Pumunta sa nilalaman

Felis silvestris

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Wildcat[1]
Scottish wildcat (Felis silvestris grampia), British Wildlife Centre, Surrey
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Subpamilya:
Sari:
Espesye:
F. silvestris
Pangalang binomial
Felis silvestris
Schreber, 1777
subspecies

See text

Distribution of five subspecies of Felis silvestris recognised by a 2007 DNA study.[3]

Ang pusang ligaw o wildcat (Felis silvestris) ay isang maliit na pusang matatagpuan sa buong Aprika, Europa, timog-kanluran at sentral na Asya, Indiya, Tsina at Mongolia. Ang pakikipagtalik ng mga pusang ligaw sa mga pusang pambahay (domestikadong pusa) ay malawak at nangyari sa halos kabuuan ng saklaw ng espesyeng ito.[2] Ang ebidensiyang henetiko, morpolohikal at arkeolohikal ay nagmumungkahing ang mga domestikadong pusa (pusang pambahay) ay dinomestika mula sa Aprikanong pusang ligaw mga 10,000 hanggang 9,000 taon ang nakalilipas sa Matabang Gasuklay sa Malapit na Silangan na kasabay ng paglitaw ng agrikultura at pangangailangan ng pagpoprotekta sa mga inaning butil mula sa mga dagang kumakain ng butil. Ang domestikasyong ito ay malamang nangyari nang ang butil ay nalikha mula sa rebolusyong agrikultura sa panahong Neolitiko at inimbak sa mga granaryo na nakaakit ng mga rodent (daga) at ang mga dagang ito ay nakaakit naman ng mga pusa.[3] Ang mga daga ang pangunahing pagkain ng mga pusang ligaw na ito.[4]

pusang ligaw na Scottish kasama ng kuting nito, British Wildlife Centre, Surrey

Ebolusyon at pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang direktang ninuno ng pusang ligaw ang Felis lunensis na umiral sa panahong Huling Plioseno. Ang mga labing fossil ng pusang ligaw ay karaniwan sa mga depositong kweba na may petsang bumabalik sa huling panahong yelo at sa Holoseno.[5] Ang Europeong pusang ligaw ay unang lumitaw sa kasalukuyang anyo nito mga 2 milyong taon ang nakalilipas at nakarating sa British Isles mula sa pangunahing lupain ng Europa mga 9,000 taon ang nakalilipas sa wakas ng huling panahong yelo.[6] Sa panahong Huling Pleistoseno na posibleng 50,000 taon ang nakalilipas, ang pusang ligaw ay lumipat mula sa Europa tungo sa Gitnang Silangan na nagpalitaw ng penotipong pusang ligaw na steppe. Sa loob ng posibleng 10,000 taon ang nakalilipas, ang pusang ligaw na steppe ay kumalat pasilanganin tungo sa Asya at patimog tungo sa Aprika.[7] Ang pinaka-malapit na kasalukuyang mga nabubuhay na kamag-anak ng mga pusang ligaw ang pusang buhangin (sand cat) at ang pusang bundok Tsino (na maaaring isang subespesye ng pusang ligaw), ang pusang kagubatan at ang pusang may itim na paa.[8] Sa kabuuan, ang pusang ligaw(kasama ng mga pusang leopardo at pusang kagubatan) ay kumakatawan sa higit na kaunting espesyalisadong anyo kesa sa pusang buhangin at manul. Gayunpaman, ang subespesye ng pusang ligaw na pangkat Aprikanong pusang ligaw ay nagpapakita ng ilang karagdagang espesyalisasyon na katulad ng sa pusang buhanging at manul.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Wozencraft, W.C. (2005). "Order Carnivora". Sa Wilson, D.E.; Reeder, D.M (mga pat.). Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference (ika-3rd (na) edisyon). Johns Hopkins University Press. pp. 536–537. ISBN 978-0-8018-8221-0. OCLC 62265494. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Driscoll, C., Nowell, K. (2010). "Felis silvestris". Pulang Talaan ng Nanganganib na mga Espesye ng IUCN. Bersiyong 2011.2. Internasyunal na Unyon para sa Konserbasyon ng Kalikasan.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. 3.0 3.1 Driscoll, C. A., Menotti-Raymond, M., Roca, A. L. Hupe, K., Johnson, W. E., Geffen, E., Harley, E. H., Delibes, M., Pontier, D., Kitchener, A. C., Yamaguchi, N., O’Brien, S. J., Macdonald, D. W. (2007). "The Near Eastern Origin of Cat Domestication" (PDF). Science. 317 (5837): 519–523. doi:10.1126/science.1139518. PMID 17600185.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Heptner & Sludskii 1992, pp. 429–431
  5. Kurtén 1968, pp. 77–79
  6. Kilshaw 2011, pp. 1
  7. Yamaguchi, N.; atbp. (2004). "Craniological differentiation between European wildcats (Felis silvestris silvestris), African wildcats (F. s. lybica) and Asian wildcats (F. s. ornata): implications for their evolution and conservation" (PDF). Biological Journal of the Linnean Society. 83: 47–63. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author2= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Harris & Yalden 2008, pp. 400–401
  9. Heptner & Sludskii 1992, pp. 455–456