Estasyon ng EDSA ng LRT

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Estasyong EDSA ng LRT)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
 EDSA 
Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila
EDSA LRT Station, Pasay City in 2011.jpg
Plataporma sa Estasyong EDSA
Estadistika ng estasyon
Direksiyon Taft Avenue, San Rafael,
Lungsod ng Pasay
Linya Unang Linya ng LRT
Koneksiyon Maaaring lumipat patungong Linyang Dilaw sa pamamagitan ng isang nakaangat na walkway patungong Estasyong Taft Avenue
Istruktura Nakaangat
Plataporma Mga plataporma sa gilid
Riles 2
Pagsisiyasat ng bagahe Yes
Iba pang impormasyon
Binuksan Disyembre 1, 1984
Aksesibilidad Handicapped/disabled access
Kodigo ED
Pagmamay-ari ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (DOTC)
Pangasiwaan ng Magaan na Riles Panlulan (LRTA)
Mapa
Unang Linya ng LRT
aprobadong
pagpapahaba
North Avenue  MRT-3 
Roosevelt
Balintawak
North Luzon
Expressway
Malvar
Monumento
5th Avenue
R. Papa
Abad Santos
Blumentritt  PNR 
Tayuman
Bambang
Doroteo Jose  MRT-2 
Carriedo
Ilog Pasig
Central Terminal
United Nations
Pedro Gil
Quirino Avenue
Vito Cruz
Gil Puyat
Libertad
EDSA  MRT-3 
Depot
Baclaran
Redemptorist
planadong pagpapahaba
Manila International AirportNinoy Aquino International Airport
Asia World
Ninoy Aquino
Dr. Santos
Manuyo Uno
Las Piñas
Zapote
Talaba
Niog
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
toward Roosevelt
LRT-1
Terminus
Huling estasyon   Manila MRT   Susunod na estasyon
toward North Avenue
MRT-3
Transfer at: Taft Avenue
Terminus

Ang Estasyong EDSA ng LRT (o tinatawag ding Estasyong Abenidang E. Delos Santos ng LRT) ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Tulad ng iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong EDSA. Matatagpuan ito sa sangandaan ng Abenida Taft at Abenida Epifanio de los Santos o EDSA, isa sa mga pangunahing lansangan sa Kamaynilaan. Ipinangalan ang estasyon sa Abenida Epifanio de los Santos, na pinangalanan naman kay Epifanio de los Santos, isang kilalang mananalaysay.

Nagsisilbi bilang panlabing-siyam na estasyon ang estasyong EDSA para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pangalawang estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt. Isa ang EDSA sa mga apat na estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod ng Pasay, ang iba pa ay Gil Puyat, Libertad at Baclaran.

Mga kalapit na pook-palatandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Malapit ito sa Metropoint Mall at Saver's Square, kapuwang kilalang-kilala sa mga mananakay; at Winston Lodge at isang sangay ng Sogo Hotel, dalawa sa mga maraming otel na matatagpuan sa EDSA malapit sa estasyon. Ito rin ang estasyon para sa mga papuntang SM Mall of Asia, Heritage Hotel, San Juan de Dios Hospital and College at Manila Tytana College (dating Manila Doctors College).

Mga kawing pangpanlalakbay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang walkway na naguugnay ng Estasyong EDSA ng LRT at Estasyong Taft Avenue ng MRT.

Ang Estasyong EDSA ay pinagsisilbihan ng maraming bus, dyipni, at taksi sa mga ruta ng EDSA at Abenida Taft, na may mga hintuan malapit sa estasyon. Karamihan sa mga panlalawigan na linya ng bus, tulad ng Victory Liner (na nagsisilbi sa Hilagang Luzon) at Philtranco (na nagsisilbi naman sa Katimugang Luzon at nalalabing bahagi ng Pilipinas), ay may mga terminal ng bus malapit sa estasyon. Ang mga bus at dyipni mula sa estasyon ay dumadaan sa maraming lugar sa Kalakhang Maynila, tulad ng Pasay, Muntinlupa (Sucat at Alabang), Taguig, Parañaque (Bicutan), SM Mall of Asia, Las Piñas, Maynila, Caloocan, at Makati, at gayundin mga katimugang lalawigan ng Kabite, Batangas, at Laguna.

Ang estasyon ay isa ring transfer point para sa mga mananakay na sasakay sa Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila na kilala rin bilang MRT-3. Nakakonekta ang estasyon sa Estasyong Taft Avenue ng MRT sa pamamagitan ng isang walkway na nakapaligid sa Metropoint Mall.

Pagkakaayos ng Estasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

L2
Mga plataporma
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, Linkbridge to Taft Avenue MRT Station, Metropoint Mall
L1 Daanan

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga koordinato: 14°32′19.77″N 121°00′02.46″E / 14.5388250°N 121.0006833°E / 14.5388250; 121.0006833