Suzhou

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Suzhou

苏州市

Soochow, Sou-tseu
Tarangkahan ng Silanganin sa kanlurang pampang ng Lawa ng Jinji sa Liwasang Industriyal ng Suzhou
Tarangkahan ng Silanganin sa kanlurang pampang ng Lawa ng Jinji sa Liwasang Industriyal ng Suzhou
Watawat ng Suzhou
Watawat
Kinaroroonan sa Jiangsu
Kinaroroonan sa Jiangsu
Kamalian ng lua na sa loob ng Module:Location_map na nasa guhit na 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Eastern China" nor "Template:Location map Eastern China" exists
Mga koordinado: 31°18′N 120°36′E / 31.300°N 120.600°E / 31.300; 120.600Mga koordinado: 31°18′N 120°36′E / 31.300°N 120.600°E / 31.300; 120.600
BansaRepublikang Bayan ng Tsina
ProvinceJiangsu
Mga paghahating antas-kondado11
Itinatag514 BK
Pamahalaan
 • UriAntas-prepektura na lungsod
 • Kalihim ng PartidoLan Shaomin
 • AlkaldeLi Yaping
Lawak
 • Antas-prepektura na lungsod8,488.42 km2 (3,277.40 milya kuwadrado)
 • Lupa6,093.92 km2 (2,352.88 milya kuwadrado)
 • Tubig2,394.50 km2 (924.52 milya kuwadrado)
 • Urban
2,743 km2 (1,059 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2018)[2]
 • Antas-prepektura na lungsod10,721,700
 • Kapal1,300/km2 (3,300/milya kuwadrado)
Pangalang turingSuzhounese
Sona ng orasUTC+8 (Oras sa Beijing)
Kodigong postal
215000
Kodigo ng luga512
Kodigo ng ISO 3166CN-JS-05
GDP (2018)
  • Kabuoan

CNY 1.86 trilyon
USD $280.92 bilyon
PPP $528.42 billion

  • Per capita

CNY 174,129
USD $26,303
PPP $49,477

  • Growth: Increase 7%
HDI (2015)0.894 – very high[3]
BulaklakOsmanthus
PunoCamphor laurel
Wikaing panrehiyonWu: wikaing Suzhou
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan苏E at 苏U[4]
Websaytsuzhou.gov.cn

Ang Suzhou (Tsino: 苏州; IPA[səu tsøʏ], pagbigkas sa Pamantayang Mandarin: [su1.t͡ʂɤ́ʊ̯]), alternatibong romanisado bilang Soochow, ay isang pangunahing lungsod sa timog-silangang bahagi ng lalawigan ng Jiangsu ng Silangang China, sa layong humigit-kumulang 100 kilometro (62 milya) hilagang-kanluran ng Shanghai. Isa itong pangunahing sentrong ekonomiko at katumbukán ng kalakalan at komersiyo, at ito rin ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa lalawigan, kasunod ng kabisera nitong Nanjing. Ang lungsod ay matatagpuan sa ibabang abot ng Ilog Yangtze at sa pampang ng Lawa ng Tai, at nasa rehiyon ng Delta ng Ilog Yangtze. Administratibong isang antas-prepektura na lungsod ang Suzhou na may populasyong 4.33 milyong katao sa city proper nito, at kabuoang residenteng populasyon na 10.58 milyon sa pook administratibo nito (magmula noong 2013).[5][6] Lumaki nang 6.5% ang populasyong urbano nito mula 2000 hanggang 2014, isa sa pinakamataas sa mga lungsod na may populasyong higit sa 5 milyong katao.[7][8]

Ang Suzhou, na itinatag noong 514 BK (Bago ang kapanganakan ni Kristo), ay may higit sa 2,500 taon ng kasaysayan, kalakip ang napakaraming mga relikiya at sityong may kaugnayan sa kasaysayan. Noong mga 100 PK (Pagkatapos ng kapanganakan ni Kristo), sa kasagsagan ng dinastiya ng Silangang Han, ito ay naging isa sa sampung pinakamalaking mga lungsod sa mundo dahil sa emigrasyón mula Hilagang Tsina.[9][10] Isa na itong mahalagang sentro ng komersiyo sa Tsina, simula noong dinastiyang Song ng ika-10 dantaon. Noong mga dinastiya ng Ming at Qing, isang pambansang sentrong ekonomiko, pangkalinangan, at pangkomersiyo ang Suzhou,[11] gayon din pinakamalaking lungsod na hindi kabisera sa buong mundo, hanggang sa naganap ang Himagsikang Taiping noong 1860.[12] Nang muling nakuha nina Li Hongzhang at Charles George Gordon ang lungsod pagkaraan ng tatlong taon, nakamit na ng Shanghai ang nangingibabaw na puwesto sa bansa.[13] Mula nang ilunsad ang mga pagbabago sa ekonomiya noong 1978, ang Suzhou ay naging isa sa pinakamabilis na lumalagong mga pangunahing lungsod sa mundo, na may humigit-kumulang 14% sa reyt ng paglaki ng GDP nito sa loob ng 35 mga taon.[5][14] Kalakip ng mataas na inaasahang haba ng buhay (life expectancy) at kita ng bawat tao (per capita income), ang mga panukat ng Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao ng Suzhou ay halos maihahambing sa isang bahagyang maunlad na bansa, kaya ito ay isa sa pinakamaunlad at pinakamasaganang lungsod sa Tsina.[3]

