Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng España

Mga koordinado: 14°36′43.96″N 120°59′48.82″E / 14.6122111°N 120.9968944°E / 14.6122111; 120.9968944
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
España
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Plataporma ng estasyon ng España
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonBulebar Espanya
Sampaloc, Maynila
Koordinato14°36′43.96″N 120°59′48.82″E / 14.6122111°N 120.9968944°E / 14.6122111; 120.9968944
Pagmamayari ni/ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Linya     Linyang Patimog ng PNR
PlatapormaMga platapormang pagilid
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNasa lupa
Akses ng may kapansananOo
Ibang impormasyon
KodigoSPÑ
Kasaysayan
Nagbukas1977
Muling itinayo1990, 2009
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
patungong Governor Pascual
Governor Pascual-FTI Shuttle
patungong FTI
patungong Tutuban
Metro Commuter
patungong Alabang o Calamba
patungong Tutuban
Bicol Express
patungong Legazpi
Isarog Limited
patungong Naga

Ang estasyon ng España ay isang estasyon ng Katimugang Pangunahing Linya (South Main Line) o Patimog na Linya (Southrail Line) ng PNR. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa ang estasyon ng España. Matatagpuan ito sa tabi ng Bulebar Espanya sa distrito ng Sampaloc, Maynila, kung saang hango ang pangalan nito. Malapit din ito sa Abenida Lacson.

Ang estasyon ay ang ika-apat na estasyon para sa patimog na treng PNR mula sa estasyong Tutuban. Ang susunod na estasyong daangbakal mula rito ay ang estasyong Santa Mesa sa Santa Mesa, Maynila, at ang nakaraang estasyon ay ang estasyong Laon Laan sa Sampaloc, Maynila.

Mga kalapit na pook-palatandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga kilalang pook na malapit sa estasyon ay ang Pamantasan ng Santo Tomas (UST), Paaralang Dominikano ng Maynila, Mataas na Paaralan ng Ramon Magsaysay, Mababang Paaralan ng Legarda, at Toreng España.

Mga kawing pantransportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinagsisilbihan ang estasyong España ng mga bus at dyipni na dumadaan sa mga ruta sa kahabaan ng Bulebar Espanya. Nagsisilbi rin ang mga sasakyang de-padyak sa paligid ng estasyon.

Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang tren na paparating sa estasyong España.
L1
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←)
Plataporma B PNR Metro Commuter patungong Alabang (→)
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L1 Lipumpon/
Daanan
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Pamantasan ng Santo Tomas, Paaralang Dominikano ng Maynila, Mataas na Paaralan ng Ramon Magsaysay, Mababang Paaralan ng Legarda, Toreng España