Pumunta sa nilalaman

Glossopsitta concinna

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Musk Lorikeet
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Aves
Orden: Psittaciformes
Pamilya: Psittaculidae
Sari: Glossopsitta
Espesye:
G. concinna
Pangalang binomial
Glossopsitta concinna
(Shaw, 1791)

Ang Glossopsitta concinna (Ingles: Musk Lorikeet; Espanyol: loriquito almizcle [lorikitong almiskle]) ay isang lorikeet o lorikito, isa sa tatlong uri ng saring Glossopsitta.[2] Naninirahan ito sa timog-gitna/silangang bahagi ng Australia. Unang inilarawan ang Musk Lorikeet ng isang ornitolohista o dalub-ibon na si George Shaw noong 1790 bilang Psittacus concinnus, mula sa isang koleksiyon mula sa Daungang Jackson o kilala ngayon bilang Sydney. Kinalaunan, inilarawan naman ito ni John Latham bilang Psittacus australis. Concinna ang pinakatumpak na palayaw nito sa Latin na may kahulugang "elegante".[3] May iba pang pangalan ito tulad na lamang ng Pulang Tengang Lorikeet o Red-eared Lorikeet, at Berdeng Keet o Green Keet,[4] at dating tinatawag ito ng mga mamamayan ng Sydney bilang Coolich.[5] Mali namang tawagin ang uring ito bilang Berdeng Leek (Green Leek) at Haring Parrot (King Parrot).[4]

May habang 22 cm (8.5 in) ang Musk Lorikeet. Kadalasang makikita ito sa kulay na berde at nakikilala sa kanyang pulang noo, asul na korona at ang tanging dilaw na kawan sa kanyang pakpak. Parehong pula ang taas at babang dulong panga ng tuka at matingad sa base. Mas maliit at mas barak ang asul na bahagi ng korona ng babae kaysa sa mga lalaki.

Distribusyon at tirahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karamihan sa mga Musk Lorikeet ay makikita sa silangang Bagong Timog Wales, Victoria, Timog Australia at Tasmania.[6]

Pinagkalakhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kadalasang dumadami ang musk lorikeet mula Agosto hanggang Enero. Makikita ang kanilang pugad sa malalim na sanga ng punongkahoy. Dalawang puting itlog na may laking 25 mm × 20 mm (0.98 pul × 0.79 pul) ang pinangitlugan.[kailangan ng sanggunian]

  1. BirdLife International (2012). "Glossopsitta concinna". Pulang Talaan ng Nanganganib na mga Espesye ng IUCN. Bersiyong 2012.1. Internasyunal na Unyon para sa Konserbasyon ng Kalikasan. Nakuha noong 16 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Zoological Nomenclature Resource: Psittaciformes (Version 9.004)". www.zoonomen.net. 2008-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Simpson DP (1979). Cassell's Latin Dictionary (ika-5 (na) edisyon). London: Cassell Ltd. p. 883. ISBN 0-304-52257-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Lendon, p. 23
  5. Long, George (1841). The Penny Cyclopædia of the Society for the Diffusion of Useful Knowledge. London: Charles Knight & Co. p. 90.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Musk Lorikeet". Australian Museum - Birds in Backyards. Nakuha noong 2009-08-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Lendon, Alan H. (1973). Australian Parrots in Field and Aviary (2nd. ed). Sydney: Angus and Robertson. ISBN 0-207-12424-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Low, Rosemary (1978). Lories and Lorikeets. Melbourne: Inkata Press. ISBN 0-909605-08-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.