Pumunta sa nilalaman

Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Estasyong Doroteo Jose ng LRT)
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Buod
UriMetro
KalagayanGumagana
LokasyonKalakhang Maynila
HanggananDr. Santos (Unang linya), Antipolo (Ikalawang linya)
Fernando Poe Jr. (Unang linya), Recto (Ikalawang linya)
(Mga) Estasyon38
(Mga) Serbisyo2
Araw-araw na mananakay2.8 milyon (2013)
Operasyon
Binuksan noong1 Disyembre 1984
May-ariPangasiwaan ng Light Rail Transit
(Mga) NagpapatakboPangasiwaan ng Light Rail Transit
Ginagamit na trenUnang linya (LRT-1):
ACEC
Hyundai Precision/Adtranz
Kinki Sharyo/Nippon Sharyo

Ikalawang linya (MRT-2):
Hyundai Rotem
Teknikal
Haba ng linyaLagpas 31 km (19 mi);
34.5 km (21.4 mi) nang matapos ang pagpapahaba
Luwang ng daambakal1,435 mm (4 ft 8 12 in)
Bilis ng pagpapaandar40 km/h (25 mph)* hanggang 80 km/h (50 mph)*
Mapa ng ruta
Manila Light Rail Transit System
 1 
 2 
Roosevelt
Santolan
Balintawak
Ilog Marikina
North Luzon
Expressway
Katipunan
Malvar
Anonas
Monumento
Araneta Center-Cubao  3 
5th Avenue
Betty Go-Belmonte
R. Papa
Gilmore
Abad Santos
J. Ruiz
 PNR 
Blumentritt
V. Mapa
Tayuman
Pureza  PNR 
Bambang
Legarda
Doroteo Jose
Recto
Carriedo
Ilog Pasig
Central Terminal
United Nations
Pedro Gil
Quirino Avenue
Vito Cruz
Gil Puyat
Libertad
 3 
EDSA
Baclaran

Ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila[1] (Ingles: Manila Light Rail Transit System) ay ang pangunahing pangkalakhang sistema ng transportasyong daangbakal na naglilingkod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. May dalawang linya ang LRTA: ang LRT-1, na tinatawag bilang Linyang Berde, at ang MRT-2, na tinatawag bilang Linyang Bughaw. Bagaman kinikilala ang sistema bilang isang sistema ng "magaang riles" (light rail), maaaring dahil sa pagiging angat ng sistema, maituturing na mas malapit sa isang metro sa terminolohiyang Europeo-Hilagang Amerikano ang mga linya ng LRTA. Ang sistema ng LRTA ay ang unang sistema ng metro sa timog-silangang Asya, na itinayo na mas maaga pa kaysa sa MRT ng Singgapur ng tatlong taon. Walang kaugnayan ang LRTA sa Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila (MRTC), o ang Linyang Dilaw, na bumubuo ng sistemang magkaiba ngunit magkaugnay.

Isang bahagi ang mga linya nito sa imprastruktura ng transportasyong daangbakal ng Kalakhang Maynila, na kilala bilang Sistemang Panlulan ng Matatag na Republika (SRTS),[2] at pangkalahatang sistema ng pampublikong transportasyon. Bagaman isa sa orihinal na adhika ng sistema ay bawasan ang antas ng paninikip ng trapiko sa kalakhan, marami sa mga pasahero na sumasakay sa mga linya nito ay gumagamit rin ng iba't-ibang uri ng pampublikong transportasyon sa daan, tulad ng mga bus, upang maiabot ang kanilang paroroonan mula sa isang estasyon ng tren at bise-bersa. Habang bumubuo ito ng isang komprehensibong sistema ng transportasyong naglilingkod sa maraming bahagi ng Kalakhang Maynila, bahagyang matagumpay lamang ang sistema sa pagbawas ng antas ng paninikip ng trapiko at sa pagbilis ng paglalakbay, na tuluyang lumalala dahil sa pagtaas ng bilang ng mga sasakyan sa Kalakhang Maynila.[3] Ang paglawak ng sistema, na isinusulong ng mga sunud-sunod na administrasyon mula pa sa pagkatatag ng LRTA, ay nakatuon sa resolusyon ng problemang ito.

Ang sistema ay nasa pamamahala ng Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA), isang pampublikong kompanya na sa ilalim ng awtoridad ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC) bilang isang kabit na ahensiya.

Sistema ng mga linya ng LRTA

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kasalukuyang mapang pansistema ng mga linya ng LRTA

Ang sistema ng LRTA ay binubuo ng dalawang linya: ang Linyang Berde at ang Linyang Bughaw. Binubuo ang Linyang Berde ng 20 estasyon sa isang direksiyong pahilaga-timog sa ibabaw ng 17.2 kilometro ng naka-angat na riles. Nagsisimula ang linya sa Baclaran at nagwawakas sa Roosevelt. Binubuo naman ang Linyang Bughaw ng 11 estasyon sa direksiyong pakanluran-silangan sa ibabaw ng 13.8 kilometro ng riles na, sa pangkalahatan, naka-angat, ngunit ang estasyong Katipunan ay nasa ilalim ng lupa. Nagsisimula ang linya sa Recto at nagwawakas sa Santolan. Sa kabuuan, ang sistema ay may 31 estasyon sa ibabaw ng 31 kilometro ng riles, na dumadaan sa mga lungsod ng Caloocan, Maynila, Marikina, Pasay, Pasig, Lungsod Quezon at San Juan.

Bagaman dalawang estasyon lamang ay umiiral bilang estasyong panlulan sa pagitan ng Linyang Berde at Bughaw: ang estasyong Doroteo Jose at Recto, ang estasyong Sentrong Araneta-Cubao at EDSA ay naglilingkod rin bilang estasyong panlulan sa pagitan ng sistemang LRT at ng Linyang Dilaw, habang naglilingkod naman ang Blumentritt bilang estasyong panlulan sa pagitan ng LRT at ng Pambansang Daangbakal ng Pilipinas (PNR). May anim na estasyong terminal rin ang sistema: Baclaran, Terminal Sentral (Central Terminal) at Monumento para sa Linyang Berde; at Recto, Sentrong Araneta-Cubao and Santolan naman para sa Linyang Bughaw. Lahat ng mga estasyong terminal ay inilaan rin bilang pusod ng transportasyon, kung saan ang mga pasahero ay maaaring kumuha ng ibang uri ng pampublikong transportasyon sa mga lugar papunta at paalis ng estasyon.

Bukas ang dalawang linya mula 5:00 n.u. PST (UTC+8) hanggang 9:30 n.g. para sa Linyang Berde at 10:00 n.g. para sa Linyang Bughaw. Sa Sabado at Linggo, tumatakbo ang Linyang Bughaw sa pinaiksing talatakdaan na mula 6:00 n.u. hanggang 8:00 n.g. Kapag kinakailangan, inihayayag sa pamamagitan ng sistema ng pampublikong pagpapahayag sa bawat estasyon at sa websayt ng LRTA ang mga natatanging talatakdaan.

Bukas ang mga linya bawat araw ng taon maliban sa mga petsang maihahayag. Gayunpaman, sarado ang sistema habang Semana Santa para sa taunang pangangalaga at pagpapaayos, na dahil sa mas mababang bilang ng mga pasahero sa Kalakhang Maynila na gagamit ng sistema, at dahil sa mas mababang antas ng paninikip ng trapiko. Bumabalik ang normal na pagpapatakbo pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]