Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Taft Avenue (MRT)

Mga koordinado: 14°32′15.06″N 121°00′05.06″E / 14.5375167°N 121.0014056°E / 14.5375167; 121.0014056
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Taft Avenue MRT Station)
Taft Avenue
Manila MRT Line 3
Estasyong Taft Avenue
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonEDSA, San Roque, Pasay
Koordinato14°32′15.06″N 121°00′05.06″E / 14.5375167°N 121.0014056°E / 14.5375167; 121.0014056
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon
Metro Rail Transit Corporation
Pinapatakbo ni/ngMetro Rail Transit Corporation
LinyaMRT-3
PlatapormaPulong batalan
Riles2, 1 reserba
KoneksiyonPaglipat sa Linyang Lunti sa pamamagitan ng taas na lakaran papuntang Estasyon ng EDSA.
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNasa lupa
Akses ng may kapansananMayroon
Ibang impormasyon
KodigoTA
Kasaysayan
NagbukasHulyo 20, 2000

Ang Estasyong Taft Avenue o Himpilang Taft Avenue, ay isang estasyon sa Linyang Dilaw (MRT-3). Ang himpilan ay isa sa dalawang himpilang nasa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa Pasay at ipinangalan sa Abenida Taft kung saan nakaupo ang himpilan. Ipinangalan naman ang abenida kay William H. Taft, isang sikat na Amerikano noong panahon ng pamamalagi ng mga Amerikano sa bansa.

Ang himpilan ay ang timog na hangganan ng MRT-3 kung saan nagwawakas ang ruta ng mga treng MRT-3 mula sa Abenida North. Ito rin ang unang himpilan para sa mga tren na patungong Abenida North.

Malapit ang himpilan sa Simbahan ng Baclaran at sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino kung saan dumatading at umaalis ang mga pangunahing biyahe papasok at palabas ng bansa.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga sasakyang de-padyak, dyip, taksi, at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa isang himpilang pantransportasyon sa labas ng estasyon. Ang himpilang iyon ay matatagpuan sa Abenida Taft.

May isang tulay rin na nagdudugtong sa Estasyong Abenida Taft ng Linyang Bughaw sa Estasyong EDSA ng Linyang Lunti. Pwedeng sumakay ang mga pasahero ng mga tren ng Linyang Lunti patungong Baclaran o Monumento sa pagdaan sa tulay na ito.

Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L2 Lipumpon Faregates, Bilihan ng Tiket, Sentro ng Estasyon, Tindahan, Tulay papuntang Estasyon ng EDSA ng LRT-1, Tulay papuntang MetroPoint Mall
L1
Batalan
Batalan Ika-3 Linya papuntang North Avenue
Gilid ng batalan, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan o kaliwa
Batalan Ika-3 Linya papuntang North Avenue