Estasyon ng Pasay Road
Pasay Road | ||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pambansang Daambakal ng Pilipinas | ||||||||||||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | ||||||||||||||||||||
Lokasyon | Estacion Street Pio del Pilar, Makati | |||||||||||||||||||
Koordinato | 14°32′58.68″N 121°0′44.22″E / 14.5496333°N 121.0122833°E | |||||||||||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Pambansang Daambakal ng Pilipinas | |||||||||||||||||||
Linya | Linyang Patimog Linyang Culi Culi-Palapagang Nielson (wala na) | |||||||||||||||||||
Plataporma | 1 platapormang pagilid at 1 platapormang pagitna | |||||||||||||||||||
Riles | 2, 1 reserba | |||||||||||||||||||
Konstruksiyon | ||||||||||||||||||||
Uri ng estruktura | Nasa lupa | |||||||||||||||||||
Akses ng may kapansanan | Oo | |||||||||||||||||||
Ibang impormasyon | ||||||||||||||||||||
Kodigo | PRD | |||||||||||||||||||
Kasaysayan | ||||||||||||||||||||
Nagbukas | Hunyo 21, 1908 | |||||||||||||||||||
Muling itinayo | 1975, 2009 | |||||||||||||||||||
Dating pangalan | Culi Culi (1908) Pio del Pilar (1975) | |||||||||||||||||||
Serbisyo | ||||||||||||||||||||
|
Ang Pasay Road ay isang estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding "Linyang Patimog" o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa ang estasyong ito. Matatagpuan ang estasyon sa Kalye Estacion (na tinatawag ding Calle Estacion) sa Barangay Pio del Pilar sa Makati, kung saan isa ito sa dalawang estasyon (ang isa pa ay ang Santa Mesa) na may sariling daan. Ipinangalan ito sa Daang Pasay (Pasay Road), ang dating pangalan ng bahaging Makati ng Abenida Arnaiz.
Ang estasyon ay ang ikasampung estasyon patimog mula sa Tutuban at ang isa sa tatlong mga estasyon na naglilingkod sa lungsod ng Makati, ang dalawa pang estasyon ay Buendia (ngayon Dela Rosa) at EDSA. Ito ang tanging estasyon ng Makati at ng bahaging España-Alabang na nagsisilbi sa mga treng pangkalunsuran, bilang isang lugar ng paghinto para sa Bicol Express at Mayon Limited.
Bilang karagdagan sa pagkakaroon nito ng sariling dedikado na access road, ang estasyon ng Pasay Road ay isa rin sa tatlong mga estasyon (ang iba ay Santa Mesa at España) na idinugtong at itinaas ang mga orihinal na plataporma upang mapaunlakan ang bagong mga pangmaramihang diesel na yunit ng PNR. Pinanatili ang mga orihinal na plataporma para sa paggamit ng mga lokomotibong Commuter Express at lalo na para sa mga treng pangkalunsuran.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang estasyong Pasay Road (noon'y estasyong Culi-Culi) ay binuksan noong Hunyo 21, 1908.
Ang gusali ng estasyon at mga plataporma ay ikinumpuni noong 1975 (bilang estasyong Pio Del Pilar) kasunod ng pagdodoble ng mga riles mula Paco hanggang sa estasyong ito. Pinahaba ang pagdodoble ng mga riles ng Pangunahing Linyang Patimog, at umabot ito sa Sucat pagsapit ng taong 1978.
Itinayo ang isang bagong plataporma noong 2009 sa hilaga ng gusali ng estasyon.
Mga kalapit na pook-palatandaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malapit ito sa Don Bosco Technical Institute, Makati Cinema Square, Waltermart Makati at ilang mga iniuusbong na mga kondominyum kapuwang tapos na at itinatayo, tulad ng The Columns Legazpi Village, Cityland Pasong Tamo Tower, Avida Towers San Lorenzo at The Beacon. May kalayuan mula sa estasyon ay ang Sentrong Ayala, Makati Central Business District, Museo ng Ayala, iba pang mga inuusbong na mga kondominyum tulad ng The Shang Grand Tower at ng Toreng BSA, at mga pangunahing gusaling pang-opisina tulad ng Ayala Tower One at ng Philamlife Tower.
Mga kawing pantransportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mapupuntahan ang estasyong Pasay Road gamit ang mga dyipning dumadaan sa mga ruta ng Abenida Chino Roces at Abenida Arnaiz, gayundin ang mga bus na dumadaan sa ruta ng South Luzon Expressway.
Pagkakaayos ng Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]L1 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Plataporma A | PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←) | |
Plataporma B | PNR Metro Commuter patungong Alabang (→) | |
Platapormang pagitna, maaaring magbukas ang mga pinto sa kaliwa o sa kanan | ||
Plataporma B | PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←) o Alabang (→) | |
L1 | Lipumpon/ Daanan |
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Suriang Teknikal ng Don Bosco Technical, Makati Cinema Square, Waltermart Makati, The Columns Legazpi Village, Toreng Cityland Pasong Tamo, Mga Tore ng Avida San Lorenzo, The Beacon, Sentrong Ayala, Museong Ayala, Unang Tore ng Ayala, Toreng Philamlife |