Pumunta sa nilalaman

Fifty Shades of Grey

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Fifty Shades of Grey
Pabalat ng Fifty Shades of Grey (bersiyong Filipino)
May-akdaE. L. James
TagapagsalinAnna Rose Plata[1]
Edith Garcia[2]
Bansa Nagkakaisang Kaharian
WikaIngles
SeryeFifty Shades
DyanraRomansang erotiko
TagapaglathalaVintage Books
Petsa ng paglathala
20 Hunyo 2011
Mga pahina514
ISBN978-1-61213028-6
OCLC780307033
Sinundan ngFifty Shades Darker 

Ang Fifty Shades of Grey (Limampung Anino ni Grey) ay isang nobelang romansang erotiko (erotic romance novel) na isinulat ni E. L. James, isang may-akda mula sa Nagkakaisang Kaharian, na una sa trilohiyang Fifty Shades. Sinusundan nito ang palalim na pagmamahalan nina Anastasia Steele, na katatapos lang ng kolehiyo, at Christian Grey, isang negosyanteng may kabataan. Kilala ang aklat para sa mga paggamit nito ng mga eksenang erotikong gumagamit ng mga kasanayang seksuwal na karaniwang isinasailalim sa daglat na "BDSM" sa Ingles: ang pagpapapigil at disiplina (bondage and discipline), paghahari at pagsusunud-sunuran (dominance and submission), at sadismo/masokismo (sadism/masochism).

Unang inilathala ni James mismo gamit ang Internet noong Hunyo 2011 bilang isang elektronikong aklat,[3] ibinili ng lathalaang Vintage Books ang karapatan sa paglalathala at pagpapalaganap ng aklat noong Marso 2012. Sa kurso ng paglalathala nito, mahigit 100 milyong kopya ng aklat ang naitinda sa buong mundo, at naisalin ito sa mahigit 50 wika. Sa Pilipinas, inilathala naman ng Precious Pages Corporation ang bersiyong Filipino (Taglish) ng aklat noong Enero 2013, na naging matagumpay rin dulot ng pagtinda ng mahigit 20,000 kopya sa takbo nito.[2] Gayunpaman, kahit kung naging mabenta ang aklat sa pamilihan, pinuna ng mga kritikong pampanitikan ang kalidad ng pagsusulat nito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "New Releases: January 15, 2013". Precious Hearts Romances. Precious Pages Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 4, 2013. Nakuha noong 18 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 De Vera, Ruel S. (3 Agosto 2014). "Found in translation". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. Nakuha noong 18 Pebrero 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Shurnick, Lizzie (17 Marso 2012). "50 Shades of Grey,' a Self-Published E-Book, Is the Future of Publishing". The Daily Beast. The Daily Beast Company LLC. Nakuha noong 18 Pebrero 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)