Harriet Tubman
Harriet Tubman | |
---|---|
Kapanganakan | c. 1820 |
Kamatayan | 10 Marso 1913 |
Asawa | John Tubman, Nelson Davies |
Magulang | Ben at Harriet Greene Ross |
Si Harriet Tubman (ipinanganak bilang Araminta Ross; c. 1820 – 10 Marso 1913) ay isang Amerikanang Aprikanang abolisyonista, humanitaryano, at espiya ng Unyon noong panahon ng Digmaang sibil ng Amerika. Pagkatapos makatakas mula sa pagkakakulong, siya ay nakagawa ng labintatlong misyon upang mailigtas ang mahigit sa pitongpung mga alipin [1] gamit ang mga sangay ng mga aktibistang laban sa pang-aalipin at mga ligtas na bahay na kilala bilang Pang-ilalim ng Lupa na Daambakal. Tinulungan din niya ang mga tauhan ni John Brown para sa paglusob nito sa Harpes Ferry, at sa paglaban para sa karapatang bumoto (suprahiyo) pagkatapos ng digmaan.
Siya ay ipinanganak sa pang-aalipin sa Dorchester County, Maryland, at siya ay kadalasang pinapalo at nilalatigo ng kanyang iba't ibang amo nang siya ay bata pa. Noong bata pa siya, siya ay nakaranas ng isang makasit na sugat sa kanyang ulo ng ang kanyang galit na galit na amo bumato ng isang mabigat na bakal sa kanya, na intensiyong batuhin ang isa pang alipin. Ang sugat ay nagdulot ng labis na pananakit, sakit sa ulo, at nakakaranas ng matinding pangitain at pananaginip, at nagdulot ng hypersomia na naranasan niya sa kabuuan ng kanyang buhay. Siya ay isang debotong Kristiyano, sinasabi niya ang kanyang mga nakikita at mga panaginip ay premonisyon mula sa Panginoon.
Noong 1849, Si Tubman ay tumakas patungong Philadelphia, at agarang bumalik sa Maryland upang iligtas ang kanyang pamilya. Unti unti, isang pangkat bawat pagkakataon, dinala niya ang kanyang mga kamag-anak palabas ng estado, at lumaon ay ginabayan pa ang dose-dosenang mga alipin sa kanilang kalayaan. Naglalakbay tuwing gabi sa labis na kalihiman, si Tubman (o "Moses", ang tawag sa kanya) ay hindi nawalan ng pasahero. Mga bigating mga pabuya ang inaalok sa kanya ng maraming taong natulungan niya, subalit walang sino man ang nakakaalam na siya ay si Harriet Tubman, ang taong tumutulong sa kanila.
Nang magsimula ang Digmaang Sibil ng Amerika, nagtrabaho si Tubman sa Sandatahan Unyon, na nagsimula bilang kusinera at nars, at naging scout at ispiya. Siya rin ang kauna-unahang babaeng namuno sa expedisyong armado sa digmaan, ginabayan niya ang paglusob sa Ilog Combahee, na nagpalya sa karagdagang pitong daang mga alipin. Pagkatapos ng digmaan, siya ay nagretiro sa bahay ng kanilang pamilya sa Auburn, New York, kung saan inalagaan niya ang kanyang matatandang magulang. Siya ay aktibo sa kilusang karapatang humalal hanggang siya ay dapuan ng karamdaman at siya ay dinala sa isalng bahay para sa mga matatandang Amerikanong Aprikano na dati niyang tinulungan. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, siya ay naging sagisag ng Katapangan at kalayaan ng mga Amerikano.
