Habanero
Itsura
Habanero | |
---|---|
Espesye | Capsicum chinense |
Kultibar | 'Habanero' |
Kaanghangan | Napakaanghang |
Sukatang Scoville | 100,000–350,000 SHU |
Ang habanero ay isang uri ng siling may anghang na 100,000–350,000 SHU.[1] Kulay luntian ang mga habanero kapag hilaw at nag-iiba ng kulay kapag magulang na. Ang pinakakaraniwang kulay ng ilang uri nito ay kahel at pula, ngunit maari din itong maging puti, kayumanggi, dilaw, luntian o lila.[2] Karaniwan, ang hinog na habanero ay may haba na 2–6 sentimetro (0.8–2.4 pulgada).
Pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinapahiwatig ng pangalan na nagmula ito sa La Habana (Havana). Sa Ingles, minsan mali itong binabaybay bilang habañero at binibigkas bilang /ˌ(h)ɑːbəˈnjɛəroʊ/, dinadagdag ang tilda bilang hyperforeignism na ginaya ang jalapeño.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Chile Pepper Heat Scoville Scale" (sa wikang Ingles). Homecooking.about.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-02-26. Nakuha noong 2013-04-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Chili – Evergreen Orgnaics". EvergreenOrganicsBelize.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-12-02. Nakuha noong 2016-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Habanero" (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. Nakuha noong 2013-10-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)