraniwang pamagat) o "Sulat ni Jacobo" (hindi pangkaraniwang pamagat) ay aklat sa Bagong Tipan na isinulat ni Santiago na kapatid ni Hesus (kilala rin bilang Santiago ang Bata[1] o "Jacobo"). Kilala ang sulat na ito sa Ingles bilang Letter of James.[2]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]May pagkakatulad ang Sulat ni Santiago sa mga Sulat ni San Pablo sapagkat naisulat ito, kasama ng iba pang tinaguriang mga Katolikong Sulat o mga Sulat Pandaigdig dahil sa partikular na suliranin o mga pagtatalong pangteolohiya sa loob ng unang mga Simbahan.[2] Binigyang diin ng Sulat ni Santiago ang paggawa ng mabuti kasama ng pananampalatay at pananalig, na mahalaga sa pagiging masigla at makarelihiyon ng mga Kristiyano.[2]
Mga payo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagsulat ng Sulat ni Santiago, ipinayo ni Santiagong kapatid ni Hesus sa mga unang Kristiyano ang mga sumusunod:[1]
- Na nasa pagtitiis at mga pagsubok sa gawain ng kabanalan ang totoong kaligayahan
- Na nasa pag-iwas mula sa makamundong mga hangarin, mabubuting mga gawain, at pagpipigil ng dila (pagpigil sa pagsasalita ng masama) ang totoong kabanalan at tunay na relihiyon
- Na nakakamtan ang totoong karunungan magmula sa tatlong bagay: pagpigil ng damdaming masimbulo o marahas, pagtakwil sa kayamanan, at pagbabata o pagtitiis
- Ipinayo rin niya ang hinggil sa pakikitungo sa mga may karamdaman, tungkol sa pagdarasal, at ukol sa pagtulong sa mga kapatid sa pananampalataya na naliligaw o nagkakamali ng landas
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Sulat ni Santiago". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1766. - ↑ 2.0 2.1 2.2 "Letter of James". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), New Testament, Bible, pahina 162.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sulat ni Santiago (James), mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Sulat ni Santiago, Buong Bibliya sa wikang Tagalog, mula sa AngBiblia.net
- Tagalog (John and James) Bible, Tagalog na Bibliya (Juan at Jacobo [o Santiago] lamang) na nasa pampublikong dominyo, mula sa HtmlBible.com at JohnHurt.com.
- Santiago, Ang Salita ng Diyos (SND, 1998), Bibliyang Tagalog sa Internet (Bagong Tipan), BiblesInternational, BibleGateway.com