Pamilya at Kapanganakan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Harriet Tubma ay ipinanganak bilang Araminta "Minty" Ross sa mga aliping magulang, si Harriet ("Rit") Green at Ben Ross. Si Rit ay pagmamay-ari ni Mary Pattison Brodess (at lumaon ng anak nitong si Edward), samantalang si Ben ay legal na pagmamay-ari ng ikalawang asawa ni Mary, Anthony Thompson, na nagpapatakbo ng malaking plantasyon malapit sa Ilog Blackwater sa Dorchester County, Maryland.[2] Gaya ng iba pang mga alipin sa Estados Unidos, ang tumpak na taon at pook ng kapanganakan niya ay hindi naitala, at ang mga dalubhasa sa kasaysayan ay iba iba ang tantiya. Si Kate Larson ay itinala ang taong 1822, batay sa isang bayad sa kumadrona at iba pang mga dokumento.[3] Samantalang si Jean Humez ay nagsasabi na ang "pinakakasalukuyang katibayan na nagsasabi ng kapanganakan ni Tubman ay 1820, subalit maaaring mas huli ng isa o dalawang taon".[4] Si Catherine Clinton ay isinulat na inulat ni Tubman na ang taon ng kanyang kapanganakan ay 1825, samantalang ang kanyang katibayan ng kamatayan ay nagtala ng 1815 at ang kanyang lapida ay nagsasabing 1820.[5] Sa kanyang talaan ng pensiyon ng kanyang balo, sinabli ni Tubman na siya ay ipinanganak noong 1820, 1822, at 1825, isang indikasyon na siya rin mismo ay hindi alam ang kanyang kapanganakan. in 1820, 1822, and 1825, an indication, perhaps, that she had no idea when she was born.
Si Modesty, ang lola ni Tubman sa kanyang ina, ay dumating sa Estados Unidos sakay ng isang barkong pang-alipin mula sa Aprika; walang kabatirang mayroon patungkol sa kanyang pinagmulan.[6] Bilang bata, si Tubman sinaabihan na siya ay mula sa lahing Ashanti (na ngayon ay ang bansang Ghana), subalit walang katunayang nagpapatunay o nagtatanggi dito.[7] Ang kanyang ina na si Rit (na maaaring anak ng isang puti)[7][8] ay isang kusinera para sa pamilya Brodess.[4] Ang kanyang ama ay isang mahusay na mangangahoy na namamahala sa mga gawaing pangangahoy sa plantasyon.[7] Sila ay nagpakasal noong 1808, at ayon sa talaan ng korte, sila ay may siyam na anak: sina Linah, ipinanganak noong 1808, Mariah Ritty (1811), Soph (1813), Robert (1816), Minty (Harriet) (1822), Ben (1823), Rachel (1825), Henry (1830), at Moses (1832).[9]
Si Rit ay lumaban upang mapanatiling buo ang kanyang pamilya sa dahilang ang pang-aalipin ay ang nagpapahiwalay sa kanila. Si Edward Brodess ay ibinenta ang kanilang tatlong anak na babae (si Linah, Mariah Ritty, at Soph), na nagpahiwalay sa kanila simula noon sa pamilya.[10] Nang ang isang mangangalakal mula sa Georgia ay lumapit sa mga Brodess patungkol sa pagbili nito sa bunsong anak ni Rit na si Moses, itinago niya ito ng isang buwan, na tinulungan naman ng ibang mga alipin at ng mga malalayang itim sa pamayanan.[11] May isang pagkakataon pa na hinarap niya ang kanyang amo patungkol sa pagbenta.[12] Nang umabot na si Brodess at ang "Lalaking mula sa Georgia" sa bentahan ng alipin upang kunin ang bata sa bahay nito, sinabi ni Rit sa kanila na: "Kayo ay pumunta rito para sa anak ko;pero ang unang taong pumasok sa bahay ko, hihiwain ko ang kanyang ulo."[12] Umalis si Brodess at hindi itinuloy ang pagbenta.[13] Sumang-ayon ang Biographer ni Tubman sa kuwento ng pangyayaring ito sa kasaysayan ng kanilang pamilya na nakaimpluwensiya sa paniniwala ni Tubman sa posibilidad ng pagtanggi.[13][14]
