Pumunta sa nilalaman

George Washington Carver

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
George Washington Carver
Kapanganakan1 Enero 1864[1]
    • Diamond
  • (Newton County, Missouri, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan5 Enero 1943
MamamayanEstados Unidos ng Amerika[3]
NagtaposPamantasang Estatal ng Iowa
Trabahobotaniko, imbentor, propesor ng unibersidad, mycologist, kimiko, biyologo
Pirma

Si George Washington Carver (Enero 1864[4] o 12 Hulyo 1864[5] – 5 Enero 1943), ay isang Amerikanong siyentipiko, botaniko, edukador, at imbentor. Pinasulong ng kanyang mga pag-aaral at pagtuturo ang agrikultura sa Katimugang Estados Unidos. Bagaman hind natitiyak nang husto ang araw at taon ng kanyang kapanganakan, pinaniniwalaang isinilang siya bago mapawi ang pang-aalipin sa Misuri noong Enero 1864.[4]

Nakabatay ang kalawakan ng katanyagan ni Carver mula kanyang pananaliksik at pagtataguyod ng pamalit na mga pananim sa halip na bulak lamang, katulad ng mga mani at kamote. Ninais niyang magtanim ang mga mahihirap na magsasaka ng alternatibong mga halaman kapwa bilang mapagkukunan ng kanilang sariling pagkain at maging bilang pinagmumulan ng iba pang mga produktong makapagpapainam sa kalidad ng kanilang buhay. Naglalaman ang kanyang bantog na buletin ng 105 umiiral na mga resipi ng pagkain na ginagamit ng mga mani.[6] Nilikha at ipinamahagi rin niya ang may 100 mga produktong gawa mula sa mga mani na gamitin sa bahay at sa bukid, kabilang ang kosmetiko, pangulay na tina, mga pintura, plastiko, gasolina, at nitrogliserina.

  1. https://www.famousbirthdays.com/people/george-washington-Carver.html.
  2. http://www.jstor.org/stable/3743715.
  3. http://www.nndb.com/people/582/000030492/bibliography/.
  4. 4.0 4.1 "About GWC: A Tour of His Life". George Washington Carver National Monument. National Park Service. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-01. Nakuha noong 2009-01-06. Hindi natitiyak ni George Washington Carver ang tumpak na petsa ng kanyang kaarawan, ngunit pinaniniwalaan niyang iyon ay Enero 1864 (may ilang ebidensiya ang nagsasabing Hulyo 1861, ngunit hindi rin nakasisiguro). Nalalaman niyang iyon ay noong mga panahon bago mapawi ang pang-aalipin sa Misuri, na naganap noong Enero 1864.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Sinasabi sa Notable Names Database na 12 Hulyo 1864 ang kaarawan ni Carver dito.
  6. Carver, George Washington. 1916. How to Grow the Peanut and 105 Ways of Preparing it for Human Consumption Naka-arkibo 2007-03-05 sa Wayback Machine.. Tuskegee Institute Experimental Station Bulletin 31.


TalambuhayKasaysayanEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.