Pumunta sa nilalaman

Estasyon ng Araneta Center–Cubao (LRT)

Mga koordinado: 14°37′21.64″N 121°03′09.49″E / 14.6226778°N 121.0526361°E / 14.6226778; 121.0526361
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Araneta Center-Cubao
Manila MRT Line 2
Estasyon ng Araneta Center-Cubao
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonBulebar Aurora,
Cubao, Lungsod Quezon
Koordinato14°37′21.64″N 121°03′09.49″E / 14.6226778°N 121.0526361°E / 14.6226778; 121.0526361
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon
Pinapatakbo ni/ngSistema ng Light Rail Transit ng Maynila
LinyaMRT-2
PlatapormaGilid na batalan
Riles3 (1 reserba, 2 ginagamit)
KoneksiyonPaglipat sa Linyang Dilaw sa pamamagitan ng paglakad papuntang Estasyong ng Araneta Center-Cubao.
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaTulay (Overpass)
Akses ng may kapansananMayroon
Ibang impormasyon
KodigoAC
Kasaysayan
NagbukasAbril 5, 2003

Ang Estasyon ng Araneta Center-Cubao o Himpilang Araneta Center-Cubao ay isang estasyon sa Linyang Bughaw (MRT-2). Ang himpilan ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa Cubao sa Lungsod Quezon at ipinangalan sa sikat na pamilihan na Sentrong Araneta, at sa distrito kung saan ito naroroon na Cubao.

Nagsisilbi bilang pangwalong himpilan ang himpilang Sentrong Araneta-Cubao para sa mga treng MRT-2 na patungo sa Santolan at bilang pang-apat na himpilan para sa mga treng patungo sa Recto. Malapit ang himpilan sa Gateway Mall ng Sentrong Araneta at Diamond Mall.

Mga kawing pangpanlalakbay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May mga sasakyang dyip, taksi, at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa mga himpilan na malapit sa estasyon.

May tuluyang daan sa loob ng Sentrong Araneta na nagdudugtong sa Himpilang Sentrong Araneta-Cubao ng Linyang Bughaw sa Himpilang Sentrong Araneta-Cubao ng Linyang Dilaw. Pwedeng sumakay ang mga pasahero ng mga tren ng Linyang Dilaw patungong North Avenue o Taft Avenue sa pagdaan sa daan na ito.

Balangkas ng estasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
L3
Batalan
Gilid ng batalan, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
Batalan A Ika-2 Linya papuntang Antipolo
Batalan B Ika-2 Linya papuntang Recto
Gilid ng batalan, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
L2
Batalang Shuttle
Batalan C Ika-2 Linya papuntang Antipolo
Gilid ng batalan, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
L2 Lipumpon Faregate, Bilihan ng Tiket, Sentro ng Estasyon, Tindahan, Tulay papuntang Diamond Arcade, Tulay papuntang Gateway Mall, Tulay papuntang Estasyong Araneta-Center Cubao, Linyang Dilaw
L1 Daanan Gateway Mall, Diamond Arcade

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]