Pagkabata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil ang ina ni Tubman ay naitalaga sa "Ang malaking bahay" at may kakaunting panahon para sa kanyang sariling pamilya, bilang bata siya ang nag-alaga sa kanyang nakababatang kapatid na lalaki at isang sanggol.[15] Sa edad na lima o anim, siya ay inarkila ng isang babaeng may pangalan na "Binibining Susan" bilang katulong ng nars. Si Tubman ay inutusan bantayan ang sanggol habang ito ay natutulong; tuwing ang sanggol ay nagigising at umiiyak, siya ay hinahampas. Sinabi niya minsan na siya ay tinali ng limang ulit bago siya mag-almusal. Dinala niya ang mga peklat nito habang buhay niya.[16] Natakot ng minsang magnakaw ng asukal, nagtago si Tubman sa isang kural ng baboy ng limang araw, kung saan nakipag-agawan siya sa mga hayop ng pagkain, siya ay bumalik sa bahay ni Miss Susan at nakatanggap ng matitinding palo.[17] May ilang beses pang sumunod na pagpalo sa kanya, kaya minsan ay binabalot niya ang kanyang sarili ng maraming damit. May isa pang pagkakataon na kinagat niya ang tuhod ng isang puting lalaki habang siya ay pinapalo; pagkatapos ay lumayo na ang lalaki sa kanya.[18]
Nagtrabaho din si Tubman noong bata pa siya sa isang bahay ng isang magsasakang nagngangalang James Cook, kung saan inutusan siyang magtungo sa isang dampa upang tignan ang mga patibong. Kahit na siya ay may tigdas, siya ay inutusan pa ring magtungo sa hanggang baywang na malamig na tubig. Lumala ang kanyang sakit at pinauwi. Ang kanyang ina ang nag-alaga sa kanya hanggang sa siya ay gumaling, at pagkatapos ay agaran ding inupahan upang magtrabaho muli sa iba't ibang mga sakahan.[19] Habang siya ay lumalaki at nagiging malakas, siya ay tinatalaga sa mga mas mahihirap na trabaho; pagpapatakbo ng kalabaw, pagsasaka, at magtroso.[20]
Pagkasugat sa ulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang araw, sa kanyang pagdadalaga, pinadala si Tubman sa isang tindahan upang bumili ng ilang mga gamit. Doon ay nakaenkwentro niya ang isang alipin na pagmamay-ari ng ibang pamilya, na umalis na walang pahintulot. Ang tagapangisawa nito, na galit na galit, ay sinabing tulungan siyang mahuli ang batang lalaking alipin. Subalit tumanggi si Tubman, at habang tumatakas ang alipin, bumato ng isang kiluhan ang tagapangisawa subalit ang tinamaan ay si Tubman, at sinabi nitong "nabasag nito ang aking bungo".[21] Sinabi niya minsan sa kanyang paniniwala na ang kanyang buhok, na ni minsan ay hindi pa nasuklayan ay parang isang malaking buslo na maaaring nakatulong na mailigtas ang kanyang buhay.[21] Siya ay hinatid sa bahay ng kanyang amo na dumudugo ang ulo at walang malay, at inihiga, kung saan doon siya nanatili ng walang binibigay na atensiyong medikal sa loob ng dalawang araw.[21] Agad din siyang pinabalik sa taniman, "na may dugo at pawis as tumutulo sa aking mukha hanggang sa ako ay hindi na makakita".[21] Sinabi ng kanyang amo na kulang na ang kanyang halaga at siya ay binalik sa mga Brodess, na sinubakang siyang ibenta muli subalit sila'y nabigo.[22] Nagsimula na rin siyang atakin ng kanyang sakit, at minsan ay hinihimatay, subalit sinabi niya na alam niya ang nangyayari sa kanyang paligid kahit mukha siyang natutulog. Ang mga kabanatang ito ay nagpaalarma sa kanyang pamilya na hindi siya kayang gisingin kapag siya ay nakatulog at nang walang babala. Ang kondisyong ito ni Tubman ay dala dala na niya sa buong buhay niya; Ayon kay Larson na maaaring siya ay nakakaramdam ng temporal lobe epilepsy na dulot ng pagkasugat ng kanyang ulo.[23]
Ang labis na pagkasugat ng kanyang ulo ay naganap noong panahon ng kanyang buhay na siya ay nagiging labis na relihiyoso. Bilang isang batang walang kamuwangan, madalas siyang binababasahan ng kanyang ina ng mga kuwento mula sa Bibliya.[24] Ang partikular na uri ng kanyang paniniwalang Kristiyano ay nanatilng malabo, subalit nakuha ni Tubman ang matinding panananalig sa Panginoon.
