Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng EDSA (LRT)

Mga koordinado: 14°32′19.77″N 121°00′02.46″E / 14.5388250°N 121.0006833°E / 14.5388250; 121.0006833
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Estasyon ng EDSA ng LRT)
EDSA
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Plataporma sa Estasyong EDSA
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonAbenida Taft, San Rafael,
Pasay
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaUnang Linya ng LRT
PlatapormaMga plataporma sa gilid
Riles2
KoneksiyonMaaaring lumipat patungong Linyang Dilaw sa pamamagitan ng isang nakaangat na walkway patungong Estasyong Taft Avenue
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNakaangat
Akses ng may kapansananYes
Ibang impormasyon
KodigoED
Kasaysayan
NagbukasDisyembre 1, 1984
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Dr. Santos
Huling estasyon   Manila MRT   Susunod na estasyon
patungong North Avenue
Line 3
Paglipat sa: Taft Avenue
Hangganan

Ang Estasyong EDSA ng LRT (o tinatawag ding Estasyong Abenidang E. Delos Santos ng LRT) ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Tulad ng iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong EDSA. Matatagpuan ito sa sangandaan ng Abenida Taft at EDSA, isa sa mga pangunahing lansangan ng kalakhang lungsod. Ipinangalan ang estasyon sa EDSA, na pinangalanan naman kay Epifanio de los Santos, isang kilalang mananalaysay.

Ito ay nagsisilbing pampitong estasyon para sa mga tren na patungong Fernando Poe Jr., at ikalabing-siyam na estasyon para sa mga tren na patungong Dr. Santos.

Isa ang EDSA sa mga apat na estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod ng Pasay, ang iba pa ay Gil Puyat, Libertad at Baclaran.

Mga kalapit na palatandaang pook

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Malapit ito sa Metropoint Mall at Saver's Square, kapuwang kilalang-kilala sa mga mananakay; at Winston Lodge at isang sangay ng Sogo Hotel, dalawa sa mga maraming otel na matatagpuan sa EDSA malapit sa estasyon. Ito rin ang estasyon para sa mga papuntang SM Mall of Asia, Heritage Hotel, San Juan de Dios Hospital and College at Manila Tytana College (dating Manila Doctors College).

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang walkway na naguugnay ng Estasyong EDSA ng LRT at Estasyong Taft Avenue ng MRT.

Ang Estasyong EDSA ay pinagsisilbihan ng maraming bus, dyipni, at taksi sa mga ruta ng EDSA at Abenida Taft, na may mga hintuan malapit sa estasyon. Karamihan sa mga panlalawigan na linya ng bus, tulad ng Victory Liner (na nagsisilbi sa Hilagang Luzon) at Philtranco (na nagsisilbi naman sa Katimugang Luzon at nalalabing bahagi ng Pilipinas), ay may mga terminal ng bus malapit sa estasyon. Ang mga bus at dyipni mula sa estasyon ay dumadaan sa maraming lugar sa Kalakhang Maynila, tulad ng Pasay, Muntinlupa (Sucat at Alabang), Taguig, Parañaque (Bicutan), SM Mall of Asia, Las Piñas, Maynila, Caloocan, at Makati, at gayundin mga katimugang lalawigan ng Kabite, Batangas, at Laguna.

Ang estasyon ay isa ring transfer point para sa mga mananakay na sasakay sa Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila na kilala rin bilang MRT-3. Nakakonekta ang estasyon sa Estasyong Taft Avenue ng MRT sa pamamagitan ng isang walkway na nakapaligid sa Metropoint Mall.

Pagkakaayos ng Estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L2
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr.
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, Estasyon ng Taft Avenue ng Linya 3, Metropoint Mall
L1 Daanan

14°32′19.77″N 121°00′02.46″E / 14.5388250°N 121.0006833°E / 14.5388250; 121.0006833