Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Recto

Mga koordinado: 14°36′12.59″N 120°59′00.25″E / 14.6034972°N 120.9834028°E / 14.6034972; 120.9834028
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Estasyong Recto ng LRT)
Recto
Manila MRT Line 2
Estasyon ng Recto
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonAbenida Recto
Santa Cruz, Manila
Koordinato14°36′12.59″N 120°59′00.25″E / 14.6034972°N 120.9834028°E / 14.6034972; 120.9834028
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon
Pinapatakbo ni/ngSistema ng Light Rail Transit ng Maynila
LinyaMRT-2
PlatapormaGilid ng batalan
Riles2
KoneksiyonPaglipat sa Linyang Lunti sa pamamagitan ng taas na lakaran papuntang Estasyon ng Doroteo Jose.
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaTulay (overpass)
Akses ng may kapansananMayroon
Ibang impormasyon
KodigoRe
Kasaysayan
NagbukasOktubre 29, 2004

Ang Estasyon ng Recto o Himpilang Recto ay isang estasyon sa Linyang Bughaw (MRT-2). Ang himpilang Recto ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa Sta. Cruz sa Maynila at ipinangalan sa Abenida Recto, kung saan nakaupo ang himpilan. Ipinangalan naman ang abenida kay Claro M. Recto, isang sikat na politiko.

Ang himpilang Recto ay ang kanlurang hangganan ng MRT-2 kung saan nagwawakas ang ruta ng mga treng MRT-2 mula sa Antipolo. Ito rin ang unang himpilan para sa mga tren na patungong Antipolo.

Malapit ang himpilan sa Ospital na Pangalaala ng Fabella o Fabella Memorial Hospital at sa Kulungan ng Maynila (Kulungang Bilibid) kung saan itinatago ang mga kriminal sa Maynila.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga sasakyang de-padyak, dyip, taksi, at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa isang himpilang pantransportasyon sa labas ng estasyon. Ang himpilang iyon ay matatagpuan sa Abenida Recto.

May isang tulay rin na nagdudugtong sa Himpilang Recto ng Linyang Murado sa Himpilang Doroteo Jose ng Linyang Luntian. Pwedeng sumakay ang mga pasahero ng mga tren ng Linyang Dilaw patungong Baclaran o Monumento sa pagdaan sa tulay na ito.

Balangkas ng estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L4
Batalan
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Batalan A Ika-2 Linya papuntang Santolan
Batalan B Ika-2 Linya papunta sa pagpapalit ng riles →
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L3 Lipumpon Faregate, Bilihan ng Tiket, Sentro ng Estasyon, Tindahan
L2 Tawiran/
Tulay
Tawiran, Tulay papuntang Estasyon ng Doroteo Jose ng LRT-1, Tulay papuntang Odeon Terminal Mall
L1 Daanan Isetann Recto, Odeon Terminal Mall, Nice Hotel

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]