Pumunta sa nilalaman

Florentino Torres

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya



Florentino Torres
Kalihim ng Kagawaran ng Hustisya
Nasa puwesto
May 29, 1899 – June 4, 1901
Appointed byWilliam McKinley
ika-3 Kasamahang Mahistrado
ng Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas
Nasa puwesto
June 17, 1901 – April 20, 1920
Personal na detalye
Isinilang
Florentino Torres y Santos

16 Oktubre 1844(1844-10-16)
Santa Cruz, Maynila, Captaincy General of the Philippines
Yumao29 Abril 1927(1927-04-29) (edad 82)
Maynila, Pilipinas
AsawaSabina Vergara
AnakManuel (panganay), Luis, (Associate Justice ng Korte Suprema), Antonio (dating Hepe ng Pulisya ng Maynila), Pilar, Alejandra at Rosita

Si Florentino TorresFlorentino Torres y Santos (Oktubre 16, 1844 – Abril 29, 1927)[1] — ay ang kauna-unahang naging Kalihim ng Kagawaran ng Hustisya.

Kasunod niyon, siya ay nanungkulan bilang Kasamahang Mahistrado (Associate Justice) ng Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas mula 1901 hanggang 1920,[2] subalit siya ay nagbitiw dahil siya'y nalampasang kapalit sa nagretirong Punong Mahistrado Cayetano Arellano, kahit siya ang nanungkulang kasunod na pinakamatagal.

Rebulto sa Mataas na Paaralang Florentino Torres

Talambuhay sa Politika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Florentino Torres sa isang mahirap na pamilya sa Sta. Cruz, Maynila noong ika-16 ng Oktubre 1844. Namatay ang kanyang ama sa isang aksidente sa barko noong si Florentino ay napakabata pa. Ang kanyang ina, si Luciana Santos-Torres ay namatay noong epidemya ng kolera noong 1882. Ang kanyang tiyuhin na si Padre Mariano Torres ay tinulungan siyang makatapos ng pag-aaral, kung saan tinapos niya ang kanyang Batsilyer sa Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Mula sa Unibersidad ng Santo Tomas, natanggap niya ang kanyang Batsilyer ng Batas Kanoniko at Batsilyer ng Batas Sibil noong 1866 at 1868, na magkakasunod-sunod. Siya ay pumasa at pinasok sa larangan ng abogasya noong 1871, at siya ay kaagad na hinirang bilang piskal ng Korte sa distrito ng Binondo, Maynila mula 1873 hanggang 1879.

Sa paniniwalang ang kalayaan ng Pilipinas ay hindi makakamit sa pamamagitan ng puwersang armas laban sa lalong makapangyarihang pwersang Amerikano, binuo niya kasami ni Trinidad Pardo H. de Tavera ang Partido Federal, na naglayong sumanib ng Pilipinas bilang isang estado ng Estados Unidos. Ito ay hindi nagtagumpay at pinalitang nila ang pangalan ng partido sa Partido Nacional Progresista na kumampanya sa lubos na kalayaan ng bansa.[3] Siya at ang Punong Mahistrado Cayetano Arellano, ay magkasamang binubuo ng lupon na para sa muling pagsasaayos ng mga munisipalidad sa Pilipinas noong unang bahagi ng 1900. Yumao si Torres sa sakit na paralisis sa Maynila noong ika-29 ng Abril 1927.

Ang Mataas na Paaralang Florentino Torres sa Tondo, Maynila, ay ipinangalan kay Torres noong 1930. Gayundin, ang dating Calle Almansa sa Sta. Cruz, Maynila ay binago ang pangalan at pinalitan bilang lansangang Florentino Torres.

  1. Did You Know | inquirer.net
  2. Memorabilia Room, Justices List | Supreme Court E-Library, inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-24, nakuha noong 2024-12-19{{citation}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Florentino Torres (1844 - 1927)| geocitiessites.com