Ang mga kanal, batong tulay, pagoda, at hardin na masusì ang pagkadisenyo ay nakapag-ambag sa katayuan nito bilang isa sa pangunahing mga atraksiyón sa mga turista sa Tsina. Idinagdag ang Klasikal na mga Hardin ng Suzhou sa talaan ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1997 at 2000. Malimit na pinalayawang "Venezia ng Silangan" o "Venezia ng China" ang Suzhou.[15][16][17]

Mga pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Suzhou
Suzhou (Chinese characters).svg
"Suzhou" sa Pinapayak (taas) at Kinagisnang (baba) mga Tsinong panitik
Pinapayak na Tsino 苏州
Tradisyonal na Tsino 蘇州

Noong dinastiyang Zhou, isang pamayanang nakilala bilang Gusu (hango sa kalapit na Bundok Gusu, Tsinong pinapayak: ; Tsinong tradisyonal: 姑蘇; pinyin: Gūsūshān) ay naging kabisera ng estado ng Wu. Mula sa gampanin nito, nakilala rin ito bilang Wu. Noong 514 BK, itinatag ni Haring Helü ng Wu ang isang bagong kabisera sa isang kalapit na sityo at pinangalanang Lungsod ng Helü, at ito ang lumago at naging Suzhou. Noong panahon ng Naglalabanang mga Estado, patuloy na nagsilbing luklukang pampook ng pamahalaaan ang Lungsod ng Helü. Mula sa mga lugar na pinamahalaan nito, nakilala ito bilang Wuxian (lit. "Kondado ng Wu") at Wujun ("Wu Commandery").[18] Sa ilalim ng dinastiyang Qin, nakilala ito bilang Kuaiji kasunod ng pinalaking commandery nito, na ipinangalan mula sa ipinalálagáy na himlayan ni Yu ang Dakila malapit sa makabagong Shaoxing sa Zhejiang.

Unang opisyal na ginamit ang pangalang "Suzhou" noong 589 PK sa panahon ng dinastiyang Sui. Ang ( o ) sa pangalan nito ay kontraksiyon ng lumang pangalang Gusu. Tumutukoy ito sa shiso na isang barayti ng perilla, isang espesye ng malipukon. Ang zhou ay orihinal na nangangahulugang isang katulad ng lalawigan o kondado (ikompara sa Guizhou), ngunit paglaon ay malimit na ginamit sa pagpapalit-tawag na paraan para sa kabisera ng gayong rehiyon (ikompara sa Guangzhou, Hangzhou, atbp.).[19] Ang Suzhou ay Hanyu Pinyin na pagbaybay ng Putonghua na pagbigkas ng pangalang ito. Bago pinagtibay ang paggamit ng pinyin, nakilala ito sa iba't ibang mga pangalan tulad ng Soo-chow, Suchow, at Su-chow.[20][21]

Mga paghahating pampangasiwaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Silipin din: Talaan ng mga paghahating pampangasiwaan ng Jiangsu

Ang pusod urbano ng Suzhou ay impormal na tinatawag na "Old Town". Ito ay nasa Distrito ng Gusu. Nasa silangan nito ang Liwasang Industriyal ng Suzhou, at sa kanluran naman ang Sonang Pagpapaunlad ng Mataas at Bagong Teknolohiya ng Suzhou. Noong 2000, hinati ang orihinal na Kondado ng Wu sa dalawang mga distrito: ang Distrito ng Xiangcheng at Distrito ng Wuzhong. Bumubuo ang mga ito ngayon sa hilaga at katimugang mga bahagi ng lungsod. Noong 2012, ang dating Lungsod ng Wujiang ay naging Distrito ng Wujiang ng Lungsod ng Suzhou.

Ang Suzhou ay isa sa pinakamaunlád na lungsod sa Tsina. May tuwirang kaugnayan ang pagunlad nito sa paglago ng mga karatig lungsod nito, kabilang na ang Kunshan, Taicang, Changshu, at Zhangjiagang, na kasama ang lungsod ng Suzhou ay bumubuo sa antas-prepektura na lungsod ng Suzhou. Ang antas-prepektura na lungsod ng Suzhou ay tahanan ng maraming mga kompanya sa larang ng mataas na teknolohiya.

