Pumunta sa nilalaman

Guyabano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Guyabano
Bunga ng guyabano, hiniwa
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Magnoliids
Orden: Magnoliales
Pamilya: Annonaceae
Sari: Annona
Espesye:
A. muricata
Pangalang binomial
Annona muricata

Ang guyabano, guayabano, guwayabano o guwebano (Ingles: soursop) ay isang uri ng prutas o puno na may bilugang mga bunga.[1][2]

Mga iba pang katawagan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Soursop(Ingles), guanábana (Kastila), graviola (Portuguese), Brazilian pawpaw, guyabano, corossolier, guanavana, toge-banreisi, durian benggala, nangka blanda, sirsak, nangka londa, mullaatha(Malayalam), shul-ram-fal at hanuman fal.

Ang halamang guyabano ay itinatanim at pinalalago bilang isang pangkalakalan (commercial) na pananim dahil sa prutas nitong may sukat na 20–30 cm /7.87-11.8 pulgada at may timbang na aabot sa 2.5 kg/5.5 lbs. Ang guyabano ay umaangkop sa mga lugar na may mataas na humidad at relatibong medyo mainit na taglamig. Ang temperaturang mababa sa 5 °C/41 °F ay magsasanhi ng pinsala sa mga dahon at maliliit na sanga nito at ang mga temperaturang mababa sa 3 °C/37.4 °F ay nakamamatay sa halamang ito.

Ang halamang ito ay katutubo sa Sentral Amerika, Caribbean, hilagang Timog Amerika, Colombia, Brazil gayundin sa ilang mga bahagi ng Timog Silangang Asya kabilang ang Pilipinas at Indonesia. Malayo sa mga katutubong tinutubuan nito, may ilang mga limitadong produksiyon sa timog Florida ngunit ito ay itinatanim sa mga hardin para sa lokal na konsumpsiyon.

Ang laman ng prutas na ito ay binubuo ng makakaing puting pulpo at panloob na hindi dihestibleng mga itim na buto. Ang matamis na pulpo ay ginagamit upang gumawa ng juice gayundin bilang pampalasa sa iba't ibang pagkain.

Ang prutas na ito ay mataas sa carbohydrate partikular na sa fructose. Ito ay naglalaman rin ng malaking mga mahalaga ng bitamina C, bitamina B1 at bitamina B2.

Iba pang gamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang prutas, mga buto at dahon ng guyabano ay may ilang mga gamit na herbal medisina sa mga katutubong mga mamamayan ng mga rehiyon kung saan ang halamang ito ay karaniwan.

Panganib sa kalusugan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang pagsasaliksik na isinagawa sa Caribbean ay nagmungkahi ng koneksiyon sa pagitan ng pagkain ng guyabano at atipikal(hindi karaniwan) na mga anyo ng sakit na Parkinson sanhi ng sobrang taas na konsentrasyon ng annonacin nito. [3][4][5][6] Ang mga pagsasaliksik ay nagpakitang ang araw araw na konsumpsiyon(pagkain) sa mga daga(3.8 at 7.6 mg kada kg kada araw sa loob ng 28 araw) ng guyabano ay nagsanhi ng mga lesyon sa utak ng mga ito na konsistente sa sakit na Parkinson.[7] [8]

Kasama ng ilang mga acetogenin, ang annonacin ay iniulat na humaharang ng mitochondrial complex I (NADH-dehydrogenase) na responsable sa konbersiyon ng NADH sa NAD+ at sa pagpuno ng proton gradient sa ibabaw ng panloob na membrano ng mitochondria(mitochondrial inner membrane). Ito ay epektibong nagsasara ng kakayahan ng isang selula na lumikha ng ATP sa pamamagitan ng landas oxidatibo na sa huli ay pumupwersa sa isang selula sa isang apoptosis(natural na kamatayan ng selula) o necrosis(kamatayan sanhi ng panlabas na sanhi).[9]

Bulaklak ng Guyabano (Soursop Flower)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Leo James English, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. The New Filipino-English English-Filipino Dictionary (Ang Bagong Diksiyunaryong Pilipino-Ingles Ingles-Pilipino), Maria Odulio de Guzman, National Bookstore, 1968, isinalimbag noong 2005, ISBN 9710817760, may 197 na mga pahina
  3. Lannuzel, A; atbp. (2003-10-06). "The mitochondrial complex i inhibitor annonacin is toxic to mesencephalic dopaminergic neurons by impairment of energy metabolism". Neuroscience. International Brain Research Organization. 121 (2): 287–296. doi:10.1016/S0306-4522(03)00441-X. PMID 14521988. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author2= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Champy, Pierre; atbp. (2005-08-02). "Quantification of acetogenins in Annona muricata linked to atypical parkinsonism in guadeloupe". Movement Disorders. 20 (12): 1629–1633. doi:10.1002/mds.20632. PMID 16078200. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author2= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Lannuzel A, Höglinger GU, Champy P, Michel PP, Hirsch EC, Ruberg M. (2006). "Is atypical parkinsonism in the Caribbean caused by the consumption of Annonacae?". J Neural Transm Suppl. Journal of Neural Transmission. Supplementa. 70 (70): 153–7. doi:10.1007/978-3-211-45295-0_24. ISBN 978-3-211-28927-3. PMID 17017523.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  6. Caparros-Lefebvre D, Elbaz A. (1999-07-24). "Possible relation of atypical parkinsonism in the French West Indies with consumption of tropical plants: a case-control study". Lancet. 354 (9175): 281–6. doi:10.1016/S0140-6736(98)10166-6. PMID 10440304.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Lannuzel, A; atbp. (6 Oktubre 2003). "The mitochondrial complex i inhibitor annonacin is toxic to mesencephalic dopaminergic neurons by impairment of energy metabolism". Neuroscience. International Brain Research Organization. 121 (2): 287–296. doi:10.1016/S0306-4522(03)00441-X. PMID 14521988. {{cite journal}}: |access-date= requires |url= (tulong); Explicit use of et al. in: |author2= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Champy, Pierre; Hoeglinger, Guenter U.; Feger, Jean; Gleye, Christophe; Hocquemiller, Reynald; Laurens, Alain; Guerineau, Vincent; Laprevote, Olivier; Medja, Fadia; Lombes, Anne; Michel, Patrick P.; Lannuzel, Annie; Hirsch, Etienne C.; Ruberg, Merle (2004). "Annonacin, a lipophilic inhibitor of mitochondrial complex I, induces nigral and striatal neurodegeneration in rats: Possible relevance for atypical parkinsonism in Guadeloupe". Journal of Neurochemistry. 88 (1): 63–69. doi:10.1046/j.1471-4159.2003.02138.x. PMID 14675150.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  9. McLaughlin, J.L. Paw paw and cancer: Annonaceous acetogenins from discovery to commercial products. J. Nat. Prod. 2008, 71, 1311-1321 and references cited