Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Gil Puyat

Mga koordinado: 14°33′14.86″N 120°59′49.84″E / 14.5541278°N 120.9971778°E / 14.5541278; 120.9971778
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Estasyong Gil Puyat ng LRT)
Gil Puyat
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Estasyong Gil Puyat
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonKanto ng Abenida Taft at Karugtong ng Abenida Gil Puyat, San Isidro, Pasay
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaUnang Linya ng LRT
PlatapormaMga plataporma sa gilid
Riles2
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNakaangat
Ibang impormasyon
KodigoGP
Kasaysayan
NagbukasDisyembre 1, 1984
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Dr. Santos

Ang Estasyong Gil Puyat ng LRT (na minsang tinatawag na Estasyong Buendia ng LRT) ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong Gil Puyat. Matatagpuan ito sa Pasay at nakapangalan ito dahil matatagpuan ito sa ibabaw ng Abenida Gil Puyat. Ang mismong abenida ay ipinangalan mula sa yumaong senador at estadista na si Gil Puyat.

Ito ay nagsisilbing pangsiyam estasyon para sa mga tren na patungong Fernando Poe Jr., at ikalabim-pitong estasyon para sa mga tren na patungong Dr. Santos.

Isa ito sa mga apat na estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod ng Pasay, ang iba pa ay Libertad, Libertad at Baclaran.

Ang estasyon ay pangunahing transfer point para sa mga pasahero na papuntang Makati CBD (central business district).


Mga kalapit na palatandaang pook

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Malapit ang estasyon sa tanyag na Cartimar Shopping Center na kilala sa mga tindahan pang-alagang hayop nito, gayundin sa satelayt kampus ng Arellano University at kampus ng Philippine Law School. Malapit din ito sa Blessed Elena Academy, Pasay City Academy, Southeastern College, at Manila Adventist Medical Center (dating Manila Sanitarium). Di-kalayuan mula sa estasyon matatagpuan ang gusali ng Senado sa hugnayan ng GSIS, ang punong-tanggapan ng Philippine National Bank, World Trade Center Metro Manila at Star City sa hugnayan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, gayundin ang EGI Mall at Atrium Suites.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakatayo sa tabi ng estasyon ang isang terminal ng bus para sa kapuwa panlungsod at panlalawigan na mga bus. Humihinto rito ang mga bus na dumadaan sa rutang Buendia (Gil Puyat), gayundin ang mga bus na papuntang Batangas, Laguna, Quezon at Marinduque. Humihinto rin malapit sa estasyon ang mga bus na dumadaan sa ruta ng Abenida Taft.

Humihinto rin ang mga taksi, dyipni, at traysikel malapit sa estasyon, at naglilingkod sa mga mananakay na nakatira malayo sa estasyon.

Ang mga pinakamalapit na estasyon ng PNR at MRT ay matatagpuan may-kalayuan sa kahabaan ng Abenida Gil Puyat (Buendia), kapuwa matatagpuan sa Makati.

Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L2
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr.
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan Arellano University

14°33′14.86″N 120°59′49.84″E / 14.5541278°N 120.9971778°E / 14.5541278; 120.9971778