Huling Bahagi ng kanyang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginugol ni Tubman ang nalalabing mga taon niya sa Auburn, sa pagtulong sa kanyang pamilya at sa ibang taong nangangailangan. Siya ay naghanapbuhay ng iba-t ibang uri ng trabaho upang matulungan ang kanyang matatandang magulang, at tumanggap ng mga nangangasera upang makatulong sa pagbayad ng mga bayarin.[25] Isa sa mga dinala ni Tubman ay ang isang Beterano ng Digmaang Sibil na may pangalang Nelson Davis. Nagsimula siyang maghanapbuhay sa Auburn bilang isang ladrilyero, at lumaon ay nahulog ang loob nila sa isa't isa. Datapwa't siya ay mas bata ng dalawangpu't dalawang taon kaysa kay Tubman, sila ay kinasal noong 18 Marso 1869 sa Central Presbyterian Church.[26] Nagsama sila ng dalawangpung taon, at nag-ampon ng babaeng sanggol noong 1874 at pinangalanang Gertie[27]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Larson, p. xvii.
- ↑ Clinton, p. 12.
- ↑ Larson, p. 16.
- ↑ 4.0 4.1 Humez, p. 12.
- ↑ Clinton, p. 4.
- ↑ Clinton, p. 5.
- ↑ 7.0 7.1 7.2 Larson, p. 10.
- ↑ Clinton, p. 6.
- ↑ Larson, p. 311-312.
- ↑ Clinton, p. 10.
- ↑ Larson, p. 34.
- ↑ 12.0 12.1 Larson, p. 33.
- ↑ 13.0 13.1 Clinton, p. 13.
- ↑ Humez, p. 14.
- ↑ Humez, p. 13.
- ↑ Clinton, pp. 17–18.
- ↑ Larson, p. 40.
- ↑ Clinton, p. 19.
- ↑ Larson, p. 38.
- ↑ Larson, p. 56.
- ↑ 21.0 21.1 21.2 21.3 Larson, p. 42.
- ↑ Clinton, p. 22.
- ↑ Larson, pp. 42–43.
- ↑ Clinton, p. 20.
- ↑ Larson, p. 239.
- ↑ Clinton, p. 198.
- ↑ Larson, p. 260.
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Anderson, E. M. (2005). Home, Miss Moses: A novel in the time of Harriet Tubman. Higganum, CT: Higganum Hill Books. ISBN 0-9776556-0-1.
- Bradford, Sarah (1961). Harriet Tubman: The Moses of Her People. New York: Corinth Books. LCCN 61-8152.
- Bradford, Sarah (1971). Scenes in the Life of Harriet Tubman. Freeport: Books for Libraries Press. ISBN 0-8369-8782-9.
- Clinton, Catherine (2004). Harriet Tubman: The Road to Freedom. New York: Little, Brown and Company. ISBN 0-316-14492-4.
- Conrad, Earl (1942). Harriet Tubman: Negro Soldier and Abolitionist. New York: International Publishers. OCLC 08991147.
- Douglass, Frederick (1969). Life and times of Frederick Douglass: his early life as a slave, his escape from bondage, and his complete history, written by himself. London: Collier-Macmillan. OCLC 39258166.
- Humez, Jean (2003). Harriet Tubman: The Life and Life Stories. Madison: University of Wisconsin Press. ISBN 0-299-19120-6.
- Larson, Kate Clifford (2004). Bound For the Promised Land: Harriet Tubman, Portrait of an American Hero. New York: Ballantine Books. ISBN 0-345-45627-0.
- Sterling, Dorothy (1970). Freedom Train: The Story of Harriet Tubman. New York: Scholastic, Inc. ISBN 0-590-43628-7.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Buong teksto ng Harriet, The Moses of Her People Naka-arkibo 2008-08-21 sa Wayback Machine., mula sa Project Gutenberg
- Buong teksto ng Scenes in the Life of Harriet Tubman, mula sa Pamantasan ng Hilagang Carolina na nasa Chapel Hill
- Pahina ng Talambuhay ni Harriet Tubman mula kay Kate Larson
- Harriet Tubman Web Quest: Leading the Way to Freedom | Scholastic.com