Mapa
Subdibisyon Pinapayak na Tsino Hanyu Pinyin Populasyon (2010) Lawak (km2) Densidad (/km2)
City Proper
Distrito ng Gusu 姑苏区 Gūsū Qū 954,455 372 2,565.73
Suburban
Distrito ng Huqiu 虎丘区 Hǔqiū Qū 572,313 258 2,218.26
Distrito ng Wuzhong 吴中区 Wúzhōng Qū 1,158,410 672 1,723.82
Distrito ng Xiangcheng 相城区 Xiāngchéng Qū 693,576 416 1,667.25
Distrito ng Wujiang 吴江区 Wújiāng Qū 1,275,090 1,093 1,166.59
Mga karatig lungsod (antas-kondado na lungsod)
Lungsod ng Changshu 常熟市 Chángshú Shì 1,510,103 1,094 1,380.35
Lungsod ng Taicang 太仓市 Tàicāng Shì 712,069 620 1,148.49
Lungsod ng Kunshan 昆山市 Kūnshān Shì 1,646,318 865 1,903.25
Lungsod ng Zhangjiagang 张家港市 Zhāngjiāgǎng Shì 1,248,414 772 1,617.11
Kabuoan 10,465,994 8,488 1,233.03
Hindi pormal na mga paghahating administratibo – Liwasang Industriyal ng Suzhou at Bagong Distrito ng Suzhou
Mga dating distrito – Distrito ng Canglang, Distrito ng Pingjiang, at Distrito ng Jinchang

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Table showing land area and population". Suzhou People's Government. 2003. Tinago mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2007. Nakuha noong 7 Setyembre 2007.
  2. "2018年苏州市国民经济和社会发展统计公报" [Statistical Communiqué of Suzhou on the 2018 National Economic and Social Development]. Suzhou Daily (sa wikang Tsino). Suzhou Municipal Government. 21 January 2019. Nakuha noong 30 October 2019.
  3. 3.0 3.1 Calculated using data from Suzhou Statistics Bureau. Life Expectancy Index = 0.9672, Education Index = 0.8244, Income Index = 0.896. Refs:
  4. 苏U号牌来了!苏州将成江苏首个启用双号牌的城市. 交汇点. 24 Oktubre 2018. Tinago mula sa orihinal noong 24 Oktubre 2018. Nakuha noong 24 Oktubre 2018.
  5. 5.0 5.1 Suzhou Bureau of Statistics. 2014年苏州市情市力 (PDF). Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 19 Abril 2014. Nakuha noong 19 Abril 2014.
  6. Kasama ang kalapit na mga rehiyong naik nito at mga karatig lungsod ng Kunshan, Zhangjiagang, Taicang, at Changshu. Ang pahayag na ito ay batay sa datos mula sa lokal na pamahalaan, habang iginigiit ng isang ulat mula sa Mga Nagkakaisang Bansa (tingnan sa baba) na ang (urbanong) populasyon nito ay 5.156 milyon noong 2014.
  7. United Nations, Department of Economic and Social Affairs, Population Division. "World Urbanization Prospects: The 2014 Revision" (PDF). Tinago (PDF) mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2014. Nakuha noong 1 Enero 2015.CS1 maint: multiple names: listahan ng mga may-akda (link)
  8. Elizabeth MacBride (22 Disyembre 2014). "Keep an eye on these emerging market cities". CNBC. Tinago mula sa orihinal noong 1 Enero 2015. Nakuha noong 1 Enero 2015.
  9. Tertius Chandler (1987). Four Thousand Years of Urban Growth: An Historical Census. St. David's University Press. ISBN 978-0889462076.
  10. "Top 10 Cities of the Year 100". About.com. Tinago mula sa orihinal noong 5 Oktubre 2013. Nakuha noong 20 Oktubre 2013.
  11. "The Grand Canal". UNESCO World Heritage Center. Tinago mula sa orihinal noong 2 Enero 2014. Nakuha noong 1 Enero 2014.
  12. Marme, Michael (2005). Suzhou: Where the Goods of All the Provinces Converge. Stanford: Stanford University Press. ISBN 9780804731126.
  13. Xu (2000), pp. 16, 72–73, 159.
  14. 寻梦苏州 探寻一座城市的现代化之路. 人民网. 26 Enero 2005. Tinago mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2013. Nakuha noong 27 Agosto 2013.
  15. Visit some of China's best gardens next week without a passport » Arts/Entertainment » Andover Townsman, Andover, MA. Andovertownsman.com. Retrieved on 2011-08-28.
  16. Thorpe, Annabelle. "Suzhou: Real China outside Shanghai". The Times. London. Tinago mula sa orihinal noong 4 Hunyo 2011. Nakuha noong 24 Mayo 2010.
  17. Fussell, Betty (13 Marso 1988). "Exploring Twin Cities By Canal Boat". The New York Times. Tinago mula sa orihinal noong 1 Hulyo 2017. Nakuha noong 24 Mayo 2010.
  18. "Supplement to the Local Gazetteer of Wu Prefecture". World Digital Library. 1134. Tinago mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2013. Nakuha noong 6 Setyembre 2013.
  19. Dictionary of Chinese Place-names Ancient and Modern (中国古今地名大词典, Zhongguo Gujin Diming Dacidian), p. 1438. Shanghai Lexicographical Publishing House (Shanghai), 2006. (sa Tsino)
  20. EB (1887).
  21. EB (1911).

Pangkalahatang mga reperensiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikivoyage-Logo-v3-icon.svg Gabay panlakbay sa Suzhou mula sa Wikivoyage