Pumunta sa nilalaman

Giulianova

Mga koordinado: 42°45′09″N 13°57′24″E / 42.752517°N 13.956686°E / 42.752517; 13.956686
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Giulianova
Comune di Giulianova
Lokasyon ng Giulianova sa Lalawigan ng Teramo
Lokasyon ng Giulianova sa Lalawigan ng Teramo
Lokasyon ng Giulianova
Map
Giulianova is located in Italy
Giulianova
Giulianova
Lokasyon ng Giulianova sa Italya
Giulianova is located in Abruzzo
Giulianova
Giulianova
Giulianova (Abruzzo)
Mga koordinado: 42°45′09″N 13°57′24″E / 42.752517°N 13.956686°E / 42.752517; 13.956686
BansaItalya
RehiyonAbruzzo
LalawiganTeramo (TE)
Lawak
 • Kabuuan28 km2 (11 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan23,875
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)

Ang Giulianova ay isang comune sa lalawigan ng Teramo sa bansang Italya.

Ang bayan ay matatagpuan sa hilaga ng rehiyong Abruzzo, sa pagitan ng mga Ilog Salinello at Tordino. Ang Guilianova ay hinahati sa pagitan ng Paesa, ang makasaysayang bayan sa taas ng mga burol, at ang lido, ang mas modernong mga tinatayo sa may baybayin.

Malaki ang bahagi ng turismo sa ekonomiya. Ang bayan, kinatatangian ng ilang dalampasigan, ay sa tag-init ay retiro para sa mga mula sa malalaking lungsod gaya ng Roma at Milano, pati na rin sa mga turistang Aleman at Pranses.

Noong panahong preromano, ang tribong Praetutii ay may paninirahan na rito. Noong ika-3 siglo BCE, itinatag ng mga Romano ang isang kolonyang nangangalang Castrum Nostrum sa may Giulianova. Noong mga Gitnang Kapanahunan, ang lumang Castrum Novum ay tinawag na Castrum divi Flaviani, at nanatiling isang pusod ng kalakal at paglalakbay, hanggang nawasak ito noong 1460 sa Digmaang Tordino. Ang lokal na baron na si Giulio Antonio Acquaviva ay nagtatag, noong 1471, ng isang bagong lungsod sa burol, hindi malayo mula sa luma, na tinawag na Giulia. Ito ay isang interesanteng halimbawa ng ideal na lungsod Renasimiyento, na inilalatag ang teorya ng mga pinakamahalagang arkitekto noong panahong iyon, gaya kanila Leon Battista Alberti at Francesco Di Giorgio Martini, kung saan may ugnay siya sa kalagayang kultural ng pook.

  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ang lahat ng mga demograpiya at iba pang istadistkita: Italian statistical institute Istat.
  4. "Istat - Monthly demographic balance (January–December 2006)". Istituto Nazionale di Statistica. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-03-25. Nakuha noong 2006-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Ugnay Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Institusyong Pampubliko

Italya Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.