Utot
Itsura
(Idinirekta mula sa Fart)
Ang utot[1] (Ingles: flatulence, flatus, fart) ay ang hanging lumalabas o sumisingaw mula sa butas ng puwit ng tao o hayop. Nagkakaroon ng kabag (tympanites sa Ingles, mula sa Griyegong τύμπανο o "tambol") ), ang pamimintog o paglobo ng tiyan dahil sa pagtataglay at pagkakaipon ng hangin sa loob ng tiyan.[2] Samantala, tinatawag namang meteorismo kapag namintog o lumobo ang bituka dahil sa pagkakaipon ng hangin sa loob nito. Nakakaapekto ang meteorismo sa normal na paghinga ng tao.[3] Kapwa nagaganap ang kabag at meteorismo sa loob ng landasing gastrointestinal.
Mga sanhi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa maaaring maging sanhi ng meteorismo at kabag ang mga sumusunod:
- Bara sa bituka
- Mga bato sa bato
- Kasiraan sa tungkulin ng bahagi ng katawan (disordeng punksyonal)
- Labis na pagkain
- Labis na paglaki o pagdami ng bakterya
- Pamamaga ng bituka
- Sobra sa pagkain ng matatabang pagkain gaya ng taba ng baboy na nagdudulot ng mabagal na pagtunaw ng pagkain sa loob ng tiyan
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Utot". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Tympanites, kabag - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Robinson, Victor, pat. (1939). "Meteorism". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 504.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.