Forbidden City

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Imperial Palaces of the Ming and Qing Dynasties in Beijing and Shenyang*
UNESCO World Heritage Site

Ang Hall of Supreme Harmony (太和殿) sa gitna ng Forbidden City
Partidong Estado Tsina
Uri Pangkultura
Pamantayan i, ii, iii, iv
Sanggunian 439
Rehiyon Asya-Pasipiko
Kasaysayan ng Pagtatala
Pagtatala 1987  (ika-11 Sesyon)
Mga karagdagan 2004
* Pangalan ayon sa pagkakatala sa Talaan ng mga Pamanang Pandaigdig.
Rehiyon ayon sa pagtatalaga ng UNESCO.

Ang Forbidden City (literal na Pinagbabawalang Lungsod) ay ang dating palasyong imperyal ng Tsina mula noong Dinastiyang Ming hanggang katapusan ng Dinastiyang Qing. Matatagpuan ito sa sentro ng Beijing, Tsina, at dito ngayon matatagpuan ang Palace Museum. Sa loob halos ng 500 taon, nagsilbi itong tahahan ng mga emperador at ng kasambahayan nito, pati na rin ng seremonyal at politikal na sentro ng pamahalaang Tsino.

Itinayo noong 1406 hanggang 1420, ang kompleks ay binubuo ng 980 gusali at sumasakop sa lawak na 72 ha.[1] Ipinapakita ng kompleks ng palasyo ang tradisyonal na arkitekturang pampalasyo ng Tsina,[2] na nakaimpluwensiya sa pag-unlad ng kultura at arkitektura sa Silangang Asya ay kung saan-saan pa. Idineklarang Pandaigdigang Pamanang Pook ang Forbidden City noong 1987,[2] at itinalâ ng UNESCO na naglalaman ng pinakamalaking koleksiyon ng napreserbang istrakturang kahoy sa buong daigdig.

Mula 1925, nasa ilalim ng pamamahala ng Palace Museum ang Forbidden City, na may malawak na koleksiyon ng mga likhang-sining at artifact na nanggaling sa koleksiyon ng imperyo sa ilalim ng dinastiyang Ming at Qing. Ilan sa mga dating koleksiyon ng museo ay makikita na sa National Palace Museum sa Taipei. Nagmula sa iisang institusyon ang parehong museo, ngunit nahati matapos ang Digmaang Sibil Tsino.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]