Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Libertad

Mga koordinado: 14°32′52.02″N 120°59′55.07″E / 14.5477833°N 120.9986306°E / 14.5477833; 120.9986306
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Libertad LRT Station)
Libertad
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Estasyong Libertad
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonKanto ng Abenida Taft at Abenida Arnaiz, Brgy. Santa Clara, Pasay
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaUnang Linya ng LRT
PlatapormaMga plataporma sa gilid
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNakaangat
Ibang impormasyon
KodigoLI
Kasaysayan
NagbukasDisyembre 1, 1984
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Dr. Santos

Ang Estasyong Libertad ng LRT (na kilala rin bilang Estasyong Antonio Arnaiz ng LRT, o sa payak na ngalan, Estasyong Arnaiz) ay isang estasyon sa Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRT-1). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Libertad. Matatagpuan ito sa kanto ng Abenida Taft at Abenida Arnaiz sa Lungsod ng Pasay. Ipinangalan ang estasyon mula sa dating pangalan ng bahaging Pasay ng Abenida Arnaiz, ang Calle Libertad. Ang pangalang Libertad naman ay mula sa salitang Kastila ng "kalayaan". Nanatili ang pangalang "Libertad" bilang pangalan ng pook na kinaroroonan ng estasyon.

Ito ay nagsisilbing pangwalong estasyon para sa mga tren na patungong Fernando Poe Jr., at ikalabingwalong estasyon para sa mga tren na patungong Dr. Santos.

Isa ang Libertad sa mga apat na estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod ng Pasay, ang iba pa ay Gil Puyat, EDSA at Baclaran.

Mga kalapit na palatandaang pook

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tanawin mula sa Estasyong Libertad.

Malapit sa estasyon ang Victory Pasay Mall, Masagana Citimall at Pamilihan ng Libertad. Malapit din ang St. Mary's Academy – Pasay, Pamantasan ng Lungsod ng Pasay, Pasay Chung Hua Academy at Philippine School for the Deaf. Ang mga pook na may-kalayuan at matatagpuan sa Bulebar Roxas, subalit nasa paligid pa rin ng estasyon, ay gusali ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, Annex ng Embahada ng Estados Unidos, Embahada ng Hapon, Cuneta Astrodome, Asian Institute of Maritime Studies at HK Sun Plaza.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga terminal ng bus para sa ilang mga linya ng bus malapit sa estasyon, at humihinto ang mga dyipni, taksi at traysikel sa estasyon at paligid nito. Subalit humihinto rin ang mga bus malapit sa estasyon, para sa mga riding bus na hindi humihinto sa mga kalapit na terminal.

Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L2
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr.
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, tulay papuntang Jackman Plaza Emporium
L1 Daanan Victory Pasay Mall, Masagana Citimall, Pamilihan ng Libertad

14°32′52.02″N 120°59′55.07″E / 14.5477833°N 120.9986306°E / 14.5477833; 120.9986306