Estasyon ng Fernando Poe Jr.
Fernando Poe Jr. | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Ibang pangalan | FPJ | ||||||||||
Lokasyon | 1039 EDSA pgt. Abenida Roosevelt at Abenida Kongresyonal, Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay, Lungsod Quezon 1105 | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||
Linya | LRT Line 1 | ||||||||||
Plataporma | Mga plataporma sa gilid | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Koneksiyon | Waltermart North EDSA Jackman Emporium | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Overpass | ||||||||||
Akses ng may kapansanan | Yes | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | RV | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Oktubre 22, 2010 (unang pagbubukas) Disyembre 5, 2022 (muling pagbubukas) | ||||||||||
Nagsara | Setyembre 5, 2020 (pansamantala) | ||||||||||
Dating pangalan | Roosevelt (2010–2023) | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang Estasyong Fernando Poe Jr. ng LRT (tinatawag ding Estasyong FPJ) ay ang hilagang dulo ng Unang Linya ng LRT, at naitayo noong Line 1 North Extension Project. Binuksan ito noong Marso 22, 2010 bilang estasyong Roosevelt. Isa ito sa dalawang estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod Quezon, ang isa pa ay Balintawak.
Matatagpuan ito sa Barangay Ramon Magsaysay (Bago Bantay), Lungsod Quezon at mga kalapit na pook nito na Project 7 at Project 8 (Bahay Toro, Sangandaan, Baesa). Nakaugnay ito sa Abenida Kongresyonal at Abenida Roosevelt. Ipinangalan ang estasyon sa Abenida Roosevelt, na ipinangalan naman kay Pangulong Franklin Delano Roosevelt.
Noong Setyembre 5, 2020, pansamantalang isinara ang estasyong Fernando Poe Jr. para magbigay daan sa konstruksyon ng Unified Grand Central Station at ang linyang magkokonekta sa estasyon mismo. Sa pansamantalang pagsasara na ito, ang istasyon ng Balintawak ay muling nagsilbing hilagang hangganan ng linya.[1] Orihinal na nakaiskedyul hanggang Disyembre 28, 2020, ang pansamantalang pagsasara ay pinalawig hanggang sa karagdagang abiso. Muling binuksan ito noong Disyembre 5, 2022, 2 taon matapos pansamantalang isinara ito.[2]
Noong Agosto 20, 2023, ang dating estasyong Roosevelt ay muling pinangalanan bilang estasyong Fernando Poe Jr. (FPJ), na halos 2 taon matapos muling pinangalanan ang isang abenida sa kalapit na istasyon.[3]
Mga kalapit na palatandaang pook
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakakonekta ang estasyon sa Waltermart North EDSA Mall at Jackman Plaza Emporium Muñoz. Ang mga pinakamalapit na pook nito ay Pamilihan ng Muñoz, Iglesia Ni Cristo Bago Bantay, Gusali ng Congressional Arcade, S&R Congressional, AMA Computer University, at Quezon City General Hospital.
Pagkakaayos ng Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]L2 Mga plataporma |
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
| |
Plataporma A | ← Unang Linya ng LRT patungong North Avenue (hinaharap) | |
Plataporma B | → Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos → | |
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
| ||
L2 | Lipumpon | Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, tulay papuntang Jackman Plaza Emporium |
L1 | Daanan | Waltermart North EDSA, Jackman Plaza Emporioum Muñoz, Pamilihan ngMuñoz, Congressional Arcade, Iglesia Ni Cristo Bago Bantay |
Mga imahe
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Mga bilihan ng tiket sa estasyon.
-
Entrada ng mga pasahero sa estasyon.
14°39′26.98″N 121°1′16.36″E / 14.6574944°N 121.0212111°E